Zsa Zsa Padilla opens up about Dolphy’s condition; says the Comedy King might not be able to continue his show on TV5

Zsa Zsa Padilla on being thankful to her home network for being considerate with her: "Siyempre the past few years, it’s very difficult for my family. Alam naman nila na si Dolphy, aside from being 83 years old, siyempre hindi masyado maganda yung health. And a lot of times talaga, naging very, very considerate hindi lang yung mga co-stars ko kundi yung mga direktor ko, yung staff namin. Manggagaling ako sa ospital, wala akong tulog, diretso ako sa s


Masayang-malungkot ang naging pamamaalam ng cast ng primetime series ng ABS-CBN na Budoy kahapon, February 28, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Masaya dahil sa suportang ibinigay ng mga manonood sa kanilang programa. Pero sa kabilang banda ay malungkot dahil dalawang linggo na lang ang nalalabi at magtatapos na ito.

MISSING BUDOY. Sa naturang presscon, kapansin-pansin ang naging pahayag ng isa sa cast members na si Zsa Zsa Padilla na lubha raw niyang mami-miss ang samahan nila sa Budoy.

Ayon kay Zsa Zsa, ang nasabing serye ang nagsisilbing outlet niya sa kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan.

"Nakaka-miss talaga yung samahan namin sa Budoy," panimula ng singer-actress.

"Sabi ko nga, ang tawag ko sa kanila, support group. Kasi ’pag pupunta ako sa set, sa kanila ako magsusumbong ng mga problema ko.

"Kilalang-kilala na na nila ako. Kumbaga, open naman ako na sabihin na it has been difficult.

"While doing Budoy, I was going through very difficult chapter in my life.

"Kumbaga, if I look back in time, kung maaalala ko yung Budoy, ’A, ’eto yung time na ano...’

"Kasi nga, naging very close ako sa kanila kasi talagang tinulungan nila ako to get through my problems."

ALL ABOUT DOLPHY? Inisip ng karamihan na naroon sa presscon na ang pinagdadaanan ng Divine Diva ay may kinalaman sa kalusugan ngayon ng kanyang long-time partner at Comedy King na si Dolphy.

Saad naman ni Zsa Zsa, "Sabi ko nga, quote-unquote na lang na may pinagdadaanan ako.

"Siyempre, the past few years, it’s very difficult for my family.

"Alam naman nila na si Dolphy, aside from being 83 years old, siyempre hindi masyado maganda yung health.

"And a lot of times talaga, naging very, very considerate hindi lang yung mga co-stars ko kundi yung mga direktor ko, yung staff namin.

"Manggagaling ako sa ospital, wala akong tulog, diretso ako sa set. Ganun yung buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang nararamdaman ko yung alaga at pag-aalalay.

"Kahit naman sa ASAP, very considerate din sila.

"Kasi alam nila na ’pag nagte-teleserye ang isang singer, nako-compromise din yung boses, hindi ba, dahil sa puyatan.

"May araw na Friday ang taping, hindi namin alam kung ano yung demand ng script.

"Yun pala, mababasa ka sa ulan, o magtititili ka or iiyak ka. So the next day, wala kang boses. Medyo may mga ganun.

"I’m very happy with ABS because sa tagal ko na silang nakakatrabaho, kabisado na nila ako. They are very, very considerate.

"And also, very grateful ako sa TV5, kasi despite the fact na hindi nagte-taping si Dolphy, they are very considerate," pagtukoy ni Zsa Zsa sa show ni Dolphy na Pidol’s Wonderland sa Kapatid network.

"I heard from Eric [Quizon] pa nga na, na weeks back, nag-number one pa nga yung slot niya on that Sunday.

"Sabi ko nga, that’s good news kasi nga, nakikita kong the people, especially kids, like the show."

Si Eric ay isa sa mga anak ni Dolphy at siya ring direktor ng Pidol’s Wonderland.

Paano naipagpapatuloy ang show kung may karamdaman ang Comedy King?

"Actually, yung show niya doon is ongoing, pero it’s just taped. He doesn’t appear in the show anymore," sabi ni Zsa Zsa.

May posibilidad pa kayang makabalik si Dolphy sa kanyang show?

"Hindi ko alam... I don’t think so," malungkot na pahayag ng Divine Diva.

DOLPHY’S CONDITION. Nang kumustahin kung ano na ang kalagayan ng Comedy King, ito ang pahayag ni Zsa Zsa:

"He’s hanging in there.

"You know, he’s in good spirit.

"Kasi right now, he’s in good spirit and we do our best to take good care of him."

Umiwas na rin si Zsa Zsa nang matanong kung ano ang sakit ng kanyang long-time partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think I’m not in the position to discuss it right now, kasi nga this is Budoy’s presscon.

"Maybe in another time. If the whole family is ready.

"Kasi I don’t want to be the only one to say, you know, regarding his health."

MARRYING DOLPHY? Hindi na ba nila napag-uusapan ang pagpapakasal?

"Hindi na namin pinag-uusapan yung kasal. Kasi magulo yun, magulo lang! Huwag na lang.

"Alam mo kaming mga artista, we’ll always be judged by people.

"Hindi ba dapat, di kami apektado sa sasabihin ng iba, kasi it’s really your life, di ba?

"Pero para sa akin, nung unang lumabas na libre na akong magpakasal, ang daming negative things na lumabas about me.

"Ang daming nagsabi, ’O, ayan, yun na yung pangarap niya. Na habol lang niyan pera. Blah, blah...’ As if!

"Masakit sa ’kin kasi my whole life, I’ve been working.

"Yung times na hindi lang ako nagtrabaho kasi nagbuntis lang ako.

"Pagkatapos nun, I went back to work again.

"Kahit papaano affected ako, aaminin ko, na ang iisipin ng tao ganun.

"Sa tagal ng pagsasama namin, kung mauwi man sa kasal ay mabibigyan pa rin ng malisya na pera lang ang habol ko.

"So I wanted to disprove that.

"Sa totoo lang, it should be between the two of us.

"Kaya lang, kasi nga, malaki rin yung pamilya niya at may mga complication na nangyayari.

"So we found it best na huwag na lang.

"Kumbaga, ’Tayo pa rin naman, e. Nothing has changed and I’m still here, I’m still supporting you 100 percent.’

"And ganun din naman siya. Emotionally, ibinigay niya yung best niya, so wala na akong dapat hilingin pa."

GETTING WORSE? Usap-usapan na palubha na nang palubha ang kalagayan daw ng Comedy King.

Pero ani Zsa Zsa, "Hindi mo naman maiiwasan yun dahil nga, unang-una, ay 83 years old na siya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung dumating man yung panahon na yun, sabi ko nga, ayaw ko naman na i-discuss sa inyo yun about that.

"Etong presscon na ito ay for Budoy tulad ng sabi ko kanina. I-discuss natin yun another time," diin niya.

LIFE AFTER BUDOY? Ano ang dapat asahan kay Zsa Zsa pagkatapos ng Budoy?

"A, depende. Yung nga, e. Mahirap, e! Siguro... hindi ko masabi, e.

"Kasi remember last year, sinabi ko na magbabawas talaga ako ng trabaho.

"Pero there are times na mari-realize mo rin na it’s hard on a daily basis to judge what you should be doing with your life and with your career.

"Alam naman nating lahat na mahirap ang buhay, di ba?

"And everything you build just keeps going... piling up.

"May mga pangangailangan din na kailangang i-consider kaya you need to keep going. So, yun.

"Kung puwede lang, hindi ba? Or kung puwede rin na mag-alaga ka na lang, di ba, sa asawa mo?

"Gagawin mo rin yun, kaya nga lang, you will have to have a more realistic perspective on things.

"Iba na kasi ang panahon ngayon."

LOVING DOLPHY MORE. Ayon pa rin sa Divine Diva, "I just realized na it’s so nice to realize that I miss Dolphy whenever I’m not with him.

"It has brought us closer.

"And in a sense, you know, we’ve been together... probably 23 years this year. ’Tagal na, ’no?

"Sa showbiz, parang 100 million years together na yun, hindi ba?

"Sabi ko nga, ’Oo, malapit na yung mga ganyan.’

"Pero maganda yung feeling na sa tagal ng pagsasama namin, you would feel the need to know more about this person.

"Parang yung nag-uumpisa yung relationship n’yo uli. Ganun yung feeling ko.

"Honestly, I would say I’m in love with him again. Di ba, parang ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, siyempre for a long time, ’pag karelasyon mo na ng matagal na, siyempre love mo.

"You would say, you will fall in love with this person again—that’s what I feel this time with him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN