Lani Mercado prays for husband Bong Revilla's release now that Duterte won the election

May 16, 2016
<p>Bacoor, Cavite Congresswoman and now mayor-elect Lani Mercado holds to presumptive-president Rodrigo Duterte's statement that he will let detained Senator Bong Revilla out on bail.</p>

Sa May 28 ay isi-celebrate ng mag-asawang Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado ang kanilang 30th wedding anniversary.

Pinag-iisipan daw nila kung magkakaroon ba ng renewal of vows sa kanilang pearl wedding anniversary.

“I have two weeks to prepare. It’s going to be simple, dito lang siyempre hindi naman siya puwedeng lumabas,” pakli ng actress-politician nang sandaling makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) namin kahapon, May 15 sa custodial section ng Camp Crame, kung saan naka-detain pa rin si Sen. Bong.

Ang dami na raw nilang pinagdaanan pagkatapos nilang ipinagdiwang ang kanilang silver (25th) wedding anniversary nang magkaroon sila ng renewal of vows sa Shrine of St. Therese of Child Jesus sa Pasay City. Kaya kailangan lang daw nilang ipagdiwang ang pantatlumpung taon nilang pagsasama.

“Mabuti na yung i-celebrate namin yung 30, at may mga nagsasabi nga sa aming kunin naming ninong ang President-elect Rodrigo Duterte, kasi DU30. Pero wala pang kasiguraduhan yun kung mag-renewal of vows kami,” natatawang sagot sa amin ni Lani.

Continue reading below ↓

 

PRAYING FOR BONG'S RELEASE. Masaya rin si Cong. Lani sa pagkapanalo ni Davao Mayor Duterte, kahit si Sen. Grace Poe ang ikinampanya nila sa Cavite. Naging kaibigan naman daw nila ang presumptive-president.

Naalala pa niyang sa lahat ng mga presidentiables, si Mayor Duterte lang ang nagsabing palalabasin niya sina Sen. Bong, Sen. Jinggoy, at pati nga ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaya ipinagdarasal daw nilang mapagbigyan daw silang makapagpiyansa para makamit naman daw ni Sen. Bong ang pansamantala nitong kalayaan.

“We’re praying for that kasi si Mayor Duterte has openly mentioned that.

“Sa lahat na kandidato, ang open na nag-mention na kapag siya ang naging presidente bibigyan ng pagkakataong makapag-bail si Sen. Bong, si Sen. Jinggoy, and I think pati si GMA. Sinabi niya yun,” dagdag na pahayag ni Cong. Lani Mercado.

Kung matutuloy raw ito, iyon na raw ang the best gift na matatanggap nila sa kanilang wedding anniversary.

Continue reading below ↓

“That’s the best gift sana,” napapangiting pakli ni Lani.

INCOMING MAYOR. Sa ngayon ay magpu-focus na muna si Lani sa bagong responsibilidad niya bilang mayor ng Bacoor. Sa June 30 ay sisimulan na niya ang bagong tungkulin pagkatapos ng kanyang panunumpa bilang Bacoor mayor.

Kaya mukhang malabo na raw na makabalik siya sa pag-aartista.

“Mas demanding kasi ang trabaho ng mayor,” pakli ni Lani.

“Puwede naman siguro guesting-guesting lang. Hindi ako puwedeng mag-maintain ng soap.

“Kaya ko siguro mag-guest. Huwag lang masyadong intense na every other day may taping o shooting,” saad pa niya.

Gusto raw niya kasing tuparin ang ipinangako niya sa mga constituent niya sa Bacoor nung nangampanya siya.

“May mga aayusin pa, e. We will fix our Bacoor district hospital. Nandun pa rin ang education, na ang pangako ko kasi sa kanila, I would like to have one college scholar per family.

“I hope I could achieve it in three years, yung facelift ng Bacoor,” saad ng bagong halal na alkalde ng Bacoor, Cavite.

Continue reading below ↓

 

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Bacoor, Cavite Congresswoman and now mayor-elect Lani Mercado holds to presumptive-president Rodrigo Duterte's statement that he will let detained Senator Bong Revilla out on bail.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results