Jericho Rosales gives another "clue" to the identity of his girlfriend

Jericho Rosales on introducing his girlfriend to the public, "We just have to talk about it para ano, para din sa kanya, di ba? I’m sure okay lang naman ’yon sa kanya, she’s a very nice person. Ayaw ko lang na i-build up siya na ako ’yong nag-a-ano, hindi ako gano’n. Gusto ko siya mismo, tao siya na makikilala ninyo. So, maybe one day, we’ll bump into each other. Basta ako, all I can say is that I’m really happy.&


Hindi raw nagsisisi si Jericho Rosales nang hindi niya tanggapin ang offer sa kanya ng Kapatid network.

Bagamat "flattered" siya na makatanggap ng offer mula sa nasabing istasyon, masasabi niyang mas masaya siya sa Kapamilya network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Jericho kahapon, Pebrero 24, sa promo shoot ng Dahil Sa Pag-ibig na ginanap sa Studio 8 ng ELJ Building sa Mother Ignacia Street, Quezon City.

"Oo, hindi, hindi talaga," nakangiting sagot ni Echo (palayaw ni Jericho) nang tanungin kung hindi ba siya nagsising tanggihan ang offer ng ibang istasyon.

"Kasi at the end of the day, it’s not the quantity, e, it’s the quality.

"So, ayoko na mabigyan ng maraming, maraming, maraming [projects] tapos hindi na ako nakakapili ng [gusto ko].

"My ABS-CBN family gives me freedom to choose, parang gano’n.

"So, masaya.

"No regrets at all, no regrets at all.

"But with all due respect to [TV5], I mean, thank you sa offer.

"But, I’m just really happy here with ABS-CBN."

NEW SOAP OPERA. Sunud-sunod ang mga proyektong ibinibigay ng ABS-CBN kay Echo.

Ilan sa mga naging proyekto niya’y Dahil may Isang Ikaw (2009) at Green Rose (2011).

Ngayon ay abala naman siya sa upcoming primetime drama series na Dahil Sa Pag-Ibig kung saan makakasama niya sina Christopher de Leon, Piolo Pascual, Maricar Reyes, at Cristine Reyes.

Sinabi ni Echo na dapat daw abangan ng lahat ang bago niyang proyekto kung saan gaganap siya bilang si Oliver Falcon.

"Well, merong napakaimportanteng mensahe na papakita namin do’n sa soap, e," saad ng Kapamilya actor.

"Makikita mo ’yong mga characters, una sa lahat, unang beses naming makakasama-sama sina Christopher, Piolo, Maricar, at Cristine.

"Pangalawa, may relation talaga ’yong istorya namin dahil mga sensitibong bagay na mahirap sagutin sa bahay at sa lipunan doon namin kumbaga, tina-tackle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, it’s nice lahat talaga—it’s also a story about love. Siyempre hindi mawawala sa teleserye natin, di ba, hindi mawawala ang drama."

HAPPY LOVE LIFE. Kinamusta na rin namin ang love life ni Echo.

Matatandaan na sa naunang panayam sa kanya ng PEP ay inamin niyang mayro’n siyang girlfriend, at sinabing maaaring sa Valentine’s day ay handa na siyang pag-usapan ito.

Sinabi ni Echo sa amin kahapon na "masaya" ang kanyang love life.
Binanggit niya rin sa amin na magkasundo sila sa sport na surfing.

Kilala si Echo sa kanyang pagkahilig sa sports, partikular na sa surfing.

Isang taon na rin daw silang magkakilala, at kasama na doon ang panliligaw niya.

Pero, umiwas siyang sagutin kung gaano na nga ba sila katagal na magkasintahan.

Samantala, sa isa ring artikulo noon sa PEP ay nagbigay ng "clue" si Echo tungkol sa kanyang current girlfriend.

Aniya, "I’ll give you a little clue. She’s in the business din but not an artista.

"She’s a host."

CLUE NO. 2. Pero sa aming panayam sa kanya kahapon ay isa pang "clue" ang ibinigay ni Echo sa entertainment press na naiintriga kung sino nga ba nga kanyang kasintahan.

Sinabi niya sa amin, "[She’s] 24 years old.

"Host siya sa ETC ng isang fashion lifestyle show called Etcetera.

"Pinoy siya ’tsaka kalog."

Biro tuloy sa kanya ng ilang entertainment press, tila nahihilig siya sa mga host.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagkahiwalay sila ng host na si Cesca Litton, at ang aktres na si Andi Eigenmann diumano ang dahilan, na mariin naman itinanggi ng aktor.

Natawa si Echo bago sinagot ang punang ito sa kanya, "Hindi naman sa pag-a-ano, hindi siya ano, normal siyang tao sa loob at labas.

"Ibig sabihin ano... basta importante do’n nagkasundo kami sa surfing ’tsaka ugali, ’tsaka mahal siya ng pamilya ko, mahal siya ng mga kaibigan ko, ng Genesis, ng lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, positibo man si Echo na magugustuhan ng lahat ang kanyang kasintahan, gusto muna raw niyang pag-usapan nila ang tungkol sa bagay na iyon.

Paliwanag ni Echo, "We just have to talk about it para ano, para din sa kanya, di ba?

"I’m sure okay lang naman ’yon sa kanya, she’s a very nice person.

"Ayaw ko lang na i-build up siya na ako ’yong nag-a-ano, hindi ako gano’n. Gusto ko siya mismo, tao siya na makikilala ninyo.

"So, maybe one day, we would bump into each other and pakilala ko siya sa inyo.

"Basta ako all I can say is I’m really happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN