Polo Ravales sees himself married and having a child in "less than five years"

Polo Ravales recalls his early showbiz days when he was starting with co-actor Dingdong Dantes: "Well actually, nagkaroon naman tayo... ng alam mo yun, naging hot stuff ako before. Yun nga lang, medyo mabilis lang nung time na yun. Hindi siya gaanong tumagal. Part of it maybe talagang kasalanan ko... maybe. Nagkaroon ako ng mga bad reputation, alam mo yun?"


Kasama si Polo Ravales sa cast ng bagong afternoon soap ng GMA-7 na Hiram Na Puso. Ngunit bago ito, halos apat na buwan siyang nabakante sa telebisyon pagkatapos ng huling proyekto niyang Sinner or Saint.

Pero ayon sa aktor, naging productive naman ang kanyang pahinga.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Meron kasi akong itinayong restaurant sa BF Parañaque—yung Mandarin Palace.

"Chinese restaurant siya, part-owner ako, lima kaming mga may-ari.

"Actually nag-soft opening pa lang, siguro nakaka-two months pa lang, so wala pang grand opening."

Nakapanayam ng PEP si Polo noong Martes, February 28, sa presscon ng Hiram Na Puso sa Studio 7 ng GMA Network.

Bakit restaurant ang naisipan niyang business?

"Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng restaurant and wala, feeling ko kasi, kailangan siya ng tao, necessity siya, so talagang kakain at kakain ang mga tao."

Mabuti at hindi siya nadala dahil nagtayo na sila dati ng bar ng ilang showbiz friends niya na nagsara naman agad.

Sa restaurant, ilang milyon ba ang naging investment niya?

"Wala, wala!" ang tumatawang sagot ni Polo.

"Medyo mahal yung restaurant... medyo mahal."

"Yung bar kasi, parang trial lang naman yun, e.

"’Tsaka ang nangyari sa bar na yun, parang naging tambayan siya— kami-kami lang din.

"So, parang doon ko nalaman na dapat ’pag magbi-business ka, talagang dapat pure business, hindi siya laru-laro lang."

Nag-aral ba si Polo ng Culinary bilang restaurant ang negosyo niya?

"Hindi, mahilig lang akong kumain, e," sagot niya.

"College classmate ko sa UST yung kasosyo ko. Pero that time, bata pa lang sila, yun na talaga ang business nila.

"So, nagtayo ng panibagong branch, doon ako sumosyo.

"So, matagal na nilang business iyon."

LATEST TV SHOW. Sa Hiram Na Puso, mabait ang role ni Polo bilang si Dennis.

"Mabait pero nagiging salbahe ako dahil kay Mark [Herras].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mag-best friend kami ni Kris [Bernal], pero hindi alam ni Kris na may gusto ako sa kanya," paglalarawan niya sa kanyang karakter.

Ipapalabas na ang Hiram na Puso sa Lunes, March 5 kapalit ng Kokak.

LOVELIFE? May lovelife si Polo ngayon with a non-showbiz girl.

"Okay naman, tahimik. More than a year na.

"Pilipina, before FA [flight attendant] siya sa Qatar Airways.

"Ngayon, may business sila ngayon, e.

"Seafood yung business nila. ’Tsaka kasosyo rin siya sa restaurant," banggit niya.

Hindi pa raw nila pinagpaplanuhan ang pagpapakasal.

"Naiisip ko siya, pero hindi ko pa siya gusto," sabi ng aktor, na ang tinutukoy ay ang pagpapakasal.

"Siguro, I’m sure naman less than five years, malamang may anak na ako, may asawa na ako—less than five years, pero not now.

"Pero darating naman yun."

DINGDONG DANTES. Kasabayan ni Polo sa showbiz si Dingdong Dantes noong inlunsad sila ng Viva Films; kasama sina Dino Guevarra, Antoinette Taus, Kim delos Santos, at Sunshine Dizon.

Sa kanilang batch ay si Dingdong ang masasabing sumikat nang husto. Kaya tinanong namin si Polo kung hindi ba siya naiinggit kay Dingdong.

"Well, actually, nagkaroon naman tayo... ng alam mo yun, naging hot stuff ako before.

"Yun nga lang, medyo mabilis lang nung time na yun. Hindi siya gaanong tumagal.

"Part of it maybe talagang kasalanan ko... maybe.

"Nagkaroon ako ng mga bad reputation, alam mo yun?

"I mean yung mga past girlfriends ko, I mean, siguro hindi ko lang siya na-handle nang mabuti," sagot ni Polo.

Sinong past girlfriends ang tinutukoy niya?

"Huwag na, huwag na lang!" sabay tawa ni Polo.

Pero dagdag niya, "Maybe ha, maybe nakaapekto yun.

"Pero ’yon, naranasan ko naman kahit papaano yung naging lead ako sa Maging Akin Ka Lamang, naging endorser ako ng Folded & Hung.

"Siguro siyempre minsan, naiisip ko pa rin sana na-prolong ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, ang mas iniisip ko dapat, maging magaling ako na artista.

"Iyon yung pinaka-iniisip ko, iyon ang talagang pinaghihirapan ko ngayon—kung paano maging magaling na aktor."

SHOWBIZ PLANS. Si Manny Valera ang manager ni Polo na nagha-handle ng kanyang activities. Inamin naman ni Polo na na-offer-an siya ng TV5 through Manny.

"Yes, that was before Sinner Or Saint.

"Actually, nalaman ko na lang, e.

"Nalaman ko na lang na kinukuha ako pero siya [Direk Manny] na yung tumanggi.

"At saka siya rin ang kausap."

Kung si Polo ang diretsong kinausap, lilipat ba siya sa Singko?

Aniya, "Baka hindi.

"Hindi naman ako pinapabayaan ng GMA.

"Maganda ang mga projects na binibigay nila sa akin."

Hindi naman daw siya nainip kahit medyo matagal ang pagitan between Sinner or Saint and Panday Kids.

"’Tapos after Panday Kids, nag-guest-guest ako.

"’Tapos yung Sinner or Saint na."

At sumunod na nga itong Hiram Na Puso.

"Ngayon naman, maganda yung pinirmahan kong kontrata and hindi naman ako mababakante."

Two-year guaranteed contract ang pinirmahan ni Polo sa GMA-7 nitong January 2012.

"And yung mga roles naman na ibinibigay sa akin, magaganda.

"Ang going back to your question about Dingdong, siyempre masaya ako para sa kanya.

"Maybe one day, magkaroon ako ng magandang project and magandang-magandang role na puwedeng maging lead ulit ako."

SEXY OR GAY ROLES. Hindi ba siya nagsisisi na tumanggap siya ng sexy roles dati?

"Nakakaapekto ba siya? Actually, hindi ko alam, pero hindi ko siya pinagsisihan," sabi niya.

Payag siya ulit sa mga daring roles?

"Depende sa project, sa ka-partner ko, pero yung sa mga gay movies, yun nga, yung last ko na yun, yung Walang Kawala."

So ayaw na niya ng gay movies?

"Hindi na siguro.

"Or mahirap magsalita, baka.

"Depende, hindi mo masasabi," sabi ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN