Eugene Domingo wants a win in the 6th Asian Film Awards: "Inspirasyon ito. Maaasahan mo ba na ang isang katulad ko ay aabot sa ganun?"

Bihirang makita sa telebisyon si Eugene Domingo dahil nakatuon muna siya sa paggawa ng mga pelikula. Bukod sa sinu-shoot niyang Kimmy Dora sequel, gagawin din niya ang isang musical, I Do Bidoo Bidoo, katambal ang actor-singer-songwriter na si Ogie Alcasid.


"Crossover Queen," iyan ang tawag kay Eugene Domingo dahil sa pambihirang oportunidad na makapagtrabaho sa tatlong higanteng networks—ABS-CBN 2, GMA-7 at TV5.

Nagawa niya ring ma-crossover ang iba pang aspeto at larangan ng showbiz gaya ng product endorsements, magazine covers at pagganap sa iba’t ibang karakter sa mga pelikula.

Ngayon nga mukhang gusto na ring i-crossover ni Eugene ang international scene. Ito ay dahil sa pagkakanomina niya bilang Best Actress para sa indie film na Ang Babae sa Septic Tank para sa 6th Asian Film Awards.

Sa panayam kay Eugene ng Paparazzi Showbiz Exposed na napanood sa TV5 kahapon, Pebrero 25, inamin ng aktres ang kagustuhan niyang manalo sa naturang international film awards.

Sabi ni Eugene, "Sana maiuwi ko. Ang tindi ng mga kalaban from Taiwan, Hong Kong, Iran, China.

"I need this win. I think hindi lang naman ako ang panalo rito, panalo tayong lahat.

"Inspirasyon ito. Maaasahan mo ba na ang isang katulad ko ay aabot sa ganun?"

Pero handa naman daw si Eugene sa kung ano man ang mangyayari.

"Sa Asian Film Awards, aaminin ko sa inyo siyempre, nandiyan yung fifty percent umaasa ka, fifty percent accepted mong pwedeng hindi ikaw.

"Ang inaasahan ko talaga yung boboto, yung People’s Choice. Pero madali naman akong maka-move on kung hindi manalo."

KIMMY DORA SEQUEL. Kamakailan lang ay nagkaroon ng Asian feel ang award-winning actress matapos mag-shoot ng ilang eksena sa bansang Korea para sa sequel ng box-office hit niyang pelikulang Kimmy Dora na ipinalabas noong 2009.

"Sabi ko nga magbibigay din lang tayo ng sequel, talaga namang sana kaabang-abang and it’s worth the wait.

"At hindi siya madali. Every day is work. At ang weather negative 17, may snow.

"Talagang mararanasan mo yung hindi masyadong kumportable o convenient, [hindi] katulad dito sa ating bansa. Pero fulfilling."

HOLLYWOOD DREAM. Hindi naman itinanggi ni Eugene na pangarap din niyang ma-crossover ang international scene katulad ng Hollywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala naman ako basta ang opportunity nandiyan, wala ka namang sinasagasaan, wala kang pinababayaan, give yourself a chance, di ba?"

HER FIRST MUSICAL FILM. Sa ngayon, bihirang makita sa telebisyon si Eugene dahil nakatuon muna siya sa paggawa ng mga pelikula.

Bukod sa sinu-shoot niyang Kimmy Dora sequel, gagawin din niya ang isang musical katambal ang actor-singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Hangad nga ni Eugene na sana ay tangkilikin ng mga Pinoy ang unang pagsabak niya sa isang musical film.

"Maganda ang magiging resulta kapag tinangkilik nila itong musical film na I Do Bidoo Bidoo.

"Lalo pa’t ang songs na pini-feature sa pelikulang ito ay [composed ng] icon na singing group ng Pilipinas.

"Sino ba naman ang hindi nagkagusto sa mga kanta ng APO Hiking Society?"

Paano niya pinaghahandaan ang ganitong klase ng pelikula?

"Madali lang kasi gustung-gusto ko talaga yung songs ng APO Hiking Society.

"And then bata pa naman ako, gustung-gusto ko na talagang kumanta.

"Pero kinailangan ko siyempreng mag-voice lessons at mag-movement classes para refresher."

Biro naman ni Eugene, ang most-awaited daw niyang i-shoot sa movie ay ang love scene nila ni Ogie.

"Maganda yung love scene namin ni Ogie," natatawang sabi niya.

"Ako inaabangan ko, inaabangan din niya. Very cute, very romantic, Pinoy na Pinoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN