Ryza Cenon on getting support roles in teleseryes: "Ang buhay, parang gulong. Minsan paitaas, minsan pababa, minsan napa-flatan. Siguro nandoon ako sa senaryong na-flatan ako."

Mula sa Machete kunsaan, masasabing leading lady na ang role ni Ryza Cenon ay biglang kaibigan na lang daw ang role nito sa dalawang sumunod niyang primetime series. Best friend ni Heart Evangelista ang role niya sa Legacy.

"Mas maganda yung meron kesa sa wala talaga, ’di ba?" Ryza says. "Aminado naman ako, iba yung ine-expect ko sa character ko sa nangyari ngayon. Konting na-disappoint din ako, per



Maraming fans ang na-disappoint sa supporting role na binigay kay Ryza Cenon sa primetime series na Legacy.

Gumaganap si Ryza na best friend ni Heart Evangelista sa serye.

Mula sa Machete kunsaan, masasabing leading lady na ang role niya, ay biglang kaibigan na lang daw ang role nito sa dalawang sumunod niyang primetime series.

Aminado naman si Ryza na totoo ang mga nababasa at nakakarating sa kanyang comments.

"Mas maganda yung meron kesa sa wala talaga, ’di ba?" ang sabi ni Ryza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang interview kamakailan lang, sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Dugtong pa niya, "Siguro totoo yun, medyo nag-lie low ang character ko sa Legacy. Hindi mo siya makikita all the time sa story.

"Bigla na lang siyang susulpot, biglang mawawala, yung ganoon. Ganoon ang character ko ngayon.

"Aminado naman ako, iba yung ine-expect ko sa character ko sa nangyari ngayon.

"Konting na-disappoint din ako, pero wala, e. Wala naman tayong magagawa.

"Trabaho yan, e. Blessing ni God. So, tanggapin na lang lahat natin," nakangiti niyang sabi.

"At umaasa naman ako na marami pang magandang mangyayari kasi, matagal pa naman siyang tatakbo."

Diretsuhan naming tinanong si Ryza kung naapektuhan ba siya kapag nakakatanggap ng comment na instead na pataas ang mga roles na na-a-assign sa kanya ay tila pababa pa?

Positibo naman ang ultimate winner ng StarStruck batch 2: "Sabi nga nila, ang buhay, parang gulong.

"Minsan paitaas, minsan pababa, minsan napa-flatan.

"Siguro nandoon ako sa senaryong na-flatan ako," aniya.

"Pero ako kasi, positive pa rin ang tingin ko sa lahat.

"Na challenge lang ’to at may reason si God at may plano siya sa akin."

INDIE FILM. Kakatapos lang ni Ryza gumawa ng indie film under Direk Joel Lamangan, ang Migrante, na ayon pa rin sa aktres ay posibleng ipasok sa Cinemalaya Film Festival this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakapatid sila rito nina Jodi Sta. Maria at Rich Asuncion.

Kuwento ni Ryza tungkol sa kanyang karakter sa pelikula: "Ako rito si Mila. Naniniwala ako na hindi kailangan mag-OFW para yumaman ka o guminhawa ang buhay mo.

"Meron din naman [trabaho] sa Pilipinas... Hindi mo kailangang pumunta sa ibang bansa.

"Pero yung pamilya ko [sa pelikula], ganoon ang paniniwala nila. Na sa ibang bansa at hindi rito sa Pilipinas ang opportunity."

She plays the role of a nurse in the movie.

First time raw siyang mai-direk ni Joel Lamangan.

Aniya, "Masaya yung experience. Kasi doon ko nakita ang sarili ko na sobrang focused."

Dahil takot siyang mapagalitan o masigawan ni Direk Joel?

Natatawang sumagot ito ng, "Baka! Kasi, kapag sinabing ’Take na,’ i-a-actor’s cue ko pa ba? Huwag na po, take na po.

"Siyempre, nakakatakot. Lalo na kapag sobrang nagmamadali na siya. Okay na.

"At saka, nakakaiyak ako nang mabilis. Siguro kasi, sobrang focused talaga ako.

"Actually, naging mentor ko rin siya sa workshop. Iba siya kapag workshop.

"Iba rin daw siya kapag TV, iba rin daw siya kapag movie.

"Pero sabi, mas iba siya kapag sa TV, mas strict kasi ayaw niyang abutin ng 1 a.m."

May mga inputs ba sa kanya si Direk Joel lalo na’t first time nilang nagsama?

"Noong una kaming magkita, sabi niya, ’O, Ryza Cenon, finally!’

"Kaya hayun, lalo akong na-pressure sa finally," natawa niyang sabi.

Nag-enjoy raw siya sa paggawa ng indie film—naging maganda daw ang experience niya working with the cast, especially with Jodi.

"Masaya po talaga, at saka si Ate Jodi, sobrang bait niya.

"Dito rin ako natuto ng Kapampangan. Si Kuya Allen [Dizon] kasi, Kapampangan, so, siya ang nagtuturo."

Mauulit ba ang pagtanggap niya ng indie films?

"Oo naman. Mas gusto ko nga ang indie kasi mas mahahasa ka nang mahahasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilang beses nilang inuulit ang isang sequence. Parang sa mainstream din naman, pero mas marami ang indie.

"Ang dami nilang anggulo. So, mahahasa talaga ang acting mo.

"Para kang nasa teatro rin."

Bilang isang aktres, hindi ba siya nakakaramdam ng pagka-uhaw sa makabuluhang proyekto lalo na sa telebisyon?

Ayon naman kay Ryza, "Oo naman. Pero ako kasi, hindi ko lang pinipilit. Baka lalo lang hindi ako maasikaso nang maayos.

"Hintayin ko na lang ang time especially now na marami na rin yata ang mga magiging pagbabago sa GMA Artist Center.

"Siyempre, umaasa pa rin ako na merong nakahanda para sa akin. Na merong naka-plano para sa akin."

STAYING WITH GMA-7 Ano ang pakiramdam o opinyon niya sa mga kasamahan niyang produkto rin ng StarStruck pero naglipatan na ng ibang network?

"Kanya-kanya kasing choice yan. Kung hindi na sila masaya sa nangyayari sa kanila rito sa GMA, baka hinahanap nila yung lugar na mas makakabuti para sa kanila.

"Wala naman akong against sa desisyon nila. Para sa career rin naman nila yun.

"Hindi rin naman natin alam kung ano ang reason kung bakit sila lilipat. Meron silang personal na dahilan kung bakit."

Siya ba, hindi ba niya naisip yun, yung mag-try ng ibang network?

"To be honest, naisip ko yan. Kasi, sa nangyayari sa akin dati.

"Ano na ang nangyayari, bakit ganito? Bakit yung iba, ganito?

"Ako, ganito pa rin. Pero siyempre, produkto nila ko. Gusto kong i-ano yung belief ko na nandoon sila para sa akin," aniya.

"Ginawa nila ko kaya nandoon ako sa siyempre, sila rin ang gagawa ng ikakaganda ng career ko. Ayokong umasa muna sa iba.

"Ayoko namang mag-risk na lumipat sa ibang network, tapos back to zero.

"Hindi ko pa rin naman sila kilala. Mahirap din.

"Hindi mo rin alam kung paglipat mo, makakabuti sa yo," ang sabi ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa GMA naman, masaya naman ako because I have a guaranteed contract.

"Pero pagdating sa role, sa character, siguro lahat naman ng artista, gusto rin na natsa-challenge sila sa anumang ginagawa."

NO PLANS TO GO BOLDER. Masasabing mas gumaganda at nagbu-bloom si Ryza. Hindi maikakailang inspirado siya.

Pero madalas din siyang natatanong kung may plano siyang magpa-sexy or to go bolder. Nape-pressure ba siya kapag may nagtatanong sa kanya ng ganoon?

"Hindi naman. Actually, pinagtatakhan ko lang kasi bakit yung iba na hindi naman kailangang mag-bold, nagkakaroon ng break?

"So, bakit sa amin, kailangang mag-pose [ng bold] para lang mag-boom ang career?

"Minsan hindi pa nga, suwertihan pa yan. So, gusto ko, yung desisyon ko nasa tama," aniya.

"Kasi, ayokong mag-desisyon tapos sa huli, pagsisihan ko rin.

"Hanggang sa tumanda na ko, pagsisihan ko siya. Kasi, hindi naman basta-basta ang pagpo-pose.

"Katawan mo yun, e. Yun na nga lang ang tinatago mo, ’di ba?

"Although, hindi naman ako napi-pressure kapag marami ang nagtatanong.

"Siyempre, mas iintindihin ko ang katawan ko kasi, ako ang gagawa, e.

"Ako yung magpapakita ng katawan if ever. So, nasa akin pa rin naman ang huling say kung oo o hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN