Newbie Arjo Atayde admires John Lloyd Cruz for his acting and Luis Manzano for his hosting

Arjo Atayde on acting and hosting: "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista. Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag-arte, kaya gusto ko munang tumutok dito. And later on siguro, ’pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko."


Baguhan sa industriya si Arjo Atayde, ang anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez, at maraming direksyon sa showbiz ang nais niyang patunguhan ’tulad ng pag-arte at paghu-host.

Kuwento ni Arjo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang TJ’s Restaurant Bar sa Quezon City, inspirasyon niya ang kanyang Mamita [Sylvia Sanchez] para maging mahusay na host.

"Oo, isa yun sa dream ko, yung maging host ako, kasi sa pamilya namin ako yung mabilis magsalita, so pag may sinabi ako sa Mamita ko, mabilis.

"Para daw game master, para daw akong nagho-host ng isang game show. Ha ha ha!

"Kaya sinasabi niya sa akin na ’talk slowly at clearly,’ kaya yun ang natutunan ko sa kakagaganun nila sa akin."

So parang na-challenge ka?

"Hindi naman. It’s more on talking clearly, kaya every time na nagsasalita ako, mabagal, para maintindihan ako ng kausap ko at hindi yung parang nagho-host ako ng isang game show.

ON HOSTING. "Pero as of now, wala talaga akong alam sa tamang pagho-host, nanonood lang ako ng mga game show sa TV, pero willing naman akong matuto simula sa basic na paraan ng pagho-host.

"Sana mabigyan ako ng chance na makapag-host to complete my dream, hindi naman ako nagmamadali pero sana ma-try ko din."

Pero may ina-idolize ka bang host na gusto mong sundan ang yapak?

"Para sa akin kasi medyo kenkoy si Lucky [Luis Manzano], parang ganun.

So, kenkoy ka ring mag-host?

"To my friends siguro, pero hindi naman sa lahat ng tao, sa mga kinalakihan kong tao like my family, relatives and my friends, dun ako nagloloko-lokohan.

"Pero sa iba at siguro dito sa showbiz hindi puwede, baka tawagin nila akong bastos, gusto ko yung kenkoy na nakakaaliw na katulad ni Lucky.

"Nagagalingan kasi ako sa kanyang mag-host—masaya at mae-engganyo kang panoorin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto mo ba maging host ng isang variety, game show o talk show?

"Kahi’t ano po e!

"Kahi’t anong ibigay nila sa akin okey lang, pero sabi ng mga friends ko mas okey daw ako sa game show kasi medyo kenkoy ako mag-host.

"Pero kahi’t ano sigurong ibigay nila sa akin, para ma-try ko lahat."

Gusto mo bang pagsabayin ang acting at hosting?

"For now, siguro sa acting muna kasi kapapasok ko pa lang dito sa E-Boy.

HONING HIS CRAFT. "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista.

"Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag arte, kaya gusto ko munang tumutok dito, and later on siguro, pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko.

"Sa akin kasi gusto ko munang mag-sink-in lahat ng tinuturo sa akin sa tamang pag-arte.

"Kasi feeling ko, kapag nag-acting ako at sinabay ko ang hosting baka hindi ko ma-handle nang tama kung sabay, kaya naman gusto ko one at a time."

Ano bang preparation mo bago ka sinalang sa showbiz?

"Preparation? Nag-workshop ako ng acting bago mag-start yung E-Boy.

"’Tapos sinasabihan ako ni mommy [Sylvia Sanchez] ng mga tips about acting.

"Naaalala ko nga nung first taping day ko ng E-Boy, sobrang nanginginig ako, sobrang kaba yung naramdaman ko.

"’Di ba mapi-pressure din kayo bilang isang baguhan na sumalang sa kanyang unang eksena?

"Bale yung role ko dito, isa akong mahirap na kargador na ibang-iba sa kinalakihan ko.

"Yung feature ko, hindi pang mahirap kaya mini-make-up-an nila yung katawan ko para maging dark."

Yung sinasabi mo bang pressure ay dahil anak ka ni Ms. Sylvia Sanchez na kinikilalang isang mahusay na aktres?

"Napi-pressure po ako, kasi alam ng lahat na magaling yung mommy ko, so kailangan ko ring galingan kasi makukumpara ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero iba pala pag nasa eksena ka na, nakakakaba.

FIRST-DAY JITTERS. "Pero nung first day kasi nakatulog ako noon bago kunan yung eksena ko, tapos ginising na lang ako nung ako na yung kukunan, kaya siguro kinabahan ako.

"E yung unang eksena ko, ligo scene, kaya nga pawis na pawis ako sa kaba.

"Nararamdaman ko nga yung sobrang pagpapawis ko dahil sa kaba, yung heartbeat ko sobrang kabog, at naka-topless pa ako nun kaya medyo naaalangan ako.

"Pero inisip ko na kung mapi-pressure lang ako, walang mangyayari sa akin, hindi ako matuto.

"Kaya naman inisip ko na lang na kaya ko yan.

"Kaya nung mga sumunod na eksena ko, okey na, hindi na ako kinakabahan.

ACTING MENTORS. "Thankful nga ako sa mga katrabo kong artista sa E-boy kasi ang babait nila at marami akong natutunan.

"Like si Tito Pen Medina, grabe... ang galing niya at ang bait!

"Gina-guide niya ako sa mga eksenang magkasama kami.

"Sobrang sarap niya ka-eksena, yung tipong madadala ka sa galing niyang umarte.

"Kaya nga nag-’thank you’ ako sa kanya pagkatapos ng mga eksena namin.

"Ang suwerte ko kasi siya yung tatay ko sa E-Boy, natutulungan talaga niya ako sa pag-arte kapag kaeksena ko siya.

"Kaya nga ang suwerte ko kasi baguhan ako at may nagtuturo na sa akin na veteran like Tito Pen Medina.

"Blessing yun kasi may taong tulad niya na tumutulong sa katulad kong baguhan sa pag-arte."

Sinabi mo ba sa mommy mo?

"Oo, sabi niya sa akin bawi ako sa susunod na eksena, pero sabi ko nga sa Mom ko na ayoko maging excuse yung first day kaya ganun, gusto ko kasi yung pagsalang sa akin, yung... pak!

"Yung tipong maganda yung sasabihin ng mga nakapanood sa eksena namin.

"Ayoko kasi na sasabihin nila na first day lang niya kaya ganyan ang acting niya, so-so lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas gusto ko kasi yung pagkapasok na pagkapasok mo pa lang may impact na, na kahit hindi ganun kagaling yun, marunong, yun yung gusto ko marinig.

"Kasi kung yun talaga yung passion mo—ang pag-arte—mas magandang makarinig na yan magaling umarte yan.

"Kaya naman in the future, pag nag-level up ako, yun talaga yung gusto kong marinig pag nakita nila ako.

"Kaya naman willing talaga akong matuto para ma-achieve ko yung goal ko sa showbiz.

"Iba kasi yung pag sinabi nilang guwapo ka sa magaling kang umarte; mas gusto kong marinig yung magaling umarte kaysa guwapo lang.

"Magkaiba kasi yun."

ACTING IDOL. Sa unang pagsubok ni Arjo sa pag-arte, gusto rin niya munang makilala bilang mahusay na artista na kahanay ng kanyang iniidolong si John Lloyd Cruz.

"Kaya nga ngayon susubukan kong panoorin yung Maging Sino Ka Man nila John Lloyd Cruz kasi siya yung idol ko sa mga artistang lalaki.

"Gusto ko kasi makuha yung style ni John Lloyd ng pag-arte—ang galing-galing kasi niya."

Nagkita na ba kayo ni John Lloyd?

"Oo, na-star-struck ako sa kanya.

"Nag-taping kasi sila tapos sabi ni Mommy kay John Lloyd, ’Hoy Lloydie, alam mo bang idol ka ng anak ko?’

"Kaya alam niya na idol ko siya, kasi siya lang naman talaga ang idol ko."

Kasama mo ba sa first taping yung mommy mo?

"Hindi, ako lang.

"Kaya nga nung nahihirapan ako, sinabi ko sa kanya na, ’Ma, nahihirapan ako,’ ’tapos sabi niya ’Gusto mo ba na pumunta ako dyan para tulungan kita?’ Na sinabi ko naman ng ’No! Hindi na, kaya ko na ’to!’

"Kasi mas mapi-pressure lang ako kapag nandun siya.

"Mas okey na wala siya, para magawa ko yung gusto kong gawin pagdating sa pag-arte.

"Kasi iisipin ko magaling ang mommy ko, nanonood siya, kailangan galingan ko... mas nakaka-pressure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento mo rin ba sa daddy mo yung experience mo nung first taping day mo?

"Nakukuwento din po, pero mas close kasi ako kay mommy kaya sa kanya ko nakukuwento.

"Kasi nasa showbiz si mommy kaya alam niya yung trabahong pinasok ko.

"Si mommy yung nagsasabi sa akin na ’Kaya mo yan. Konting tiyaga, focus! Mahalin mo yung trabaho mo at be nice to everybody kahit ano man ang posisyon niya sa industriya. Ang mahalaga may respeto ka sa kahi’t sinong makakatrabaho at makakasalamuha mo.’"

"Sabi pa ni mommy, ’Pag minahal mo yung trabaho mo, mamahalin ka ng trabaho mo,’" pagtatapos ni Arjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN