Mark Herras on Annabelle Rama-Nadia Montenegro conflict: "Ayoko na pong mas gumulo pa yun dahil sa akin at lumabas po na may umeepal na isang tao dito, di ba?"

Mark Herras on his "mature role" in Hiram Na Puso: "Pero siguro, this year lang na nasabi kong mas matured kasi mas naipakita ko sa kanila na hindi ko ginagawa ’to para maibalik sa akin na, ’O, dapat kay Mark yan!’ Hindi, ginagawa ko ’to dahil mas nagseseryoso na ako sa project, sa character na binibigay sa akin."


"Mature na Mark Herras" ang naging deskripsiyon ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor tungkol sa kanyang role sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Hiram na Puso.

"Kasi ang story po dito sa Hiram Na Puso... Normally kasi, ang napupunta sa akin, normally gago, luko-loko, di ba?

"Sabi ko nga, parang true-to-life kasi ang una kong naging dyowa rito is 16 years old.

"I’m 20 dito sa story. Hindi naman yun typical.

"Si Krystal Reyes ang una kong girlfriend."

Ang tinutukoy ni Mark ay ang dating child actress na gumanap na bida sa Mga Mata Ni Anghelita.

Patuloy ng young actor, "Kaya sa storycon, sabi ko, ’Sigurado po kayo, si Krystal?’ Kasi, para sa akin, as 25 years old, di ba?

"’Tapos kapag taping, si Krystal, ’Ay, Kuya Mark, di ba may eksena?’ Or ’Kuya Mark!’

"Parang ano ba!’ natatawang sabi niya.

"Before the scene, nangyari yun, pero doing the scene, ibang Krystal ang makikita n’yo, at the same time, ibang Mark din po.

"Kaya mas masasabi kong mas matured."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Hiram Na Puso kagabi, February 28, sa Studio 7 ng GMA Network.

MATURE ACTING. Kung babalikan ang mga ginawang serye noon ni Mark ay nakagawa na siya ng mature roles, gaya sa Paano Ba Ang Mangarap? at Ikaw Sana. Kaya paano niya nasabing "matured Mark" na ang makikita ng mga manonood dito sa Hiram Na Puso?

Saad niya, "Siguro nagkaroon na rin ako ng mga shows na mas matanda pa sa 20 years old.

"Siguro hindi dahil sa age kaya ko nasabing mas matured.

"Mas matured in a way, kasi based din sa acting.

"Dito, mas aware ako.

"Hindi ito typical na okay, after we take, good take. Next sequence, read lines agad.

"Kahit itanong n’yo po kay Direk Andoy [Ranay]...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa gusto kong maging perfectionist or mapansin na, ’Si Mark, nagtatanong na,’ hindi."

Mas more into the character siya ngayon?

Saad niya, "Yes, opo. At isa ito sa natutunan namin with our workshop.

"Hindi siya normal na exercise na you do a lot of exercise just to drain you out.

"Dito, marami akong natutunan.

"It’s like lecturing us, mga dapat naming alamin during the taping, mga pointers which is nakakatulong po sa amin.

"Yung pagkakasabi ko na mas ’matured na Mark Herras,’ it’s another way of telling na mas pinag-aaralan ko po ang character ko."

TRUE-TO-LIFE STORY. Kaya naman nasabi ni Mark na "true to life" ang dating ng kuwento nila ni Krystal sa serye ay dahil aminado siyang na-in love siya sa girlfriend niyang si Ynna Asistio noong 16 years old lamang ito.

Sabi ni Mark, "Kumbaga, wala naman pong pinipiling age ang pagmamahal.

"Totoo ang kasabihan na age doesn’t matter naman talaga.

"Pero dito, dumating kami sa point na hindi yung may girlfriend kang bata, tinuturuan mong uminom, mag-party... hindi ganoon.

"Dito lang, ang pinakamali kong ginawa ay nang niyaya ko siyang magtanan.

"And suddenly, nagbago ang isip niya."

TEAM-UP WITH KRIS BERNAL. Pagkatapos ng Time of My Life, silang muli ni Kris Bernal ang pinagtambal dito sa Hiram Na Puso.

Ano sa tingin niya ang meron sa team-up nila at pinagsama silang muli pagkatapos ng huling primetime series nila?

"Siguro nabitin... nabitin po ang network.

"Puwede kong sabihin na nabitin po ang tao sa naging team-up namin sa Time of My Life.

"Sa Time po, more on may sayawan talaga.

"Dito po, nag-focus po talaga sa drama and sa loveteam ng Mark and Kris.

"Hopefully, may nakikita ang network kung bakit kami pinu-push," saad ni Mark.

Kumusta naman si Kris bilang leading lady?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Kris, ever since na nakatrabaho ko, wala po kaming naging problema.

"Magkaibigan kami. So, yun ang isa sa magandang samahan namin ni Kris.

"Kaya ngayon, kapag magkasama kami, hindi kami naiilang."

CONFIDENT MARK? Si Mark ang kauna-unahang Ultimate Male Survivor ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Pagkatapos ng Batch 1, marami na rin ang nagsulputan at pinu-push ng Kapuso network. Pero sa sarili niya, masasabi ba ni Mark na nandoon na ang confidence niya sa estado ng career niya ngayon?

Sinasabi kasing ang bagong pinu-push ngayon ng Kapuso network ay sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, at Alden Richards.

Ayon kay Mark, "Actually before, hindi na rin naman bago sa akin na after StarStruck Batch 1 pa lang, there’s Batch 2 na, Batch 3 na, may bago na.

"Siguro wala akong against with my co-actors.

"With my co-workers like Rocco, Alden, Aljur, barkada kami, tropa kami ng mga yun.

"Nagkakaroon lang talaga ng mga intriga like this.

"Pero siguro, this year lang na nasabi kong mas matured kasi mas naipakita ko sa kanila na hindi ko ginagawa ’to para maibalik sa akin na, ’O, dapat kay Mark ’yan!’ Hindi.

"Ginagawa ko ’to dahil mas nagseseryoso na ’ko sa project, sa character na ibinibigay sa akin.

"Kung napanood n’yo naman po ang Hitman, yun ang nagsimula sa akin.

"During our presscon, hindi ko ma-explain ang character ko. At doon n’yo po nalaman kung bakit hindi ko na-explain.

"Starting with Hitman, and now, with Hiram na Puso. Sana po, after this, magtuluy-tuloy na ulit."

Dagdag pa ni Mark, "Hindi naman po ako nakikipagkumpetensiya sa mga kasama ko sa network."

INSECURE MARK? Masasabi ba niyang kampante na siya sa kinalalagyan niya ngayon sa showbiz?

"Ako, masasabi kong I’m secure," sagot ni Mark.

"Pero siyempre, hindi pa rin ako puwedeng mag-relax.

"Trabaho ’to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito ang trabaho ko at ayaw mo namang maintriga na may umaangat sa ’yo, may bago.

"Siyempre po, papasok at papasok sa utak mo.

"Pero hindi mo dapat pabayaan kung anuman ang meron sa ’yo. Kung anong status meron ka sa showbiz career mo.

"Like yung status ko ngayon, kung anuman ang meron ako ngayon."

Ano ba ang status na meron siya ngayon?

"Una, hawak ko yung ’bad boy of the dance floor’ [title].

"Pangalawa naman po, acting-wise, never naman akong napahiya sa network at sa mga ibinigay nilang project sa akin.

"Never naman po akong nakarinig na, ’Ano ba naman ’yang si Mark, hindi marunong umarte.’

"Siguro sa mga haters, hindi mo maiiwasan. Pero kaya rin po siguro.

"I’m more secure and more relaxed at paghuhusayan ko pa po.

"Siguro po, mapapansin n’yo na lang din po yun patagal nang patagal."

RELATIONSHIP WITH YNNA ASISTO. Kinumusta rin ng PEP kay Mark ang relasyon nila ngayon ng girlfriend niyang si Ynna Asistio.

Lalo na ngayong may kinahaharap na isyu si Ynna at ang pamilya nito kaugnay ng demandahan nila ni Annabelle Rama.

Sa huling kaganapan nga ay inihabla ni Annabelle si Ynna ng libel dahil diumano sa pagtawag nitong "bugaw" sa kanya.

Si Annabelle pa rin ang tumatayong talent manager ni Ynna.

Ayon kay Mark, "Well, basically, sa relationship, we’re still okay.

"We’re happy... four years and one month.

"About the issue, siyempre, alam n’yo pa rin po na hindi po ako nanghihimasok.

"Like kanina, sabi sa akin, kung ano raw ang support na naibibigay ko kay Ynna with her or her family.

"Yung suportang naibibigay ko sa kanila is outside or sa likod po ng camera, or sa likod po ng mga media, dahil unang-una, ayoko na pong mas lumaki ang isyu.

"Ayoko na pong mas gumulo pa yun dahil sa akin at lumabas po na may umeepal na isang tao dito, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang pakikitungo niya sa mga Gutierrez?

"Yeah, yeah, I’m okay. Lalo na kami ni Chard [Richard Gutierrez]," sagot ni Mark.

Pero dahil boyfriend siya ni Ynna, nararamdaman ba niyang kahit paano ay nadadamay o naaapektuhan din siya?

"Well, nanggagaling din naman po sa kanila [Gutierrez family] na hindi nila ako dinadamay.

"Kahit sila Ynna, and even Tita Nadz [Nadia Montenegro], ayaw niya akong isama rito. Sa gulong ito kung anuman ang meron ako.

"Pero yun nga po, anumang suportang ibinibigay ko, sa likod ng kamera, yung akin, yun po ang naibibigay ko sa kanila.

"Being the boyfriend of Ynna, the son of Tita Nadia, and a family to them na matatapos at matatapos din po ’yan."

Ano naman ang reaksiyon niya sa pagsasampa ng kasong libel ni Annabelle laban kay Ynna?

"Sobrang ano... siguro para na lang mabawas-bawasan ang problema ni Ynna or Tita Nadz, or kung sinuman ang sangkot doon sa kaso, siguro ma-lessen na lang ang mga taong nakikialam.

"Kung sino ang may problema, yun na lang po ang nag-aayos or, I mean, nagtatapat.

"Sana matapos na lang. It’s too much for Tita Nadz and too much for Ynna and too much for everybody.

"Yung mga nangyayaring problema ngayon, sana okay na lang."

Ano naman ang nararamdaman niya para kay Annabelle?

Sabi ni Mark, "Wala akong masasabi kay Tita Annabelle.

"I mean, personal problem po nila yun.

"It’s a mother to mother problem... it’s a manager to manager problem.

"It’s a personal thing na ako po talaga, ayoko pong magbitaw ng salita or kung anuman.

"I respect them all at sana po, I mean, maayos nila or kung anumang puwedeng gawin para maging okay na lahat."

Umaasa si Mark na maayos na lahat.

"Actually, nagsisimula pa lang ang kaso, yun na po ang winish ko na sana, matapos na ang kaso or problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang nakikita niya ngayon kay Ynna kumpara noong wala pa itong mga ganitong isyu o kaso?

"Si Ynna, mas tumutulong sa kanya ’to para mas maging mature.

"At the same time, she’s a very strong person eventhough nakikita kong naapektuhan siya behind that.

"Pero napakatatag ni Ynna for her age, para protektahan yung parents niya, sarili niya, family niya.

"I’m very proud of her," sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN