Enchong Dee answers issue that his sweetness with Erich Gonzales is just for show

"Siguro people were expecting na ’pag cut na yung eksena, ganun pa rin kami kadikit sa isa’t isa. Siyempre, kailangan din naming aralin kung anuman yung binigay sa amin na trabaho. And yun naman talaga ang pinunta namin dun. Hindi naman porke’t sinabi naming, ’Yeah, we’re close,’ pero baka akala nila palaging magkatabi, palaging nag-uusap," says Enchong Dee when asked why Erich Gonzales and him are not &q


Nilinaw ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong Dee ang balitang para lang daw sa tambalan nila at sa show nilang Maria La Del Barrio ang nakikitang sweetness nila ni Erich Gonzales.

Ayon sa reports, para raw hindi magkakilala sina Enchong at Erich in between takes sa nasabing serye ng ABS-CBN.

Pero kapag nagsimula na raw mag-roll ang camera ay mahusay namang na nagagampanan ng dalawa ang mga eksena nila.

Ayon kay Enchong, wala silang problema ni Erich taliwas sa mga lumalabas na balita.

"Siguro people were expecting na ’pag cut na yung eksena, ganun pa rin kami kadikit sa isa’t isa.

"Siyempre, kailangan din naming aralin kung anuman yung ibinigay sa amin na trabaho.

"And yun naman talaga ang pinunta namin dun.

"Hindi naman porke’t sinabi naming, ’Yeah, we’re close,’ pero baka akala nila palaging magkatabi, palaging nag-uusap.


"Siguro yun yung old meaning nun, pero kami we understand each other.

"Sabi ko nga, siguro the things that make our relationship even more colorful or sweeter is because kung anuman ’yang mga hindi namin mga pagkakaunawaan, naayos naming dalawa.

"That’s our advantage. Kumbaga, edge namin kung bakit nagla-last yung loveteam namin," mahabang saad ng young actor.

BIG THANK YOU! Malapit nang magtapos ang Maria La del Barrio at labis ang pasasalamat ni Enchong sa mainit na suporta ng publiko sa pinagbibidahan nilang serye ni Erich.

Unang pagkakataon kasing sumabak si Enchong sa isang mature role sa nasabing serye.

Aniya, "Last two weeks na lang, pero hanggang ngayon ang tataas pa rin ng mga eksena.

"Yung mga problema na nangyayari sa kanila, nae-excite ako sa resolution.

"Kasi hanggang ngayon mainit pa rin sila Sabrina [Jewel Mische] at Maria [Erich].

"Paano kaya nila ito mare-resolve in the next two weks?"

Dagdag ni Enchong, "Nung nilatag sa amin yung mga good things na nangyari while we’re doing Manila La del Barrio, ang dami nilang naipakita sa amin and we’re very happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang yung rating ang basehan kundi pati online, trending sa Twitter, sa Facebook, pinag-uusapan siya.

"Kaya alam namin na maraming nanonood na sobra naming pinasasalamatan.

"Sobrang advanced namin for our age.

"Nakakagawa na kami ng isang role na may anak na kami na tumatakbo na, nagsasalita na, nagri-reason out na.

"Kumbaga, we’re lucky that kami ang nabigyan ng ganung pagkakataon."

BARKADA MOVIE. Kung may dalawang pelikula na ginagawa ngayon si Erich, abala naman si Enchong sa pelikulang The Reunion. Makakasama niya rito sina Xian Lim, Kean Cipriano, Enrique Gil, at si Jessy Mendiola.

Ayon kay Enchong, "Siguro one-eight pa lang kami. Nakaka-nine shooting days pa lang kami.

"Matagal pa ang aantayin. It’s a barkada movie na medyo light lang. ’Di siya mabigat na pelikula.

"Si Jessy, this will be the second time na magkakakatrabaho kami.

"First time in Boystown and happy na nagkasama kami ulit. It’s been a while.

"Dahil sa mga pinagdaanan niya, parang ’andami na rin niya nase-share.

"Ang dami na niyang natutunan," pagtukoy ni Enchong kay Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN