Christian Bautista on his present lovelife: "Parang magaan. Merong tao na palaging nag-aalala, nag-iisip sa ’yo."

Christian Baustita on his 10th anniversary in showbiz: "Hindi ko po ini-expect na maging ganito, to stay long in the industry. But somehow, God willing, binibigyan Niya ako ng maraming opportunities kahit maraming setbacks, meron pa rin mga opportunities. Laban pa rin, laban!"


Handog ni Christian Bautista para sa kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz ang music album niyang First Class: Outbound Expanded Edition na ni-release ng Universal Records.

Ang album ay naglalaman ng siyam na bagong kanta, lima mula sa original Outbound, at revival recording ng mga una niyang hits na "Hands To Heaven" at "The Way You Look At Me."

Sa loob ng sampung taon buhat nang nagsimula siya sa Star In A Million, nakilala si Christian, hindi lang dito sa bansa, kundi maituturing din siyang isang "Asiansation" lalo na sa mga bansang Indonesia at Malaysia.

Ngayon naman, umiikot na rin sa iba’t ibang bansa ang kanyang Kitchen Musical TV series.

ONE DECADE. Sa album launching niya sa 55 Events Place kahapon, February 28, ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Christian ay kung ano ang pakiramdam na umabot na rin siya ng isang dekada sa showbiz?

"Oo nga, e... Hindi ko nga alam kung ia-announce ko—nakakatanda yata!" natatawang sabi niya.

"Pero one decade na pala, so it’s because of the fans, it’s because of you guys.

"It’s because of the support ng ibang tao. Stages... Universal, kaya po I’m still alive.

"Very happy to be here po."

Sa sampung taon, anu-ano ang mga naging realization din sa kanya?

"Hindi ko po ini-expect na maging ganito, to stay long in the industry.

"But somehow, God willing, binibigyan Niya ako ng maraming opportunities kahit maraming setbacks, meron pa rin mga opportunities.

"Laban pa rin, laban!

"And I love what I’m doing.

"As long as may tao po, may fans, kakanta po ako para sa kanila."

CHRISTIAN ON PIRACY. Sa kabila ng napakadalang na ngayon ang umaabot ng kahit gold record, si Christian ay naka-apat na beses nang naka-platinum para sa Jose Mari Chan album niya at ang Outbound naman ay nag-gold record na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang pakiramdam niya na sa kabila ng piracy ay tinatangkilik at binibili pa rin ang kanyang mga album?

Sabi ni Christian, "Marami pong factor ngayon para maging relevant ang isang album.

"Ito po, kesa mag-shrink tayo, matakot tayo sa piracy, maglabas tayo ng isang ganito.

"Maglabas tayo ng isang produkto na talagang magugustuhan at bibilhin ng isang tao.

"So, yun po ang direksiyon namin."

COLLABORATION. Ano ang pagkakaiba ng Outbound Expanded Edition sa mga nauna niyang album?

"Eto, back to original. Maraming originals. Meron pa rin covers.

"Maraming collaborations with Angeline Quinto, KC Concepcion, Sam Concepcion, si Baby M, Neocolours, Zia Quizon...

"Ni-remake ko yung ’The Way You Look At Me,’ ’Hands To Heaven.’

"Tapos, ang daming pictures. Talagang collector’s item siya.

"Talagang pinaghirapan ko, personally."

Paano niya idi-differentiate ang pakikipag-collaborate niya kina KC, Angeline, at Zia?

"Si Zia, ang ganda ng boses niya, ang ganda ng quality.

"Sabi ko, ’Kapag ire-remake ko ang ’Hands To Heaven,’ kailangan duet ’to.’

"Ang gusto ko duet. Sino ba ang perfect?... Si Zia—super-galing!

"Tapos of course, si KC is a friend of mine as well.

"Matagal na naming pinag-usapan ’to na KC, ’Duet naman tayo.’

"Gusto ko nga theater sana. Sumakto, meron akong song.

"Sabi ko, ’okay ba sa ’yo?’ Pumayag siya.

"Si Angeline, of course, nagsimula kami sa Star Power. ’Tapos last year pa ’to.

"Sabi ko, ’Gusto kong i-duet ang ’In Love With You,’ no matter what.’

"Tapos, naghahanap kami kung sino ang perfect na kayang i-match ang Regine Velasquez and... Angeline Quinto."

NEW GIRLFRIEND. This time, open na rin si Christian sa relasyon nila ng co-star niya sa The Kitchen Musical na si Carla Dunareanu, isang Chinese-Romanian from Singapore.

Umamin na nga si Christian na mismong noong Valentine’s Day officially ay sila na nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng singer, "Sa Kitchen Musical kami nagkakilala.

"Siyempre, co-worker muna kami hanggang sa maging magkaibigan kami.

"And then, eventually, nagustuhan namin ang isa’t isa and now, we’re together.

"Ang ganda ng istorya.

"I’m very happy that she’s here.

"Of course, she’s watching yung show namin ni Karylle bukas with my family."

Sa kanyang album launch, nandoon din si Carla, at ipinakilala na rin daw ni Christian ang girlfriend sa kanyang pamilya.

"Yes, nakilala na niya ang mom ko, dad ko, my family; at nakilala ko na rin ang mom niya, sister niya—so far, so good."

Ano ang nakita niya kay Carla para masabi niya sa sarili na sa pagkakataong ito, gusto na niyang mag-commit?

"Yung ma-feel mo ang hinahanap mo na akala mo hindi mo hinahanap, na hindi mo gusto."

Ipinagdadasal ba niyang si Carla na "the one" para sa kanya?

"I always pray na in any relationship, sana mag-work na she will be the one.

"I hope she will be the one. But of course, God only knows.

"Step by step... dapat hindi madaliin."

Two years din daw naging single at walang lovelife si Christian. Kaya kinamusta namin siya kung ano ang difference ngayong may girlfriend na siya?

"Ang laki pala ng difference, ’no? Ang saya pala!

"Parang magaan. Merong tao na palaging nag-aalala, nag-iisip sa ’yo," sabi niya.

LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Sinasabi ni Christian noon na mahirap magkaroon ng relasyon na long-distance. So, how come na ganito ang set-up nila ngayon ng kanyang girlfriend?

"Sometimes, hindi mo ine-expect, e," nakangiting sabi ni Christian.

"Yung mga ganitong bagay, noong nakilala ko siya, ang bait niyang tao.

"Nako-compliment niya ako. Ako ang medyo seryoso, siya yung medyo funny.

"She loves family, God.

"At kahit long-distance, we make it work.

"Ayoko noong una ng long-distance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero bakit with this girl, gusto kong ibahin yung perception ko ng long-distance?"

Sa Singapore naka-base ang girlfriend niya. Kaya tinanong namin si Christian kung napag-uusapan na ba nila ang future o set-up nila?

"Yun nga, kung may mahahanap akong trabaho sa kanya, she’s willing to explore work dito sa Pilipinas.

"Currently, naghahanap ako ng job.

"Kasi, she’s an actress, dancer, host. She can do anything," sabi niya.

Biro namin kay Christian, hindi lang pala siya boyfriend, parang manager at agent na rin siya nito?

"Parang ganoon, pagkakitaan na rin natin!

"Hindi, joke lang!" natatawa niyang sabi.

OBER THE BAKOD? May usap-usapan na lilipat na si Christian sa TV5. Ayon pa sa report, siya raw ang host ng bubuksang singing search ng Kapatid network, ang Kanta Pilipinas.

Pero paglilinaw ni Christian, "Ang status kasi, siyempre hanggang August ako sa ABS-CBN.

"I’m under contract so I will fulfill all my obligations to ABS until August.

"’Tapos, siyempre, after August, magkakaroon tayo ng negotiation.

"I am open to any offers.

"As an artist, siyempre ire-review natin kung ano ang offer ng ABS... kung ano ang offer ng TV5.

"At the end of the day, we are artists, looking for a home that will provide for us.

"So, kung ano po ang channel na magbigay po talaga ng magandang future and of course sa career, doon po tayo."

Posibleng iwan na niya ang Kapamilya network?

"Wala po akong sinasabi. Ang sinasabi ko po, may offer po.

"By August po, magre-review po tayo ulit.

"Kung may offer ang ABS, tingnan po natin.

"Kung may offer po ang TV5 or 7, tingnan po natin."

Ano ang mas matimbang sa puso niya, saan siya?

"Right now po, wala pa. Matagal pa, e.

"So, through the months po, siyempre magri-research.

"Titingnan yung direksiyon ng career, saan pupunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap sabihin sa ngayon."

Dahil dito, posibleng pag-isipan siya na hindi siya masaya sa home network niya ngayon.

Sagot naman niya, "Malalaman po natin ’yan, of course, at the end.

"Ang nakakatawa, hindi lang ako. Ang dami kong nababasa sa mga diyaryo... many artists, merong mga hinaing.

"Hindi lang naman ako. So, okay.

"It’s hard for a channel, ha?

"Hindi ko sinasabi na if I was ABS-CBN or GMA, mahirap ’yan kasi ang dami mong artists. Mahirap talaga.

"Pero still, as an artist, kailangan ipaglaban mo ang presence mo.

"So, mahirap talaga."

Kung sakaling isang show ng TV5 ay kasama si Sharon Cuneta, tatanggapin niya?

"Narinig ko nga yun, pero hindi ko pa na-confirm.

"So, kailangan i-confirm ko pa kung ano talaga."

Open naman siya kung sakali?

"I’m open po sa lahat ng possibilities," sagot ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN