Alice Dixson prefers non-showbiz relationships: "Ever since, hindi ako sa showbiz—and there’s no way na makaka-meet ako na non-showbiz within the lifestyle that I have."

Alice Dixson on her contract with TV5: "This happened really fast and TV5 is launching many new shows... they really wanted me to be part of this new show. And like I was telling everyone kanina, natutuwa ako because binibigyan ako ng importansiya ng TV5 and they believe in me so much na bigyan ako ng isang... hindi naman carrier show, pero nakataya talaga ang pangalan mo. Kumbaga, this is my baby."


Ngayong araw, February 27, ang pilot telecast ng Isang Dakot Na Luha, ang ikatlong teleserye ni Alice Dixson.

Ang una ay ang Babaeng Hampaslupa at sinundan ito ng Glamorosa.

Dahil pabalik-balik si Alice mula Canada, kung saan nandun ang kabiyak niyang si Ronnie Miranda, ang unang serye lang sana ang gagawin niya para sa Kapatid network.

Hindi pa ba siya pinapabalik ng asawa, for good, sa Canada?

Ang sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong taping nila sa Bulacan last week, "Nami-miss niya ako. It’s very difficult."

May nagsabi naman na nami-miss din daw ni Alice ang trabaho niya rito.

"Yeah. Pero siyempre, he’s more important to me than my career and my happiness is also important to me.

"So, parang he sees naman na masaya ako sa ginagawa ko.

"So, parang do I think this is my last year?

"I’ll be coming back and forth pa rin if ever."

Aminado si Alice na dahil wala siya physically sa tabi ng asawa, yung wife duties naman ang hindi niya nagagawa ngayon.

Nakangiting sabi nga ni Alice, "Sabi niya, ’Buti na lang, mabait ako.’"

May guilt feeling ba?

"Oh, yeah, kahit sino naman.

"If you’re a mother or you’re a wife, and if you’re apart from your loved ones, it’s very difficult."

CONTRACT WITH TV5. Ang kontrata ni Alice sa TV5 ay hanggang sa April of 2013 pa, pero ayon sa aktres, "So far, maganda po ang relationship ko sa TV5 and they allow me to go home when I’m not doing projects.

"So, kung two months akong bakante, puwede akong umuwi muna.

"Yun ang kagandahan ng set-up ko... na we cannot say ’no’ to them.

"At the same time, I can do what I like here and then I go home."

ISANG DAKOT NA LUHA. Ayon kay Alice, ang Isang Dakot Na Luha na pang-afternoon offering ng TV5 ay hindi raw sana niya planong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wasn’t planning to do it.

"Sa totoo lang, I was supposed to go home for a couple of months and then, do another project on April pa or May pa.

"Pero dahil nga this happened really fast and TV5 is launching many new shows... they really wanted me to be part of this new show.

"And like I was telling everyone kanina, natutuwa ako because binibigyan ako ng importansiya ng TV5 and they believe in me so much na bigyan ako ng isang... hindi naman carrier show, pero nakataya talaga ang pangalan mo.

"Kumbaga, this is my baby."

This time, bida at inaapi naman ang role ni Alice sa Isang Dakot Na Luha, at si Glydel Mercado ang mang-aapi sa kanya rito.

Ani Alice, "Hindi mo naman maikukumpara ang bida at kontrabida.

"For the pilot week, mas marami akong eksena because it will revolve around the establishment of my character."

Ilan pa sa mga kasama ni Alice sa cast ay sina Jay Manalo, Edgar Allan Guzman, at Danita Paner.

Nagkasama na sila ni Jay sa Babaeng Hampaslupa.

Nababaitan naman daw si Alice kay Edgar Allan.

"I had a workshop with him... I like him.

"Magaan ang loob ko sa kanya. He’s very easy going."

Si Danita naman, inaanak daw niya.

"Inaanak ko sa binyag sa totoong buhay si Danita.

"So, nakapag-bonding din kami noong workshop and I hope I can build a personal relationship with her.

"And since lagi nga akong nasa abroad, she had a very difficult teenage life."

Nag-open up naman daw ito sa kanya at nabigyan din niya ng mga advices. Ano ang mga naging payo niya sa inaanak?

"Sa amin na lang yun!" natatawa niyang sabi.

STILL BEAUTIFUL. Hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Alice hanggang ngayon.

Dahil malayo siya sa asawa at nasa mundo ng showbiz, wala bang nangahas na magparamdam o manligaw pa rin sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nagpaparinig, pero yung pabiro. Pero hindi ko pinapansin."

"Sa totoo lang, even those married, meron pa rin mag-a-attempt, no matter what.

"Pero you know, nasa sa ’yo yun," sabi ng aktres.

Ipinapaalam at ikinukuwento ba niya sa kanyang asawa kapag may nagpaparamdam sa kanya?

"Kinukuwento ko rin sa kanya kung sino ang mga crush ko. Open kami.

"Actually, meron nga siyang crush sa Canada na she’s very pretty."

Newscaster raw sa Canada ang crush ng asawa niya.

"Siyempre, imbes na magselos ako, it’s normal.

"At saka natutuwa ako sa kanya, mataas ang taste niya.

"Wala akong masabi sa taste niya!" natatawang sabi ni Alice.

Pilit naming inaalam kung ang mga nagpaparinig kay Alice ay mga kasamahan niyang aktor.

"Siyempre, sila lang ang mga kasama ko, e," sagot niya.

Natawa naman si Alice nang hiritan namin ng hula na baka si Jay Manalo ang nagpaparinig sa kanya.

"Hay naku, ayoko na nga!" natatawa at paiwas niyang sabi.

"Well, siyempre ako, I’m not going to say kung sino ang crush ko."

Hindi kaya nagseselos din ang husband niya?

"Kung nagseselos siya, hindi niya pinaparamdam sa akin.

"Hindi namin isyu. Parang sa kanya siguro, alam niya kasi that actors are really not my type.

"I like smart... well, I’m not saying that they [actors] are not smart.

"I’m just saying na ever since, hindi ako sa showbiz—and there’s no way na makaka-meet ako na non-showbiz within the lifestyle that I have.

"Feeling niya naman, I’m secure."

THIRTEEN YEARS. And speaking of security, secure ba si Alice sa marriage nila kaya nagtatagal sila bilang mag-asawa?

"It’s with his personality... I know him and he knows me.

"We’re friends first before we became lovers, and then after that, we became husband and wife.

"So, kahit anong problema ko, anything, nasasabi ko sa kanya," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa May 28 at 13 years na silang kasal ni Ronnie. Ito ang dahilan kaya buong buwan ng Mayo ay wala siya rito sa Pilipinas.


WORKING FOR OTHER NETWORKS. Tinanong din namin si Alice kung wala bang ibang network na nagpaparamdam sa kanya para kuhanin din siya?

"May offer ako from other network to do movie.

"Pero hindi ko pa puwedeng sabihin.

"There’s project to do a movie and then, nagparamdam yung... actually, one of the networks, seriously.

"Pero sabi ko, my priority is TV5.

"Because, sila naman ang nagpauwi sa akin at maganda ang relationship ko sa kanila.

"So, until such a time na hindi ako happy rito, hindi ako lilipat.

"But I can do other TV shows basta hindi siya katapat ng show ko and also, I can do TV guestings... TV shows... movies.

"Pero kailangan lang, papaalam ko sa kanila at hindi tatapat sa mga exisiting shows ko," sabi ni Alice.

Non-exclusive naman daw kasi ang kontrata ni Alice sa TV5.

"Pero siyempre, ang ibang networks kasi, ang impression nila, I’m exclusive.

"But I already told them that I’m not.

"So, that’s why nakakuha ako... yung Panday.

"With regards to TV, parang there’s a quiet memo na i-prioritize ang talents nila.

"But honestly, I’ll be happy to work with GMA or ABS-CBN.

"Basta bakante ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN