Martin del Rosario ready to do lead and daring roles; willing to pose sexy for magazines

Martin de Rosario on working with Star for All Seasons Vilma Santos: "Yung first shooting day, aminado ako na kabado ako kasi siyempre kaunting hawak ng kamay, Vilma Santos ito... pero naka-ilang shooting days na kami, naka-eleven shooting days na yata ako. Masaya yung shooting. Basta ako, I just read the script and ini-internalize ko yung character ko. Sobrang bait, never siyang nale-late. Kaeksena ko siya lagi, nagtutulungan talaga kami."


Sa ngayon, maituturing na supporting roles pa lang ang mga ginagampanan in Martin del Rosario sa bakuran ng ABS-CBN.

Ngunit sa husay na ipinamamalas ni Martin sa mga roles niya at sa karangalang natanggap niya bilang isang baguhang artista, hindi kataka-takang magkasunud-sunod ang kanyang projects.

Makikita ang kahusayan ni Martin sa tinatapos niyang pelikulang The Healing kunsaan gumaganap siya bilang anak ni Governor Vilma Santos. Napanood din siya sa seryeng E-Boy kung saan siya ang gumanap na teenager na Ariel Rivera.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Martin last Thursday, February 23, sa 23rd Anniversary ng Tutuban Center, tinanong namin siya kung tanggap ba niya na second lead lang siya sa mga proyektong ginagawa.

Sagot ng young actor, "Magkakaroon din nun eventually, abangan ninyo na lang, may darating naman.

"Okay lang ang second lead, wala akong pinipili.

"Ginusto ko rin siyempre magbida, pero may mga plans din naman, sana matuloy na. Yung management, may plano naman talaga.

"As of now, medyo nakalatag na yung mga bagay-bagay pero siyempre confidential pa ang mga yun."

Hindi ba siya nakakaramdam ng pagkainip na wala pang ibinibigay na pambidang role sa kanya?

"Naiinip? Hindi naman.

"As of now, nag-aaral naman ako, second year sa UP. Kung walang work, nag-aaral ako.

"From Business Ad [Administration], balak kong mag-shift sa BroadCom [Broadcast Communication] kasi hirap ako sa Math."

WORKING WOTH GOVERNOR VI. Kinumusta rin ng PEP kay Martin ang pelikulang The Healing.

"Nag-i-start na akong mag-shoot para sa Star Cinema movie. It’s a horror film with Governor Vilma Santos and Kim Chui."

How does it feel working with the Star For All Seasons?

"Actually, siya lagi ang kaeksena ko kasi siya ang mom ko dun.

"Siyempre, I feel blessed na makatanggap ako ng ganung role kasi minsan lang gumawa ng film si Ms. Vilma Santos ngayon, at ako pa ang napiling gumanap na anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung first shooting day, aminado ako na kabado ako kasi siyempre, kaunting hawak ng kamay, Vilma Santos ito...

"Pero naka-ilang shooting days na kami, naka-eleven shooting days na yata ako. Masaya yung shooting.

"Basta ako, I just read the script and ini-internalize ko yung character ko."

Sabi pa ni Martin tungkol kay Ate Vi, "Sobrang bait, never siyang nale-late, kaeksena ko siya lagi, nagtutulungan talaga kami.

"Bago yung eksena, pinag-uusapan namin yung theme, kung paano namin gagawin yung nire-rehearse namin.

"Minsan, inaaya niya ako sa standby area niya dahil baka naiinitan daw ako sa standby area ko.

"Sabay-sabay kaming kumakain, pinag-uusapan namin yung mga panahon niya, mga ganun."

NEXT PROJECT. Maiksi man ang role ni Martin sa E-Boy, tumatak naman ito sa publiko.

Reaksiyon dito ng young actor, "Nagpapasalamat ako na nare-recognize nila ang talent ko and from there, parang mas nakaka-inspire na galingan ko pa sa mga susunod na gagawin ko.

"Sa E-Boy, ginawa ko yung best ko dun."

Masaya ring ibinalita ni Martin na may nakalinya na siyang serye na sisimulan sa second quarter ng taon para sa Kapamilya network.

"Mayroong naka-lineup, expect ninyo yun, second quarter ng taong ito.

"Very confidential siya, pero maybe within this month or next month, start na ang taping namin," sabi niya.

DARING ROLES. Dumadaan ang karamihan ng mga artista mula sa "totoy" roles papunta sa medyo daring and mature. Bukas ba si Martin sa ganitong mga pagbabago sa career niya kung saka-sakali?

"For me kasi, 19 years old na rin kasi ako, puwede in such a way na hindi siya baboy tingnan—for a change din.

"Kasi, di ba, dati puro totoy roles. Kung sexy role ngayon, puwede rin," sagot niya.

Karamihan sa sikat na young actors ay rumarampa sa Cosmo Bachelor Bash at nagpo-pose nang sexy sa magazines.

Open ba si Martin na rumampa at mag-cover nang sexy kung may mag-o-offer sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa ako rumarampa, pero kung papayagan ako ng Star Magic, okay lang din naman sa akin.

"Pero kung hindi, okay lang din.

"Wala namang masama akong nakikita. I don’t see anything wrong with that."

Sa ngayon nga ay puspusan ang pagdyi-gym ni Martin at makikita naman ang pagiging physically fit niya.

Aniya, "Nagdyi-gym ako madalas para maiba lang yung look, ma-ready lang sa ibang roles.

"Kumbaga, in preparation na rin ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN