Eric Quizon on the network wars: "I think it’s a healthy competition. And it’s one way of keeping all networks on their toes."

Eric Quizon is equally in love with acting and directing. He says: "Gusto ko pareho, mahal ko siya pareho. Of course naging unang minahal ko yung pag-aartista, but itong pagdidirek it’s something that I’ve always wanted to do. Siyempre ang maganda lang dito [directing], I’m in control, I’m a control- freak."

Eric directs Isang Dakot na Luha for TV5.


Bago Ang Isang Dakot Na Luha ay Glamorosa ang directing job ni Eric Quizon sa TV5.

Ang big difference...

"Well the aim of this one is to go back to the traditional soap opera. Kasi iyon naman... yung mga primetime soap operas parang ano lang sila mga pinalaking soap opera lang naman talaga, e.

"Well this one we’re trying to pattern this on Days Of Our Lives, As The World Turns, mga ganun.

"So it’s going to be ano, gusto naming i-revive yung Flordeluna, Annalisa, Mara Clara, yung ganung tipo.

"So basically, wala namang pagkakaiba yun. Of course when you do a series whether it’s a soap or ano, walang masyadong pagkakaiba.

"Ang difference lang talaga is yung scope, yung timeslot, but it’s pretty much the same thing.

"You cannot really think na malaki ang pagkakaiba or... it’s the same thing, pare-pareho lang yan," umpisang sinabi ni Eric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya early this week sa taping ng Isang Dakot Na Luha sa Meycauayan, Bulacan.

Ang most recent acting job ni Direk Eric...

"I did a stint for Babaeng Hampaslupa tsaka sa Pidols Wonderland.

"I’m just so busy with so many things in my life right now so isinasa-isantabi ko muna yung acting although I’m doing Pusong Mamon part 2, I’m just preparing for that."

Ano ang mas gusto niya ngayon; acting or directing?

"I like both. Gusto ko pareho, mahal ko siya pareho.

"Of course naging unang minahal ko yung pag-aartista, but itong pagdidirek it’s something that I’ve always wanted to do.

"Siyempre ang maganda lang dito, I’m in control, I’m a control- freak.

"Mas mahirap magdirek siyempre. I mean at least pag artista ako, I can relax, I can prepare.

"Ito from the first second to the last, you’re there, you’re involved, you’re part of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka hindi mo lang inaasikaso yung mga artista mo, inaasikaso mo lahat.

"Ang production, nagbibigay ka ng instructions hindi lang sa AD [assistant director], hindi lang sa artista, hindi lang sa technical, hindi lang sa cameraman, you instruct all of them at the same time, and it’s a very difficult job to do.

"Na lahat pinoproblema mo.

"Natural lang yun na lahat poproblemahin mo so... mahirap yung trabaho but it’s something that I enjoy and it’s something that I’m very good at so...

"I think I’m also a very good actor pero like I said, when I commit myself to a project I make it a point that I commit myself to the project fully.

"So as much as possible... ang dami ko ng tinanggihang acting jobs sa ibang mga networks at mga pelikula in the last two years because I’ve been concentrating nga on the soaps, on directing the soaps that Channel 5 has been giving me.

"Channel 5 has been very supportive of my... they like, always give me the best shows, pinapapili nila ako kung ano ang gusto kong gawin.

"Ang maganda yung importansiyang binibigay nila so gusto ko ring bigyan ng importansiya yung ginagawa ko para sa kanila."

NEGOTIATIONS. At bali-balita na malaki ang suweldo sa Singko.

"In anything, depende yan sa negotiations."

Dati ay co-star niya si Alice Dixson, ngayon ay artista na niya sa Isang Dakot Na Luha.

"Matagal ko na siyang naging artista, this is the third soap in a row—Babaeng Hampaslupa, Glamorosa and then this one.

"Na-direct ko na rin si Alice before sa kabilang network nung nag-guest siya sa Darna, yung kay Angel [Locsin].

"Na-direct ko na rin siya sa Wansapanatayam sa Channel 2.

"We have a very good working relationship, maski na nung artista pa kami pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tsaka sa Babaeng Hampaslupa kasama ko siya. I did a very short role, I played a lawyer na nanliligaw kay Alice, si Jefferson Go."

ALICE’S TONGUE. Malaki raw ang improvement ni Alice acting-wise.

"Oh yeah, yeah! She has... one thing about Alice... meron naman, e.

"Ang nagiging problema lang talaga kay Alice is... hindi naman talaga problema, which she is trying her best to... she’s trying her best na maano yun, yun ay ang kanyang dila," ang natatawang sinabi ni Eric.

"Kasi siyempre alam naman natin na mas nasanay siya sa English kaysa Tagalog, but compared to noong nakaka-partner ko pa siya nung mga Regal days pa nung late ’80s and early ’90s, masasabi ko talaga na malaki ang improvement niya as far as her delivery ng kanyang mga lines is concerned.

"Kasi emotion-wise, getting to that emotions and her character, nakukuha naman ni Alice, e.

"Iyon lang ang nagiging setback niya minsan pag... napapansin ko yan pag dinidirek ko siya pagka... when there’s a big word coming, big Tagalog word coming, andiyan na, ano na yan, nakikita ko na kumukunot na yung noo niya.

"At sinabi ko iyon, I called her attention on that.

"But otherwise, she’s a really good actress. May pinaghuhugutan."

Mapapanood na sa Lunes, February 27 ang Isang Dakot na Luha na kung saan kasama rin sina Glydel Mercado, Danita Paner, Liann Valentin, Junyka Santarin, Edgar Allan Guzman, Karel Marquez, Jenny Miller at si Miss Daria Ramirez.

NETWORK WAR. Ang masasabi ni Direk Eric sa battle of the networks...

"I think it’s a healthy competition. And it’s one way of keeping all networks on their toes.

"At ang maganda lang kasi dapat ang mga networks huwag nilang pababayaan ang mga tao nila, huwag nilang pababayaan yung mga artista nila, yung mga talents nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta alagaan lang nila and I think it works both ways kasi hindi lang dapat yung network ang magmamahal sa mga tao nila kundi dapat yung mga tao mismo, yung mga talents mismo.

"Mahalin din nila yung trabaho nila at mahalin nila yung mga network na sumusuporta sa kanila at nagbigay sa kanila ng career.

"Una sa lahat, lahat naman nadadaan sa usapan yan e, sa negotiations.

"Kung may kailangan ka, kung merong dapat sabihin, sabihin lang, natural lang yun.

"Nadadaan naman lahat sa pag-uusap."

DOLPHY’S HEALTH. Kinumusta naman ng PEP ang ama niya, ang Comedy King na si Mang Dolphy.

"He’s okay, he’s okay naman."

Naba-bother ba si Eric tuwing may napapabalitang masama tungkol sa buhay at health condition ng daddy niya?

"Well ever since naman, parati naman siyang natsitsismis na he’s dead, yun pala hindi naman.

"Well, our family’s been open about... he has OPD.

"OPD is obstructive pulmonary disease, and it’s a progressive disease, and I think that says it all.

"Hindi yung tipong sakit na... pa-deteriorate lang yan ng pa-deteriorate, hindi ka na talagang puwedeng gumaling.

"Plus the fact that he’s 84 years old. He’s getting old, he’s no spring chicken so but ang... nasa sa kanya na yun talaga, e.

"Kaya kami as much as possible we make him happy, pinasasaya namin siya parati.

"And one thing with my dad, he’s a fighter, he’s fighting.

"He’s having a difficult time but he’s fighting, he’s fighting.

"That’s why ang kundisyon niya ngayon is okay. So iyon lang ang maganda sa kanya talaga, ilalaban niya, inilalaban niya talaga yung buhay niya.

"He’s fighting for his life so ang resulta nga nun is maganda kasi nag-i-improve siya, nag-i- improve yung condition niya, although it’s push and pull.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now he’s okay, tapos biglang magiging hindi, dadalhin sa ospital; magiging okay tapos ganun ulit, kasi andun na siya sa age na yun talaga, e.

"So pero at this point, our family has decided na... yung pagre-retire kasi siya ayaw niya, e.

"Pero kami sinasabi namin na ’Tama na dad, tama na.’

"But he still wants, that’s why I think that’s one of the things he is looking forward to.

"Na gusto niya pang lumabas, gusto niya pang magpasaya ng tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN