Alwyn Uytingco reacts to report that girlfriend Jennica Garcia is now ready to settle down

"A, nag-umpisa kasi yun kay Madam [tawag niya kay Jean Garcia na ina ni Jennica]. Na botong-boto [raw sa akin]. Na kung botong-boto, dapat kasalan na. Si Jennica naman sabi niya, walang problema sa kanya ang kasal and ako rin naman, walang problema," says Alwyn Uytingco about reports that girlfriend Jennica Garcia is ready to settle down.


Ang teleserye na Nandito Ako at comedy series na Kapitan Awesome ang mga proyekto ni Alwyn Uytingco sa TV5 sa kasalukuyan.

Sa Nandito Ako ay ginagampanan niya ang papel ng best friend ni David Archuleta na may pagka-happy-go-lucky ngunit supportive sa kaibigan.

Sa Kapitan Awesome, ang role na ginampanan niya sa indie movie na Pintakasi ang naaalala ni Alwyn dahil may pagka-kontrabida rin daw siya rito.

TV5 FAVORITE? Kung tutuusin, isa si Alwyn sa hindi nababakante sa Kapatid network.

Sabi nga niya, "Sa totoo lang, hindi pa ako nababakante, as in mahabang bakante.

"Nakakagulat lang din po na hindi ko alam na magiging ganito ang tiwala nila sa akin as an actor.

"So, ako na lang, gagawin ko na lang ang best ko as an actor para maging proud sila sa akin."

Natutuwa raw si Alwyn na makadalo at maging parte sa nakaraang presscon at trade launch ng mga bagong shows ng TV5 sa NBC Tent noong isang linggo.

"Minsan lang kasi akong maka-attend ng isang presscon na lahat ng shows pinagsama-sama.

"’Tapos, meron pang trade launch na every now and then.

"Nakakagulat, at the same time, ibang experience," saad niya.

JENNICA GARCIA. Ang Kapuso actress na si Jennica Garcia ang girlfriend ni Alwyn.

Wala bang pagkakataon na napag-uusapan nila na lumipat din si Jennica sa Kapatid network?

Sabi ni Alwyn, "Ako talaga sabi ko sa kanya, ’Why not consider?’

"Pinag-uusapan namin na hindi rin naman masama ang idea. Nagiging idealistic lang naman kami.

"’What if magkasama tayo sa isang istasyon, not exactly TV5 or Channel 7, di ba?’

"Parang nagiging idealistic kami na, one day, magkasama kami sa isang istasyon.

"Ang saya no’n, di ba? ’Tapos, may chance na magkaroon kami ng trabaho together.

"Ako lang, sinasabi ko yun na sana mangyari in the future.

"Hindi man sa [Channel] 5, sa 7. Sabi naman niya, ’Why not?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa ngayon kasi, sabi niya sa akin, mahal na mahal niya ang 7 at inaalagaan naman siya.

"At naa-appreciate ko naman ang ginagawa ng 7 sa kanya.

"Basta ako, suporta lang ako. Kung ano ang ginagawa niya, go lang nang go."

SETTLING DOWN. Ano naman ang reaksiyon ni Alwyn sa lumabas na isyu na diumano’y sinabi ni Jennica Garcia na gusto na nitong magpakasal?

"A... nag-umpisa kasi yun kay Madam [Jean Garcia, ina ni Jennica]. Na botong-boto [raw sa akin].

"Na kung botong-boto, dapat kasalan na.

"Si Jennica naman, sabi niya, walang problema sa kanya ang kasal.

"And ako rin naman, walang problema."

Paanong walang problema kay Jennica?

"Ganoon kasi ang naririnig ko na sa kanya, wala namang problema yun. Walang kaso yun.

"Kasi kami, kaming dalawa, yung ginagawa namin ngayon, ang relationship namin ngayon, hindi naman siya yung just for now.

"At ako, kapag nagka-girlfriend ako, hindi ako yung just for now. ’Girlfriend kita, ngayon lang.’

"Yung mga effort na ginagawa ko, hindi yun for the sake na may girlfriend ako.

"Kaya ko ginagawa ’to, alam ko yung possibility na maging kami talaga.

"At ako talaga, wino-work out ko na sana kaming dalawa na talaga."

Pagdating sa ideya ng pagpapakasal, wala rin daw problema si Alwyn sa bagay na yun.

"Para sa akin, part yun ng life at hindi ko maiiwasan yun.

"Kahit ako, darating ang point na gusto kong mag-settle down, di ba?"

PREGNANT ISSUE. Sinagot din ni Alwyn ang isyu na diumano’y kaya nawala ng isang taon si Jennica at hindi naging visible sa showbiz ay sa dahilang nabuntis daw ito.

Natawa naman si Alwyn sabay sabing, "Alam n’yo, sana totoo. Sana ganoon na lang ang nangyari.

"Kasi kahit kami naman, naaaliw na rin sa mga bata.

"Pero hindi namin iniisip na, ’Mag-anak na lang tayo.’ Hindi ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan sa palagay niya nanggaling ang balitang ito?

"Siguro doon nanggaling na matagal na nabakante si Jen.

"At yung fact na matagal siyang nabakante, ako ang nalungkot.

"Sabi ko, sa buntis, wala na yun.

"Siguro some people will think of the reasons bakit nabakante si Jennica.

"Kami, hindi naman namin minamasama.

"Kami, opinyon lang ng tao. Ideya lang ng isang tao.

"Pero kung buntis at buntis ang pinag-uusapan, dapat pinaghahandaan yun," saad ng dating child actor.

Ano ang naging reaksiyon nila ni Jennica nang malaman nilang may ganoong isyu sa kanila?

"Nakakatawa. Kasi, papayat nang papayat si Jennica saka naman maiisyu na buntis siya, di ba?"

SEVEN MORE YEARS? Dahil napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa buntis at kasal, sa puntong ito ng buhay niya, handa na ba siyang lumagay sa tahimik?

"At this point, kung puwede akong magkaroon ng family?

"No, no... kasi ako, nangako ako sa sarili ko na mag-aanak ako o magpapakasal ako kapag meron akong pera na pang-suporta sa kanila. Bubuhayin ko sila, e.

"So, ako, kailangan ko munang ma-establish ang sarili ko na maging stable."

Kung si Jennica na nga ang nakikita niyang makakatuluyan, ilang taon pa kaya bago sila magpapakasal?

"Sana bago ako mag-treinta."

Sa ngayon, 23 pa lamang si Alywn.

"Hindi ko naman sinasabi na 30 ang target year ko. Sana, bago mag-treinta, married na ako.

"Kasi, sa totoo lang, gusto ko na ang anak ko, nakikita kong tumatanda.

"To the point na pagtanda niya, nakakasabay ko pa siya na parang bagets pa rin ako.

"Kasi, nakikita ko ang ibang kaedad ko na may mga anak na, nai-imagine ko, after 10 years, magkasabay naglalaro ng basketball ang mag-ama.

"Kaya ako, sabi ko, basta ma-settle down ko lang lahat, maging stable ako..." at mag-aasawa na rin daw siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN