Alden Richards willing to go sexy in Cosmo Bachelor Bash: "If ever, sana."

"At ayoko pong magsalita ng tapos. Kasi malay n’yo po biglang dumating. So, grab lang ’yong opportunity," says Alden Richards when asked if he’s ready to go sexy and daring in Cosmo Bachelor Bash.


Big break na maituturing para kay Alden Richards ang pagiging isa sa major cast ng horror-suspense film na The Road.

Ang nasabing pelikula ay produced by GMA Films na ipinalabas last year at ngayon ay isang international movie na.

Nakatakda itong ipalabas sa iba’t ibang panig ng U.S. at maging sa Canada.

"Hindi ko po ma-explain, e. Magkahalong happiness at kaba," sabi ni Alden nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"’Tapos may pressure din po. Kasi para pong iba ang dating sa beginner na kagaya ko.

"It’s really a big achievement for me, for my other co-stars, and for GMA Films."


WITH HIS ULTIMATE CRUSH. Kasama siya sa miyembro ng cast na pupunta sa U.S. at Canada kung saan ipalalabas ang The Road. At excited na raw siya kaugnay nito.

Sa kanyang pagbiyahe abroad, makakasama niya ang co-star niya sa pelikula na si Rhian Ramos.

Sinasabi niya dati na "ultimate crush" niya ang aktres. Ano ang pakiramdam sakaling magkasama sila sa biyahe sa Amerika?

"Masaya po. Uhm... trabaho naman po ang ipupunta namin doon, e.

"And excited kaming lahat sa mga naka-schedule na pagpapalabas ng The Road internationally," sagot ni Alden.

WITH HIS IDOL. Mukhang tamang landas ang tinatahak ng kanyang karera sa kasalukuyan.


At dahil kinakitaan nga ng husay sa pag-arte, maganda ang feedback sa performance niya sa My Beloved, ang bagong primetime series ng GMA-7 kung saan balik-tambalan sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sabi ni Alden, "Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta.

"Talagang pinaghandaan po namin ang My Beloved.

"Mas lalo pa po naming pagsisikapan na mapaganda ’yong soap.

"Kapapasok pa lang po ng character ko so... parang halos lahat ng eksena ko, mahirap.

"Kasi kinakapa ko pa po ’yong character ko.

"So, hindi pa po gano’n na nagsi-sink in sa akin ’yong character ko rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero tinutulungan naman po ako ng direktor namin at ng mga co-actors ko kaya napapadali po ’yong trabaho."

Sila ni Dingdong ang madalas na magkaeksena sa My Beloved. At puring-puri ni Alden ang aktor bilang katrabaho.

"Sobrang gaan po na para sa akin. Madali ko po siyang naiintindihan sa eksena.

"Noong una, siyempre medyo kinabahan ako. Kasi Dingdong Dantes po iyon, award-winning actor."

Dahil dito, gusto raw niyang sundan ang yapak ng pagiging mahusay na aktor ni Dingdong.

"Opo naman. Idol ko siya pagdating sa lahat!" nangiting sabi pa ni Alden.

Ito ba ang dahilan kaya rin siya nagpaganda ng katawan?

"Opo. At sana, ma-maintain ko lang ’yong ganitong fitness ko."

Minsan nang napabilang sa listahan ng Sexiest Men in the World si Dingdong.


SEXY ALDEN. Pinag-uusapan sa ngayon ang mga pictorial ni Alden para sa isang clothing line na kanyang ini-endorse.

Karamihan kasi sa mga shots ay naka-topless siya at pansin na pansin ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.

May pagka-hunk na ang kanyang dating. Ibig sabihin kaya ay ready na rin siya sa mga roles na sexy ang tema?

"I’m open for that. Open po ako kung may ibigay sa akin na role na medyo sexy na, halimbawa, may topless scene.

"Okey lang po sa akin ’yong gano’n. Kasi part iyon ng pagiging actor," sagot ng 20-year-old actor.

Paano ’yong pagpu-pose ng sexy sa magazine gaya ng ginagawa ng ibang hunk actors? O kaya ’yong rarampa rin siya halimbawa sa laging inaabangan at pinag-uusapan every year na Cosmo Bachelor Bash?

"Naku, mukhang hindi pa po natin alam, e," nangiting sabi ng binata.

"At ayoko pong magsalita ng tapos. Kasi malay n’yo po, biglang dumating.

"So, grab lang ’yong opportunity.

"If ever, sana!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN