Kris Bernal on why she can’t do daring and sexy roles: "Mukha akong bata."

Kris Bernal on why she can’t go sexy and daring: "Hindi rin bagay sa akin! Alam naman nila yun na maliit ako at maliit ang katawan ko."


Masaya ngayon si Kris Bernal sa bago niyang pinagbibidahang soap opera sa GMA-7, ang Hiram Na Puso.

"Maganda ang concept. Iba naman siya sa mga ginawa ko... madalas, nagpu-focus sa love story.

"Ito, family drama naman," sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng nasabing drama series.

Dagdag pa ng 22-year-old actress, "Excited... sobrang excited po ako! Sana magawa ko nang maayos."

At tuluy-tuloy ring nagkuwento si Kris tungkol sa iba pang detalye ng kanyang afternoon serye.

"Sa March 5 po ang pilot telecast.

"Dito, ako po yung anak ni Ms. Gina Alajar. May sakit sa puso.

"So, may taning na yung buhay ko, kailangan ko ng heart transplant.

"Ibibigay sa akin yung puso through heart transplant.

"Namatay po kasi yung anak nina Tito Gardo [Versoza] at Tita Ayen [Munji-Laurel]," kung saan magmumula ang pusong ililipat sa kanya sa kuwento.

So, mapapamahal din si Kris sa mag-asawa?

"Opo. Yung kilos ng pinaghiraman ko ng puso, yung taong minamahal niya, mahal ko rin.

"Siguro po, psychological..."

MARK AND ALJUR. Gumaganap bilang boyfriend ni Kris sa bagong drama series ang young actor na si Mark Herras.

"Second time na namin ni Mark. Nag-Time Of My Life kami, yung dance-serye namin," pagbabalik-tanaw ni Kris.

Noong nakaraang taon isinahimpapawid ang Time of My Life sa GMA-7 na pang-limang teleserye na tinampukan ni Kris Bernal.

"Bale pang-anim po itong Hiram Na Puso," banggit din ni Kris.

Ang original ka-loveteam noon ni Kris ay si Aljur Abrenica.

"Nandito Ako... yun yung launching movie namin, na tumapat sa Ondoy," pag-alala ni Kris sa pelikula nilang sinabayan ng bagyo noong 2009.

Nagkaproblema ba sa pagtatrabaho nila ni Aljur kaya hindi na sila pinagtambal uli?

Umiling si Kris na ang ibig sabihin ay walang problema sa kanila ni Aljur.

"Siguro, babalik yung team-up namin. Gusto lang siguro na makita ng tao na kaya namin to stand on our own kahit walang ka-loveteam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging sila ba ni Aljur noong sila pa ang magkatambal?

"Wala... never. Hindi kami naging kami," sagot ni Kris.

HER REAL BOYFRIEND. "Nagka-boyfriend na ako. Non-showbiz pero madalas hindi siya napupunta sa relationship," ayon sa dalaga.

Napag-alaman naming hanggang pakikipag-MU o mutual agreement lang pumapasok ang dalaga.

"Takot akong pumasok sa isang relationship. Madalas, ligaw lang," sabi ni Kris.

At hindi raw sa pakikipagrelasyon nakasalalay ang kaligayahan ng magandang aktres.

"Oo naman po," aniya. "Sobrang saya ko kasi, a... sunud-sunod naman po yung mga projects na ibinibigay sa akin.

"Wala din akong problema sa family ko."

Sa edad na 22, wala pa ngang maituturing na karelasyon si Kris.

"Darating naman yun, e. ’Pag na-in love uli ako, di ma-in love. Sa ngayon, wala muna."

Ang mahalaga nananatiling maayos daw ang takbo ng kanyang showbiz career, lalo na sa TV.

ON DOING A SEXY ROLE. Sa edad niyang 22 kaya na ba niyang gumanap ng sexy o mas daring na papel?

"Depende kung gaano ka-daring.

"Hindi ko pa rin kaya, e. So far, wala naman silang sinasabi sa akin.

"At hindi rin bagay sa akin!" natawa si Kris.

Dagdag pa niya, "Alam naman nila yun na maliit ako at maliit ang katawan ko. Mukha akong bata!

"Sabi nila mukha daw akong sixteen. At least young-looking kahit na tumanda!" komento pa niya sabay-tawa.

MARIAN RIVERA LOOK-ALIKE. "Talaga? Hindi naman," nakangiting wika ni Kris sa obserasyon ng iba na magkamukha sila ni Marian Rivera.

Na puwede silang gumanap bilang magkapatid, onscreen.

"Maraming nagtatanong," na ang ibig tukuyin ni Kris ay kung magkamag-anak daw ba sila ni Marian.

"Hindi ko nga alam kung maniniwala ako kasi gandang-ganda ako sa kanya.

"’Pag nakikita ko siya, hindi ako nagsasawa sa face niya," at nangiti uli si Kris.

Nagkasama na sina Kris at Marian sa Dyesebel noon.

GINA ALAJAR. Samantala, masaya ang young actress na makakatrabaho nang matagal ang itinuturing niyang idolo at magaling na aktres na si Gina Alajar, na gumaganap bilang kanyang ina sa kanilang soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can ask her tips kung ano’ng gagawin," sabi ni Kris.

Tinanong din ng PEP si Kris kung kaanu-ano niya ang yumaong National Artist for Film na si Ishmael Bernal.

"Kaapelyido lang po," aniya.

Pero nais din daw niyang subukan ang maging isang director gaya ng sikat na director ngayon na si Joyce Bernal.

"Oo nga, pero matagal pa yun, 22 pa lang naman ako, e," saad niya.

ON UGLY RUMORS. Ano ang pinakagrabeng intriga na kinasangkutan niya sa iilang taon pa lamang na pamamalagi sa showbiz?

"That I was... pregnant," aniya.

"Time of my Life yun, e. Last year lang. Ewan ko.

"Sabi daw nila nagsusuka daw ako. Sabi nila mahilig daw kasi ako sa matamis.

"E, ever since naman, sobrang hilig ko sa matamis!

"It came to a point na kailangan akong magpa-interview para i-confirm," na hindi raw siya nagdadalang-tao.

Labag man daw sa kalooban niya na magpainterbyu nung umpisa, sumunod pa rin siya sa mga namamahala sa kanyang career.

"Of course, ’pag may narinig kang hindi maganda sa ’yo, always let the people know what it really is," sabi niya.

Higit na ipinag-alala raw ni Kris ang magiging epekto nito sa kanyang mommy na lagi niyang kasa-kasama.

"She drives for me," pagtukoy niya sa inang si Ana.

"So, she gets affected. My detractors say cruel things, e.

"Siyempre, yung parents ko, especially my mom, nasasaktan siya kasi alam niya na hindi niya ako pinalaki na... alam mo yun, na mabubuntis agad!

"Raised well ako ng mommy ko, e."

Pero kinalimutan na daw niya ang intrigang nabanggit.

"Gano’n talaga, e," buntung-hininga niya.

"Pero okay din naman minsan na may ganun kasi napapag-usapan. Not just being talked about on TV."

Ano ang natutunan niya sa pangyayaring yun?

"Ngayon? Careful na ako at saka deadma!" sagot ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN