Gardo Versoza recalls Seiko days: "Maraming fond memories... yung mga love scenes at ang walang patumanggang pictorials na naka-trunks!"

Sa mga kuwentong "ST" o sex trip movies noong dekada ’90, pagbabalik-tanaw ni Gardo Versoza: "Kumbaga sa nagbinata, yun ang childhood days, e. Sa Seiko, maraming fond memories... yung mga love scenes ibig kong sabihin. At ang walang patumanggang pictorials na naka-trunks!"


Ang isang bagay na nagustuhan ni Gardo Versoza sa bago niyang tatampukang afternoon soap sa GMA-7, ang Hiram Na Puso, ay ang pagkakataong makatrabaho muli ang dalawang aktres na nakasama niya nang matagal-tagal sa epic-seryeng Amaya—sina Gina Alajar at Ayen Munji-Laurel.

Sabi ni Gardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Malaking bagay yung meron kayong rapport at saka chemistry.

"Actually, mahalaga yung ganong aspeto para sa akin—be it sa movies or TV. Otherwise, hindi kayo in fine tune, di ba?"

Nakausap ng PEP si Gardo sa unang araw ng taping ng Hiram Na Puso noong Lunes, February 20, sa Northshore Place, Victoneta Ave., Malabon City.

Magkakasunod ang mga eksenang kinunan kina Gardo at Ayen ni Direk Andoy Ranay sa unang araw.

At tulad sa nagwakas nang Amaya, gumaganap uli bilang mag-asawa sa bagong serye sina Ayen at Gardo.

Kasama rin sa cast ng Hiram Na Puso sina Kris Bernal, Mark Herras, Polo Ravales, Bdla Padilla, at Kristal Reyes.

Sa mga nabanggit na artistang katrabaho niya ngayon ay walang masasabing problema si Gardo.

"Otherwise, mabigat yung ganung sitwasyon sa pagtatrabaho n’yo.

"Like before sa Amaya, kahit kaeksena mo, kunwari kapwa-lalaki, kailangan pa rin in fine tune kayo para hindi saliwa," sabi niya.

Kaya naging malapit din ang 42-year old actor sa mga naging "kawal" niya sa Amaya, tulad nina AJ Dee at Rob Sy.

Sila ni Polo, na dati nang nakatrabaho ni Gardo sa Biglang Sibol, Bayang Impasibol ng TAPE, Inc., ay nagkaroon naman daw ng pleasant working relationship.

Although may pagkakataong na-link sila romantically sa iisang aktres sa magkaibang panahon, ani Gardo, "Yung mga gano’n, hindi ako apektado. Actually, wala namang naging bad blood sa amin, e.

Ang aktres na na-link pareho kina Gardo at Polo ay si Jean Garcia.

DEMANDING. Kumpara sa Amaya, na mabalasik na pinuno ng isang sinaunang lipi ang papel niya, at sa sumunod na seryeng Ikaw Lang Ang Mamahalin, bilang isang mapagmahal na ama ni Barbie Forteza at ng nagpanggap niyang daughter na si Joyce Ching; sa Hiram Na Puso ay mas balanse raw ang character ni Gardo bilang ama nina Bela Padilla at Krystal Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi Gardo tungkol sa kanyang role, "Mahirap i-pinpoint agad ang strengths at weaknesses nung character.

"Tipong hindi mo agad-agad mahahanapan ng peg, kasi hindi siya typical na good or bad.

"Kaya mas challenging siyang i-portray, para sa akin."

’ST’ DAYS. Samantala, naging bahagi rin ng panayam ng PEP kay Gardo ang panahon ng tinatawag na "ST" o "sex trip" movies noong 1990s.

Hindi ikinahihiya o ikinakaila ni Gardo na isa siya sa mga tinatawag na ST movie actors ng Seiko Films ng producer na si Robbie Tan, simula noong early hanggang mid-’90s.

"Kumbaga sa nagbinata, yun ang childhood days, e. Sa Seiko, maraming fond memories!" natawang sambit ng aktor.

Nasa tabi ni Gardo ang girlfriend-manager na si Ivy Vicencio and at one point, sabi ni Gardo, "Most of the memories, sa ano..."

"Sa chicks?!" biro ni Ivy na nangingiti.

"Hindi," salungat ni Gardo, "Wala akong kahilig-hilig diyan, e... yung mga love scenes, ibig kong sabihin.

"At ang walang patumanggang pictorials na naka-trunks!"

Totoo bang nilalagyan ng "lavacara" ang loob ng swimming trunks para mas maging sexy ang pictorial?

"Minsan," pag-amin ni Gardo.

"Like may isang loves scene ako, yun, nilagyan..."

Sa mga sex-oriented o ST movies, mas naging markado si Gardo sa mga unang taon niya bilang aktor, simula sa Nang Gabing Mamulat Si Eba, opposite Rita Avila, Cristina Gonzales, and Rina Reyes.

Lumaki siya sa isang konserbatibong pamilya, kaya sabi rin ni Gardo—Peter Mennen Torres Polintan in real life—hinggil sa ginawang pagpapa-sexy onscreen, "At first, siyempre mahirap. Parang... you’re doing something that’s against your will."

Nagbida rin si Gardo sa iba pang ST movies, tulad ng Sabik Sa Halik, Halimuyak ng Babae, Kandungan, at Kirot Part 2.

Banggit pa ng aktor, ’Yung [ST] series nun, kina Cristina [Gonzales], Gretchen [Barretto], ganyan. Hanggang sa napunta kay Osang [Rosanna Roces] mga kalagitnaan ng ’90s."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At siyempre, sino ang makakalimot sa Machete II na siya ang pangalawang nagbida, after the orig Machete, Cesar Montano?

"Yung ginamit na sculpture, gusto ko sanang bilhin. E, ayaw namang ibenta ni Robbie [Tan]," sabi ni Gardo.

INTIMATE WITH PRISCILLA ALMEDA. Bago mag-decide na iwan ang pagpapa-sexy sa pelikula, naging kapareha rin ni Gardo ang batambata pa noong si Priscilla Almeda (o Abby Viduya).

"Ginawa namin yung Sabik [Sa Halik]," pag-alala rin ni Gardo.

Naging "intimate" din ba sila noon ni Priscilla?

"For a while..." pag-amin ng aktor.

Pero hindi naman daw niya niligawan o naging girlfriend ang sexy star.

"Ngayon, wala ka nang balita sa kanya?" tanong pa ni Gardo.

"Siguro na-trauma. Pero alam ko, nagkaroon din siya ng second wave. Kumbaga, na-recognize din."

Ang tinutukoy ni Gardo ay ang Urian nomination ni Priscilla para sa Batang West Side ni Lav Diaz noong 2001.

PRESTIGE. Nang huminto siya sa paggawa ng sexy movies, nag-action naman si Gardo sa mga pelikulang gaya ng Medrano, Kid Manalo, at Mariano Mison.

Paminsan-minsan ay lumalabas din siya sa ilang prestige projects, gaya ng mga sumusunod: Marilou Diaz-Abaya’s Jose Rizal (bilang Andres Bonifacio); Mario O’Hara’s Sisa (bilang si Jose Rizal) and Babae Sa Breakwater; Peque Gallaga and Lore Reyes’s Sa Piling Ng Aswang; and Carlos Siguion-Reyna’s Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya.

Naging award-winning actor din si Gardo sa action-starrer ni Eddie Garcia, ang Emong Salvacion; winning as best supporting actor sa 1997 Metro Manila Filmfest.

"Sinuwerte, nu’ng hindi ako um-attend (sa awards night)," natatawang sambit pa ni Gardo.

Pero kung babalikan niya ang nakaraan, sa buhay at career niya sa showbiz, para sa isang talambuhay ay hindi pa handa si Gardo.

"Boring ang life ko. Hindi ko na-maximize lahat, e. Like, yung childhood ko," sabi niya.

The older between two siblings, Gardo is, in a way, thankful for the way they were brought up by their parents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro masasabi ko, naging maganda ang foundation namin ng brother ko kaya, in a way, hindi ako nagkaroon ng co-dependency syndrome," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN