Ogie Alcasid focuses on movies after successful concert with wife Regine Velasquez

"Sana ma-sustain ko ang health ko and hindi ko rin naman mapabayaan ang pamilya ko. But I have a very understanding wife. I’m trying to prepare myself mentally para hindi naman ako ma-stress masyado sa shoot," says Ogie Alcasid about his hectic showbiz schedule in the next few months.


Pagkatapos ng successful Valentine’s concert ni Ogie Alcasid at ng kanyang asawang si Regine Velasquez na Mr. & Mrs. A, magiging abala naman ngayon ang singer-songwriter sa paggawa ng mga pelikula.

Sa mga susunod na buwan, hahatiin ni Ogie ang kanyang oras sa pamilya at sa shooting ng mga pelikulang I Do Bidoo, Bidoo at Boy Pick-Up The Movie.

"This March and April will be very challenging for me," sabi ng singer-composer-actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang story conference ng I Do Bidoo, Bidoo noong Pebrero 22.

Dahil sa hectic ng schedule, pinapanalangin daw ni Ogie na, "Sana ma-sustain ko ang health ko and hindi ko rin naman mapabayaan ang pamilya ko.

"But I have a very understanding wife.

"I’m trying to prepare myself mentally para hindi naman ako ma-stress masyado sa shoot."

Hindi na raw inaalintana ng TV and movie personality ang pagod sa trabaho.

Sa halip, sabi ni Ogie, "You know, ako naman ang attitude ko lang sa trabaho ay kailangan i-enjoy lang ’to, e.

"Kasi kung hindi, magiging mabigat ’yong trabaho para sa ’yo, e."

Dahil na rin sa magkasabay na paggawa ng dalawang pelikula, malabo na rin daw maulit ang ginanap na concert nina Ogie at Regine sa Araneta Coliseum noong Pebrero 14.

(CLICK HERE to view photo gallery of Mr. & Mrs. A)

Ayon kay Ogie, bukod sa ipalalabas na sa telebisyon ang naturang event, hiniling din umano ni Regine na mag-focus sa pag-aalaga ng baby nila na si Nate.

"Hindi pa namin napapag-usapan kasi si Misis, gusto niyang mag-breastfeed ng isang taon.

"So, hangga’t ’yon ang gugustuhin niya, susundin natin," sabi ni Ogie.

Gayunman, bukas naman ang mag-asawa sa ideya na mag-perform sila sa ilang siyudad sa ibang bansa.

Ani Ogie, "Puwede naman siguro, maybe a few cities kasi hinihiling talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING ON A MUSICAL-COMEDY MOVIE. Sa isa niyang ginagawang pelikula, ang I Do Bidoo, Bidoo, hindi naman mami-miss ni Ogie ang pagkanta dahil isa itong musical comedy.

Kakantahin ng award-winning musical artist ang ilan sa mga pinasikat na awitin ng APO Hiking Society.

Makakasama niya rito ang kapwa niya singers na sina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla.

Tampok din sa pelikulang ito sina Eugene Domingo, Sam Concepcion, at Tippy Dos Santos.

Hindi raw nagdalawang-isip si Ogie na tanggapin ang proyekto dahil interesado rin siyang gawin ito.

Aniya, "It’s not the first of its kind but it’s the first that used APO’s music. Di ba, music ng panahon natin ’yan?

"Medyo natagalan lang kasi I had a few things to do, tinapos ko ’yong soap ko [Daldalita] and concert."

Ayon pa kay Ogie, bagamat isa na siyang mang-aawit hindi pa rin madali ang gagawin niya para sa pelikula.

"I think there’s a lot of challenge on all of our parts.

"Hindi lang naman ako ang involved, it’s a film.

"There’s so many aspects of work that’s needed. It’s not as easy as we go to the shoot."

Dagdag pa niya, "Visually, I think the challenge is ma-translate namin ’yong kuwento.

"Sabi nga ni Uge, ang bida dito ay ’yong kwento. The kuwento is very Pinoy.

"Pero gagamitan mo ng music, kakaiba ’yon. Ang challenge talaga is mai-translate namin ’yon sa gusto namin."

Bukod sa mga kilalang aktres at mang-aawit, maipagmamalaki rin ang director at writer ng pelikula na si Chris Martinez.

Ang ilang sa kanyang mga hit na pelikula ay Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme (2009), Here Comes the Bride (2010), Temptation Island (2011), at Ang Babae Sa Septic Tank (2011).

Sa pelikulang I Do Bidoo, Bidoo, inaasahan din ba ng team nila na maging hit ang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko kasi iniisip ’yong mga gano’n," sagot ni Ogie.

"Of course, a hit is a hit. A hit is a good thing.

"But I think, parang sa ngayon ay mas iniisip ko kung paano ba natin ito pagagandahin ’to, paano ba natin gagawing mas entertaining ’to in a way na hindi masa-sacrifice ’yong vision ni Direk Chris, kasi siya ’yong nagdirek at nagsulat.

"’Yong hit will come I think... Kasi ang ating mga manonood, kapag nagustuhan nila, ipapakita nila ’yon, e.

"So, ang challenge talaga is for us to come up with a good product.

"That’s the exciting part. That’s part of the journey.

"Now that we’re starting the film, I can already feel the excitement."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN