FIRST READ ON PEP: Court declares marriage of Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas "null and void"; cites "psychological incapacity" on the part of Yilmaz as ground

Ruffa Gutierrez is now "officially single," according to her lawyers, after the Taguig Regional Trial Court granted the actress’ petition to nullify her marriage to Yilmaz Bektas.


Natanggap ni Ruffa Gutierrez ngayong araw, February 24, ang balita na pinawalang-bisa na ng Taguig Regional Trial Court ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Yilmaz Bektas.

Nagbabakasyon sa Boracay si Ruffa at ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice nang malaman niya ang desisyon ng korte.

Para kay Ruffa, "bittersweet" ang good news na natanggap niya dahil tuluyan nang nagwakas ang relasyon nila ni Yilmaz at "officially single" na siya.

"Psychological incapacity" sa parte ni Yilmaz ang naging basehan ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila sa NBC Tent noong March 25, 2003.

Iginawad din kay Ruffa ang kustodiya ng dalawang anak nila ni Yilmaz na sina Lorin at Venice.

Noong May 8, 2007 ay inanunsiyo nina Ruffa at Yilmaz ang kanilang "mutual decision" na tapusin na ang kanilang pagsasama pagkatapos ng apat na taon.

Inihain ni ruffa ang kanyang petisyon na mapawalang-bisa ang kasal nila ni Yilmaz at ang kustodiya ng dalawa nilang anak noong 2009.

STATEMENT FROM RUFFA’S LAWYERS. Narito ang statement ng mga abugado ni Ruffa na sina Atty. Howard Calleja at Connie Aquino kaugnay ng "nullity of marriage" ng aktres at ng Turkish businessman:

"The Petition for the Declaration of the Nullity of Marriage which we filed on behalf of our client Ms. Ruffa Gutierrez against her husband Yilmaz Bektas has finally been granted by the Regional Trial Court of Taguig City, declaring the same to be null and void under Article 36 of the Family Code last January 17, 2012.

"She is now officially single.

"Custody of the two children Lorin Garbriella, and Venezia Loran have likewise been awarded to to our client, Ms. Sharmaine Ruffa R. Gutierrez."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN