Gretchen Barretto wants to work with Angelica Panganiban in another project now that Alta is shelved

"Because I got to know Angelica Panganiban in the deeper sense. Noong nag-workshop kami, naintindihan ko na, ’A, ganito pala itong batang ’to dahil may pinanggagalingan.’ And I want to really get to know her even more," says Gretchen Barretto when asked why she still wants to work with Angelica Panganiban now that Alta is officially shelved.


Sa isang taped interview ay ekslusibong nakapanayam ni Boy Abunda si Gretchen Barretto sa The Buzz kahapon, February 26.

Muli sanang mapapanood ang aktres sa teleseryeng Alta, pero ayon sa balita ay na-shelve ito at hindi na matutuloy.

Ang naturang teleserye ay pagsasamahan sana nilang tatlo nina KC Concepcion at Angelica Panganiban.

May mga isyung naglalabasan na diumano’y si Gretchen ang isa sa dahilan kung bakit na-shelve ang naturang serye.

Binigyang-linaw naman ito ni Gretchen sa interview sa kanya ni Boy sa segment nitong "The Big Truth."

BEAUTIFUL. Ang unang paksang tinalakay ni Boy kay Gretchen ay ang "ganda."

Kapag sinabi kasing maganda, hindi nawawala sa listahan si Gretchen.

Pero ano ang pangit na kaakibat ng pagiging maganda?

"Nahuhusgahan ka agad," sagot ng aktres.

"Kapag maganda, sasabihin nila mataray.

"I think yun ang hindi maganda sa pagiging maganda."

Paano nagre-react si Gretchen kapag may nagsasabi na sa sobrang ganda niya, siguro raw ay mahirap siyang kausap, mataray?

"Medyo sanay na ako sa ganyan na iniisip ng ibang tao.

"I’ve been in the business for so many years now.

"I also feel na kilala na rin ako ng tao. What you see is what you get."

BYE ALTA. Inamin ni Gretchen na sumama ang loob niya nang hindi matuloy ang primetime series nilang Alta.

Saad niya, "For two weeks, I was grieving Boy, alam mo yun.

"Iniyakan ko ang proyektong yun. I guess kasi na-disappoint ako.

"Ang tagal-tagal kong hinintay yung proyekto.

"I believed in the project. I believed in the story and the cast and excited na ’ko.

"Handang-handa na ako sa lahat.

"As we speak, my God, I’m back to it again and hurting.

"I prepared in so many ways aside from doing workshops.

"Nag-bonding kami ng cast. I exercised really hard for it.

"Nagpagawa ako ng maraming damit. Kumpleto na ang mga wardrobe namin from start ’till the end.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s how I prepared kaya napakasakit para sa akin."


WHO’S TO BLAME? Diretsahan namang tinanong ni Boy si Gretchen na maraming lumabas na dahilan kung bakit hindi natuloy ang Alta.

Isa sa lumabas nga raw na dahilan ay siya. Ito raw ay dahil sa marami niyang demands.

Ano nga ba ang totoo?

"Talaga? Talaga? Well, wala akong demands," tahasang sagot ni Gretchen.

"Actually, gusto ko lang matuloy. There’s no truth to that.

"Kasi, ini-embrace ko na ang Alta. At prinomote ko na ang Alta.

"So, ang pinakamahirap sa akin yung i-announce na wala na ang Alta.

"I really waited and I worked so hard."

Halatang emosyunal talaga si Gretchen pagdating sa na-shelve na serye.

Sabi nga niya, "Don’t make me cry! Parang baby ko yun, e."

Na-realize ba ni Gretchen pagkatapos kung bakit kailangan nga nilang i-let go ang project?

"Kasi, ayoko rin naman na i-disappoint ang publiko," sagot niya.

ANGELICA PANGANIBAN. Ang Alta rin sana ang unang seryeng pagsasamahan nila ni Angelica.

Pero kahit hindi ito natuloy, gusto pa rin niyang makatrabaho ang girlfriend ni Derek Ramsay.

Ano ba ang meron kay Angelica na gusto pa rin niya itong makatrabaho?

"Because I got to know Angelica Panganiban in the deeper sense.

"Noong nag-workshop kami, naintindihan ko na, ’A, ganito pala itong batang ’to dahil may pinanggagalingan.’

"And I want to really get to know her even more."

QUEEN GRETA. Nagsara man daw ang isang proyekto, may bago naman siyang gagawin—ang Princess and I.

Si Gretchen daw ang gaganap na reyna.

"Ito, ito ang pinapangarap ko sa buhay ko—maging reyna!

"Hindi ko akalain na talagang someday magiging queen ako.

"’Eto na yung ilusyon ko. Sabi ko nga, ’Am I behaving like one?’" natatawa niyang sabi.

Ano pa ang rason kung bakit niya tinanggap ang papel ng isang reyna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s challenging. Although of course sa Magkaribal, yung Victoria, yung role ko may pagkakontrabida.

"Ganun din dito. May pinaghuhugutan at may pinanggagalingan yung bida-kontrabida.

"There’s no other role that I want to play, honestly.

"Hindi naman ako mukhang kawawa or naaapi. So, parang I want something that’s real or realistic.

"But for me, mas challenging siguro yung lumalaban."

Lalaban ba siya rito?

"Yes, in a very subtle way. I’ll be working with Albert Martinez, Kathleen Bernardo.

"With Kathleen, I’ve seen her work and she’s a superb actress.

"And I think I’m going to have a wonderful time working with them."

BIRTHDAY GIRL. Sa March 6 ay birthday na ni Gretchen pero may trabaho raw siya sa mismong kaarawan niya.

"Yes. I’m going to Bhutan.

"This is a dream project for everybody and I’m blessed with it, so I will go for it," patungkol niya sa kanyang bagong teleserye na kukunan ang ilang eksena sa Bhutan.

"Kahit birthday ko, I will fly to Bhutan on that day."

It only shows lang daw na mahal na mahal niya ang trabaho niya.

"Yes, I do. I really do."


HER PRAYER? Tinanong din ni Boy si Gretchen kung ano ang dasal nito sa kanyang buhay?

"Well, that people will love Princess and I the way they loved Magkaribal or even more.

"That’s what I’m hoping for."

"And I guess I realized Boy na kahit ano’ng dasal mo... dinasal ko talaga ang Alta like anything and hindi binigay sa akin.

"I learned to say thank you."

Sa puntong ito ng interview, hindi na naiwasan ni Gretchen ang maging emosyunal.

"Actually, Tony [Cojuangco, her partner] warned me nga.

"You know, ever since I started to pray, lahat ng hinihingi ko, binibigay.

"And he warned me, ’You have to stay faithful because one day He will not give you what you want.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trust Boy, I think ’yan ang nabago and that’s the best gift that I am receiving on my birthday.

"Knowing that I’m not gonna get everything that I want.

"But I know that I will be given what is best for me."

Meron pa bang kinatatakutan si Gretchen?

Sabi naman niya, "Since I started to pray three years ago, seriously I haven’t entertained that.

"As an actor, I guess the day na ayaw na nila ’ko as an actress.

"Yun ang kinatatakutan ko because I truly love this world that we have... business I am in.

"I’d like to stay here not just as an actor but maybe in the future as a producer... as something else."

Pero nai-imagine ba ni Gretchen ang publiko not wanting somebody like Gretchen Barretto?

Natawa ito sabay sabing, "No...please don’t."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN