Rocco Nacino begins preparations for Lam-Ang role

Rocco Nacino on making time for his relationship with Sheena Halili: "Meron pa rin po. Kaya pa rin po ’yan. Nasa pagbabalanse lang ’yan at saka time management. Basta for a week, may time kami to see each other. At saka kapag hindi kami magkasama... open ’yong communication namin.


Nakatakdang magbida si Rocco Nacino sa pagsasapelikula ng Ilocano epic na Lam-Ang. Sa March daw ang simula ng kanilang shooting para rito.

Kuwento ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nag-audition po ako for the role.

"Marami raw nag-audition for it. Inaalam ko nga kung sinu-sino, ayaw naman nilang sabihin sa akin.

"Mahirap po ’yong audition. Ibang klase ’yong ipinagawa na mga exercises.

"At nagulat ako nang sabihin sa akin na ako ang napili."

Dagdag pa ng morenong aktor, "Sabi nila, bagay raw sa akin ang role ni Lam-Ang dahil sa hitsura ko.

"At nakita rin daw nila may kakayahan daw naman ako para gampanan iyon."

PREPARING FOR THE ROLE. Bilang Lam-Ang, medyo revealing ang costume na isusuot ni Rocco sa pelikula.

"Nakabahag lang ako.

"Pero ang gusto ng direktor namin, hindi masyadong revealing.

"Okey naman sa akin ’yong pagsusuot ng bahag. Kasi gano’n din ang costume ko nang mag-guest ako sa Amaya.

"Pero topless ako so kailangang magpaganda pa ng katawan!" sabay tawa ng batang aktor.

"Kaya nagwu-work out ako ngayon at saka nagda-diet.

"Binabasa ko na rin ’yong script bilang paghahanda sa role.

"Nagri-reasearch na rin po ako sa internet tungkol kay Lam-Ang."

Sino ang magiging leading lady niya?

"Supposed to be si Isabelle Daza. Kaso, hindi yata pumuwede kaya naghahanap sila ng kapalit.

"And sa akin naman, kahit sino ang mapili nilang leading lady ko, okey sa akin.

"Wala pa naman ako sa posisyon para mamili ng makakapareha.


GAY ROLE. Pangalawang indie film na ni Rocco itong Lam-Ang.

Ang una ay ang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa na ginawa niya with Paulo Avelino and Jean Garcia.

Discreet gay ang role ni Rocco dito. Lihim siyang nagkagusto sa kaklase niya sa Poetry class na si Paulo, na may crush naman sa teacher nilang si Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong unang inalok daw kay Rocco ang nasabing role ay nagdalawang-isip siyang tanggapin ito. Pero sa huli ay tinanggap niya ito.

"Pero no’ng nag-sit down kami ng direktor at ng producer kasama ’yong manager ko, naging okey naman ang pag-uusap namin.

"Nagustuhan ko ’yong story. Kaya ko nagustuhan ’yong role, dahil sa story.

"And I find it very challenging na mag-portray ng gay role," sabi niya.

Mahusay niyang nagampanan ang nasabing papel at na-cite siya sa iba’t ibang award-giving bodies.

Paano kung magkaroon din siya ng offer na all-out gay naman ang role na nagbibihis-babae pa?

"Siguro pag-uusapan muna ’yon. Dapat pag-usapan. Pag-iisipan ko pong mabuti ’yon," sabi niya.

Sa isang gaya niyang matinee idol, mahirap at malaking sugal ang pagganap sa papel ng isang gay na babaeng-babae kung kumilos at magsalita, lalo kung magkakaroon pa ng kissing scene sa kapwa lalake.

"’Yon nga po. Kaya siguro... sa tamang timing din po," sambit ni Rocco.

Okey lang daw kay Rocco kung malinya man siya sa indie films.

"Why not kung makakatulong naman sa growth ng career ko, di ba? Okey po ako diyan."

THERE IS TIME. Inaasahan ni Rocco na kapag nagsimula na ang shooting niya para sa Lam-Ang, na sa Ilocos pa ang location, hectic na ang schedule niya for the whole week. Dahil may taping pa nga siya ng The Good Daugther ’tapos ay may Party Pilipinas pa every Sutuwing Linggo.

E, di mawawalan na siya ng oras para sa rumored girlfriend niyang si Sheena Halili?

"Meron pa rin po. Kaya pa rin po ’yan!" nangiting sabi ng aktor.

"Nasa pagbabalanse lang ’yan at saka time management.

"Basta for a week, may time kami to see each other.

"At saka kapag hindi kami magkasama... open ’yong communication namin.

"Christ-centered kami. Sabay kaming nagpupunta sa Church kung minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yon siguro kaya mas magaan ’yong relationship namin at mas masaya.

"Steady lang kami," panghuling nasabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN