Divine Lee on rumor that boyfriend Victor Basa is gay: "Oo, alam ko. Ako pa nga ’ata ang may sala!"

Victor Basa on rumor that he’s gay: "Well, it’s easy naman kasi to disprove the issue. When they ask if you’re gay, I say right away na, ’No!’ Hindi ko alam yung ibang mga tao na masyadong affected."


Tatlong taon na ang relasyon ng model-actor na si Victor Basa at ng socialite na si Divine Lee.

Ngayon lang unti-unting nalalantad sa publiko ang kanilang relasyon dahil nga sa pagpasok ni Divine sa mundo ng telebisyon.

Si Divine ay kasama bagong reality show ng TV5 na Extreme Makeover Home Edition, along with Paolo Bediones and Tessa Prieto-Valdes.

Pero sa kani-kanilang circle of showbiz friends, matagal na nilang alam ang tungkol sa kanilang pagmamahalan.

MARRIAGE PLAN. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magkasintahan matapos ng panayam sa kanila sa Paparazzi noong Sabado, February 25, nilinaw nilang wala pa silang marriage plan.

Ayon kay Victor, "Of course, walang lalake na pumapasok sa relasyon na hindi iniisip yung marriage.

"Pero wala pa. As of now, marami pa kaming gustong i-achieve in each of our careers.

"So, medyo hindi naman sobrang layo, pero hindi rin naman sobrang lapit," pagtukoy ng binata sa pagpapakasal.

Dagdag niya, "But I’ve spoken to her about it. Kumbaga, I have to sit her down.

"’O, ano ba talaga?’ And medyo sensitive yung topic."

Singit naman ni Divine, "Kasi parang ang hirap sa akin na mag-isip ng gano’n.

"’Ay, ang maganda ’pag ikinasal ako, gusto ko sa Malate, Gay Pride!’ Hindi niya ako maseryoso na usapan."

Dugtong naman ni Victor, "Nagsasalita siya na mag-isa...’Oy, di ba tayo?’"

Ayon uli kay Divine, "Sabi ko nga yung buong entourage ko, gusto ko naka-wedding gown silang lahat."

Sagot uli ni Victor, "Sabi niya, ’Marriage ko.’ Tanong ko naman, ’Marriage mo? Natin!’"

DIVINE’S FAMILY. Hindi raw naging problema na matanggap ng family ni Divine si Victor lalo na noong ipakilala niya ito sa kanyang ama.

"Kilala naman na siya," pagpapatunay ni Divine.

"Kilala naman na siya ng daddy ko dahil barkada ko naman siya [Victor].

"At first naman, lahat ng mga nagiging dyowa ko, talagang medyo ilag siya [her dad].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero si Victor, kinakausap niya.

"I guess, mahirap mag-shift na accepted mo ’tapos bigla no’ng naging dyowa, hindi mo na-accept bigla?

"So, okey naman siya sa daddy ko. Hindi man sila best friend, pero sa lahat ng mga naging ex ko, siya yung pinakamalapit sa dad ko."

Dugtong naman ni Victor, "Isa yun sa malaking achievement ko."

VICTOR’S FAMILY. Paano naman ipinakilala ni Victor si Divine sa kanyang pamilya?

"I surprised her. ’O, you’ll gonna meet my sister, ha?’" simulang kuwento ni Victor na naputol dahil nagsalita si Divine.

Aniya, "Biglaan, kasi aarte ako. ’Ay, kailangan ko munang magpa-parlor.’

"So, binibigla niya ako.

"So, nung nasa New York kami, biglang sinabi niya na birthday raw niya," kaya kailangan niyang pagbigyan si Victor.

Patuloy ni Divine,"Siyempre hindi ako makatanggi. Darating raw yung ate niya.

"So, ayun, okay naman. Chikadors [palakuwento] rin."

Dagdag ni Victor,"Kasi kilala rin niya sa school yung sis ko. Upper batch sa school nila.

"Nung ano din... she also met na yung uncle ko. She met na my family.

HIS DAD. Wala nang ama si Victor na mapagsasabihan sakaling mauwi sa pagpapakasal ang relasyon nila ni Divine. Matagal nang yumao ang kanyang daddy.

Ayon sa aktor, "Oo nga, I thought about it. Siyempre, sino pa ang makakakita nung wedding ko aside from my family?

"But he’s watching down.

"But I always believed na yung mga mahal mo sa buhay, tumitingin-tingin rin sa mga ginagawa mo sa araw-araw. Kaya dapat maging mabait ka."

OPPOSITES ATTRACT. Self-proclaimed na "babaeng bakla" si Divine—madaldal, masayahin, makulit. Samantalang tahimik naman at reserved si Victor.

Sabi ni Divine, "Yun nga yung maganda. Kasi, di ba, kung ganun rin yung kasama niya, e, di wala nang nag-uusap sa kanila?

"At least ako, maraming airtime na nagaganap."

Paliwanag naman ni Victor, "Pero no’ng magkakaibigan pa lang kami, alam niya yung ugali na ganito na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ang ingay naman masyado kung parehas kaming madaldal. Baka hindi na kami magkakaintindihang dalawa."

LOVERS’ QUARREL? Walang matandaang malaking away sina Victor at Divine.

Kuwento ni Divine,"Yung tampuhan namin, nag-i-end up sa tawanan.

"Kasi minsan ’pag nagagalit ako, hindi ko alam bigla akong nagbabakla.

"’Tapos, bigla siyang magsasalita na, ’Hindi na kita maintindihan. ’Di na kita maintindihan!’

"’Tapos maya-maya, magtatawanan na lang kami. Very light kasi kaming dalawa, e."

Ayon naman kay Victor, "For example, mari-realize namin na napaka-petty naman ng pinag-aawayan namin. ’O, ano? Ikaw kasi, e.’"

HER ENTRY INTO SHOWBIZ. Naging madali raw kay Divine ang pumasok sa showbiz, hindi lang dahil kay Victor kundi dahil din sa kanyang kaibigang celebrities.

Ayon kay Divine,"Buti na lang na-break-in ako nina Ruffa [Gutierrez] na mga kaibigan ko.

"’Pag lumalabas kami, nakikilala ko na rin yung iba.

"And yung mga showbiz people, wala namang pinagkaiba sa mga normal na kaibigan. Same lang.

"Mababait naman sila. Wala namang nang-away sa akin, kaya keri!" pabading nitong sabi.

GAY ISSUE. Alam daw ni Divine ang usap-usapan na "bading" ang kanyang boyfriend.

Sabi niya, "Oo, alam ko. Ako pa nga ’ata ang may sala!

"Kasi nung magkakaibigan [pa lang] kami, ang hilig ko talagang sumama sa mga bading kong friends.

"Pumupunta kami ng Government at Bed palagi.

"But by the end of the night, iniiwanan na nila ako dahil nakahanap na sila ng mga boys nila.

"So, siya [Victor] ang tagasundo sa akin, all the time.

"Parang one year yun na inabuso ko ang friendship namin.

"’Sunduin mo ako, wala na naman akong ride.’"

Segunda naman ni Victor, "Nakita nga ako ng assistant director nung sinundo ko siya.

"’O, Vic ano’ng ginagawa mo dito?’ Wala na akong masabi kundi ’A... enjoying?’

Ayon kay Divine, "Pero totoo naman, siya talagang pumupunta sa mga ganung lugar dahil sinusundo niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaibigan pa lang kami no’n kaya nga kapag tumatawag siya sa akin, ’Divs [palayaw ni Divine], I’m in trouble na naman because of you. Dahil sa mga pinaggagawa mo.’

"So, tatawa na lang siya. Wala naman sa kanya yun."

Pagbabalik-tanaw ni Victor sa issue sa kanya, "Lumabas nga sa papers na yung mga lugar na yun ang hang out ko."

"Well, it’s easy naman kasi to disprove the issue. When they ask if you’re gay, I say right away na, ’No!’

"Hindi ko alam yung ibang mga tao na masyadong affected."

RICH GIRL. Sa mga hindi pa nakakaalam, si Divine ay anak ng may-ari ng Globe Asiatique real estate company.

Maliban sa pagiging executive ng kanilang company, may sariling clothing line si Divine. Kasosyo rin siya sa club na itinatag ng eventologist na si Tim Yap.

Mayaman ang pamilya ni Divine kaya hindi maiiwasang matanong si Victor tungkol sa pamilya ng kanyang girlfriend.

Tugon ni Victor, "Well, I realized na usually nag-i-stem yun sa hindi alam kung ano ang real story, inggit or...wala naman, e.

"Like, wala naman akong nakukuha sa kanya."

"Pagmamahal, gagah!" pabading na singit ni Divine.

Natatawang sabi naman ni Victor, "I mean, yung sa kanya, sa kanya. Yung sa akin, sa kanya!"

HIS CAREER? Wala pa raw regular show na nilalabasan si Victor kaya puro guestings lang siya sa mga shows, gaya nga sa Regal Shockers.

"I’m waiting for a good project.

"Alam mo naman sa trabaho natin, ’pag nasa trabaho ka naghihintay ka.

"’Pag wala kang trabaho, naghihintay ka pa rin.

"So, habang naghihintay ako, nagsusulat po ako.

"Nagku-contribute po ako sa Philippine Star and nagpa-practice rin po ako sa videography.

"At saka eventually, I’m going to release a T-shirt line.

"Kaya minsan yung ibang tao nakikita nila ako sa Divisoria, sa Binondo. Ako talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para dun sa business na bubuksan ko... minsan sa Valenzuela."


TV HOST. Sa kaso naman ni Divine, ngayon ay nag-i-enjoy siya sa kanyang showbiz career lalo’t nabigyan siya ng chance na mag-host ng Extreme Makeover Home Edition.

Saad niya, "Ngayon lang ako magpu-full show sa TV at masaya. Asahan nila ang aking mga kabaklaan doon.

"And yung TV show namin sa TV5 about construction.

"Yung job ko naman talaga is construction kaya ako napasama sa show.

"And si Paolo Bediones is a good friend of mine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN