Glydel Mercado on 13-year marriage to Tonton Gutierrez: "Wala na siyang makikitang katulad ko, out of this world."

Glydel Mercado says she’s not having in-law problems: "Ay, walang problema. Mas kakuntsaba ko pa kaysa kay Tonton. Sobrang cool. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkakasundo. Kasi si Mamita [Liza Lorena], parang bata, e. Ang mga barkada niya, mga bata rin kaya nakakasabay siya. So, very cool."


Hindi maninibago si Glydel Mercado sa kanyang pagtuntong sa TV5 upang gawin ang afternoon soap na Isang Dakot na Luha dahil may mga ginawa na siyang proyekto sa Kapatid network.

Ang Isang Dakot Na Luha ang unang soap ni Glydel sa TYV5. Makakasama niya rito sina Danita Paner, Jay Manalo, at Alice Dixson.

Ang hindi lang masabi sa ngayon ni Glydel ay kung ano ang magiging status niya sa TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa taping ng Isang Dakot na Luha na ginawa sa Montefalco General Hospital sa Meycauyan, Bulacan.

Sabi ni Glydel, "Ewan ko pa kay Nanay Lolit [Solis, ang manager niya] kung ano ang arrangement niya with TV5.

"Pero as of now, eto lang pong soap na ito."

Ipalalabas ngayong February 27 ang Isang Dakot na Luha, samantalang umeere naman sa GMA-7 ang The Good Daugther, ang huling seryeng sinamahan ni Glydel bago siya lumipat ng TV5.

Napipinto ang pagtatapat ng dalawa niyang soap dahil sabay itong eere sa 3:30 p.m. timeslot.

"Opo, pero may flashback po ako doon," pagkumpirma niya sa patuloy na paglabas ng role niya bilang ina ni Kylie Padilla sa The Good Daughter.

Sabi pa ni Glydel, "Hindi po namin kasi alam kung ano yung timeslot nito [Isang Dakot Na Luha].

"Pero alam naman po nila na naggu-Good Daughter ako sa kabila.

"Yun nga lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi may mga flashback scenes ako doon.

"Monday-Wednesday-Friday ang taping ko dun, ’tapos dito naman, ganun din.

"So, hindi ko alam kung anong mangyayari."

KONTRABIDA ROLE. Nakakadalawang linggo pa lang ang taping ni Glydel sa bago niyang serye kaya hindi pa niya masabi kung gaano katindi ang pagiging kontrabida niya rito kina Alice at Jay.

"Pero ini-explain nila sa akin na may paghihiganti kung bakit ako naging masamang-masama dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magiging masama ako sa pagkakataon... like yung eksena namin ngayon, namatay nang sabay yung anak ko at yung Papa ko.

"Doon ako magsisimula, yung revenge ko, dahil sabay na namatay yung mga mahal ko sa buhay.

"Madadamay si Alice dahil siya ang asawa ni Jay.

"Because of Jay, mamatay yung anak ko dahil parang niligtas... babarilin sana ng Papa ko si Jay, iniligtas ng anak ko.

"So, maka-cardiac arrest yung Papa ko kaya sabay silang namatay.

"Nagkaanak kami ni Jay, siya nga yung si Lilac," kuwento ni Glydel.

Dagdag pa niya, "First time namin ni Alice, pero si Jay, maraming beses na kaming nagkasama."

WORKIGN WITH ALICE. Kung ang iba raw ay nai-intimidate sa presence at malakas na character ni Alice, hindi raw si Glydel.

"Hindi naman, kasi nag-workshop kami. Parang bonding.

"So, doon ko siya nakilala. Akala ko nga, mataray siya, suplada.

"Doon sa workshop kasi, sasabihin sa iyo kung ’how do you see your partner’ or kung ’sino yung kaharap mo.’

"Yung gusto mong sabihin, para pagdating sa taping, alam na niya kung ano ang ayaw niya sa iyo.

"So, sabi ko sa kanya, feeling namin, parang aristokrata siya, prima donna, suplada, maarte...

"So, in-explain naman niya na ganito siya...ganito siya. Okey naman siya.

"’Tapos, sinabi rin naman niya kung ano ang tingin niya sa amin...

"Sa akin, kontrabida. Mataray raw. Sa mga nakikita niya o napapanood niya sa akin."

MOTHER OF TWO. Sa sunud-sunod na trabaho ni Glydel, hindi maiwasang itanong kung nagagawa pa ba niya ang obligasyon niya sa asawang si Tonton Gutierrez.

"Meron naman," nangingiti niyang sabi.

Susundan ba uli nila ang bunso nila?

"Ay, ayoko muna, ayoko muna!" mabilis niyang sabi.

Magti-three months na mula noong ipanganak ni Glydel ang pangalawa nilang anak ni Tonton na si Annyka.

Seven years old naman na ang panganay nila na si Annyza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yaya raw ang nag-aalaga sa kanyang baby ngayon at hindi niya itinangging nagbago ang panahon ng pag-aasikaso niya sa kanyang anak.

Ayon kay Glydel, "Simula nga no’ng nag-taping ako dito, hindi na ako nagpapa-breastfeed.

"Kasi wala na, e, nawala na kasi puro puyat.

"Hanggang sa mawala na ang gatas."

THIRTEEN YEARS AND COUNTING. Malaking tulong daw sa kanilang finances at sa magiging future ng kanilang dalawang anak ang palipat-lipat nilang pagtatrabaho ni Tonton sa tatlong networks—ABS-CBN, TV5, at GMA 7.

Kaya raw walang dahilan para magkaroon ng conflict ang pagsasama nila ni Tonton sa pagiging abala nila bilang mga artista.

Thirteen years na silang magkasama ni Tonton at pitong taon na silang kasal.

Saad ni Glydel, "Kasi naman, hindi kami seryoso sa bahay.

"Parang barkada lang, kaibigan. Wala lang... hindi kami nagbago.

"Nag-aaway rin kami pero walang kakuwenta-kuwenta lang, like yung sa golf, halimbawa.

"Like, maglalaro siya. Naiinis ako dahil siya maglalaro, ako hindi. Yung mga gano’n."

Kuwento rin ni Glydel, hindi pa sila nagkainuman na mag-asawa.

"Hindi siya umiinom e... ako lang," nakangiti niyang pagtatapat.

Pagdating naman sa lambingan, nabawasan na raw ang pagiging experimental nilang mag-asawa.

"Siyempre iba kasi ’pag boyfriend-girlfriend pa lang kayo, kung anu-ano na ang ginagawa ninyo dahil excited pa kayo sa isa’t isa.

"Pero ngayon, once in a blue moon, kasi pareho kaming laging wala sa bahay.

"Saka ngayon, kapapanganak ko pa lang, so isa pa lang beses."

Wala raw masasabi si Glydel sa magagandang katangian ni Tonton.

"Good provider, mabait, maunawain... mabait talaga si Tonton, wala akong masabi."

Tumanggi noong una si Glydel na ilarawan ang sarili bilang asawa dahil mas maganda raw kung kay Tonton manggaling ang deskripsyon, pero napilit din namin siya.

"Ako, pasensiyosa, simple lang. Hindi ako materyosa," pagmamalaki niya.

Itinanggi niyang mas nagpapasensiya sa kanya si Tonton.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehas daw sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga anak.

"Ay, hindi... hindi naman. Maski sa bata, yung pagsusuweto sa bata, pareho lang kami.

"Saka pareho lang kami kung paano mag-discipline sa anak namin, pareho namang takot yung bata sa amin.

"Minsan, pag galit sa daddy, yung anak namin, sa akin tatakbo.

"Hindi ko naman kinakampihan, ini-explain ko sa kanya kung bakit nagalit ang daddy niya, para malaman niya yung ginawa niya."


MOTHER IN-LAW. Kung smooth-sailing ang samahan nila ni Tonton, ganun din naman ang samahan ni Glydel at ng biyenan niyang si Ms. Liza Lorena.

"Ay, walang problema. Mas kakuntsaba ko pa kaysa kay Tonton. Sobrang cool.

"Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkakasundo.

"Kasi si Mamita [Liza], parang bata, e.

"Ang mga barkada niya, mga bata rin kaya nakakasabay siya. So, very cool."

Lumalabas na malayung-malayo ang sitwasyon ng kaibigan niyang si Lotlot de Leon sa mother-in-law nitong si Pilita Corrales, na hindi naging maayos ang samahan.

Si Lotlot ay dating asawa ni Ramon Christopher, na kapatid sa ama ni Tonton. Ang ama nina Tonton at Monching ay si Eddie Gutierrez.

"Hindi. Siguro dahil hindi sila laging nagkakasama," paniniwala ni Glydel.

"E, si Mommy [Liza], lagi kaming nagpupunta sa bahay niya, siya rin sa bahay namin.

"Minsan yung anak namin, three days sa kanya, nagbabakasyon, susunduin namin."

Tumanggi si Glydel na magbigay ng komento tungkol sa pinag-ugatan ng problema nina Lotlot at Monching.

Kumpara raw kasi kina Glydel at Tonton, mas good provider raw ang huli kaysa sa half-brother niyang si Monching.

"Well, hindi ko talaga alam kung ano yung case nina Monching at Lotlot.

"Nagulat nga rin kami no’ng bigla silang naghiwalay. Kasal pa nga namin yun, e.

"Kasi magkakasama pa kami no’ng racing, no’ng bago sila maghiwalay.

"Ang sweet-sweet pa nga nila, nagri-rent pa sila ng bahay sa Forest Hill ng one year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, nagulat na lang kami no’ng may isyung hiwalay na.

"Hindi ko naman tinanong si Balot [Lotlot] kung ano ang nangyari. Ayoko naman ng ganun."

IMBESTIGADOR. Panatag daw ang loob ni Glydel kay Tonton na hindi ito pumapatol o papatol sa ibang babae.

"Ako pa? Investigator ako, e, detective ako, e.

"Pero wala talaga, e," giit niya.

Pero umamin si Glydel na may pagkakataong nagseselos din siya.

"Siyempre, nagseselos ako kapag napapanood ko siya sa TV.

"Kaya hindi ako nanonood.

"Hanggang ngayon, oo, hanggang ngayon!

"Yung mga kissing scenes niya, hindi ko ma-take kaya hindi ako nanonood.

"Parang ang feeling ko, asawa ko ’yan!"

Hindi alam ni Glydel kung nagseselos din ang mister niya sa kissing scenes niya sa mga seryeng ginagawa niya, gaya ng sa The Good Daughter.

Inaasahan daw niyang magkakaroon sila ng kissing scene ni Jay Manalo sa Isang Dakot Na Luha dahil aggressive ang character niya dito.

Masaya naman si Glydel sa pagiging supportive ng mister niya sa mga roles na ginagawa niya. Minsan lang daw itong nagbawal sa kanya.

"Ang pinagbawalan lang niya ako, dapat may trabaho na ako nung December.

"Dapat magpa-pilot na kami nung The Good Daughter. E, one month pa lang ako nakakapanganak.

"Sabi niya, ’Nay [Lolit], hindi pa puwede kasi hindi pa kaya, saka nagpa-breast feed pa siya.’ Yun lang naman."

Ano ba meron siya at hindi na kailangan pang mag-isip na mambabae si Tonton?

"Naku! Wala na siyang makikitang katulad ko, out of this world.

"Kung alam n’yo lang... weird!

"Basta, wala akong playing roles sa anuhan namin, natural lang.

"Basta, simple lang ako, hindi ako maarte.

"Saka alam ni Tonton, kaya nga sinasabi niya na hindi na siya makakahanap ng katulad ko.

"Marami akong kaweirduhan na siya lang ang nakakaalam."


COVER GIRL? Kung tutuusin, papasa pa ring maging cover girl sa FHM si Glydel gaya ng ginawa nina Jean Garcia, Eula Valdes, at Pops Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero laging sinasabi ng dating sexy star na nai-insecure na siya sa kanyang katawan kahit wala naman siyang puson

"Hindi na talaga. Personally because hindi ko na kayang ibalik yung dati kong katawan uli.

"Nakakahiya naman na FHM na puro computer yung ginawa sa photo mo.

"Akala n’yo lang okey yung katawan ko, pero hindi.

"Si Tonton, wala naman akong naririnig na ayaw niya, ako lang talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN