Rayver Cruz has no problem appearing with girlfriend Cristine Reyes on Sarah G Live!

Although Rayver Cruz says it’s okay for him and girlfriend Cristine Reyes to appear in ex-girlfriend Sarah Geronimo’s show, Sarah G Live!, he doesn’t see this happening anytime soon. "Katulad nga ng sabi ni Aa [Cristine’s nickname], kung marami na namang masasabi ang mga tao sa amin, e, huwag na lang muna natin ipilit sa ngayon, di ba?"


Kahit na tumatagaktak ang pawis, hindi pa rin nagpigil sa pagyakap ang nagtitilihang fans ni Rayver Cruz nang lapitan ng aktor ang mga ito sa kalagitnaan ng laro ng Star Magic Basketball team laban sa University of Manila All-Stars kahapon, Pebrero 23, sa University of Manila (UM) Gym sa Sampaloc, Manila.

Naroon ang basketball team na binubuo ng ilang Star Magic male artists sa imbitasyon ng unibersidad bilang "treat" sa mga estudyante nito.

Bahagi na rin ng paghahanda sa selebrasyon ng ika-100 taon ng unibersidad sa susunod na taon ang aktibidad na ito.

Nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver habang nagpapahinga ito at kinumusta kung ano na ang pinagkakaabalahan nito ngayon pagkatapos ng Reputasyon.

"Sa ngayon, wala pa. Sa ASAP lang muna.

"Busy rin sa negosyo, sa bar namin sa Parañaque," sagot ng nagpaunlak sa interview na si Rayver.

Sa ngayon daw kasi ay abala siya at ang mga kapatid niya sa pagpapa-renovate ng Kabooze, ang bar na pag-aari nila.

"’Pag nag-open na, mas okey yun," pagmamalaki pa ng 22-year-old na binatang aktor.

BASKETBALL SKILLS. Pinansin ng PEP ang tila humuhusay na paglalaro ng aktor sa basketball.

"Hilig din kasi namin, e. Saka laging may kumukuha sa amin na mga schools, mga probinsiya.

"So, siguro nasasanay din kami. Hilig kasi talaga namin ang basketball, e.

"Pero tingnan mo, o natatalo na nga kami dito. Tambak na kami, e!" natatawang turo ni Rayver sa scoreboard sa UM Gym kunsaan ginaganap ang basketball game.

Nakabawi naman kalaunan ang team nina Rayver nang humabol sila sa score sa bandang 3rd quarter ng laro at nagwagi laban sa UM All-Stars sa score na 102-97.

GUESTING IN SARAH G LIVE! Kinumusta naman ng PEP ang relasyon ni Rayver sa girlfriend na si Cristine Reyes.

"Okey naman. Okey kami. Going strong," sagot ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon nga ay wala namang masyadong intriga sa kanilang dalawa, liban sa pag-uugnay sa kanila sa dating nakaintriga nila noon na si Sarah Geronimo.

Sa darating na Linggo ay ipapalabas na ang bagong programa ng Pop Star Princess na Sarah G Live!. Hindi maiwasan na tanungin kung okey lang ba kina Rayver at Cristine na mag-guest sila sa show ni Sarah.

"Wala namang problema kahit na mag-guest kami ni Aa [palayaw ni Cristine] dun.

"Pero katulad nga ng sabi ni Aa, kung marami na namang masasabi ang mga tao sa amin, e, huwag na lang muna natin ipilit sa ngayon, di ba?" sagot ni Rayver.

READY TO SETTLE DOWN? Kamakailan ay nabanggit sa isang interview na tila naiisip na ni Cristine ang paglagay sa tahimik. Napag-uusapan na ba nila ng kasintahan ang tungkol sa pagpapakasal?

"Hindi pa namin iniisip ’yan sa ngayon," sagot ni Rayver.

"Sa mga narinig ko, wala pa naman siyang nababanggit na gusto na niyang mag-settle down.

"Sa ngayon kasi, nag-e-enjoy pa kami.

"Kung kami talaga ang para sa isa’t isa, di ba, why not?

"Kasi para sa akin, wife-material naman si Aa, e.

"Pero mga bata pa kami, e. Alam mo yun?

"Tingnan natin kung ano ang puwedeng mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN