Part 2 Snooky Serna finds peace, security in newfound religion; hopes rumors about Maricel Soriano are not true

Snooky Serna on how her "new" religion changed her life: "Above all else, we change because of God. Because God is upon us. Kung ako lang, hindi ko kaya. Ayaw kong magbida-bidahan. Hindi ko kaya, friend! Panay nga ang sabi ko, in the past, di ba? Na hindi ko na gagawin, pero gagawin uli [ang mga hindi dapat gawin]. Pero nu’ng binago ako ng Ama, ’dun na talaga ako nag-change.


Sa pagpapatuloy ng kuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Snooky Serna noong Martes, February 28, matapos nitong dumalo sa isinagawang Grand Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo (I.N.C.), sa Quirino Grandstand ng Luneta Park, masiglang inilahad pa rin niya ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

Kinumusta ng PEP ang kalagayan ng mga anak nila ni Ricardo Cepeda, sina Sam at Sachi, mula nang maghiwalay at ma-annul ang kasal ng mag-asawa.

Snooky and Ricardo separated in 2005 at napawalang-bisa ang kasal noong January 2006.

Sabi ng aktres, "Sam and Sachi are both okay. Mini-misyon na namin sila [para sa INC], sumasama na sila sa panalangin, sa family hour."

Ayon din kay Snooky, na naging aktibong kaanib ng Iglesia Ni Cristo mula noong isang taon, sina Sam at Sachi ay may kusang-loob na pagtugon sa iniaaral ng bagong relihiyon ng kanilang ina.

"They’re still Born-Again Christians, pero malapit na [maging INC baptized members] in due time," umaasang sambit niya.

Mahalaga para kay Snooky ang maakay rin niya sa bago niyang pananampalataya sa Iglesia Ni Cristo ang dalawang anak.

"Sana... sana," hiling ni Snooky.

Madalas daw ang pagkikita nila ng kaniyang mga anak, kahit hindi talaga sila nakatira sa kanya.

"Silang dalawa... si Sam, every day, nagkikita kami kasi sa La Salle siya nag-aaral, e. Sa Paco lang ako nakatira, sa River City condo.

"Si Sachi, from Thursday until Sunday morning, nasa akin.

"She used to live in Fort Bonifacio with my uncle and second brother Anton, kasi ang school niya, sa Montessori, is a firewall away from our house.

"Lalakarin lang niya, literally—lalabas lang siya ng gate.

"Kapitbahay namin yung school."

Sachi, now 16 years old, will be in first year college next year. Snooky hopes na magkasama ang magkapatid sa La Salle.

"Sam just turned 19. Tama, next year na pala magka-college si Sachi. My gosh... how time flies!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong kamukha ni Snooky ang dalawang daughters nila ni Ricardo, at parang kapatid lang ang mga ito ng kanilang actress-mom.

"I love it!" natawa si Snooky sa comment.

"Actually, mas kamukha ko si Sam, yung panganay."

RICARDO’S GIRLFRIEND. "Oo naman... alam ko na may girlfriend si Richard," sabi ni Snooky nang mabanggit ng PEP ang tungkol sa constant dates nina Ricardo Cepeda at dating model-beauty queen Marina Benipayo.

"Richard" pa rin ang tawag ni Cookie sa dating asawang actor-model.

"Yes, yes, they are... I don’t know... ganito... I don’t want it to come from me, kasi baka sabihin ni Richard, nagbi-bitter-bitter-an ako, di ba? At saka pinapangunahan ko siya.

"Baka awayin ako ni Richard.

"But I know about it."

Nagkaroon na ba ng pagkakataon na magkausap sila ni Marina?

"Hindi. Kasi, ang feeling ko naman, hindi na kailangan," sagot ni Snooky.

"Pointless naman. Kasi she’s not doing anything that is illegal or that is derogatory for me.

"Also, as far as I’m concerned, ha, yun na nga, annulled na naman kami ni Richard.

"So, Richard has all the right to be happy with whoever he wants to be with.

"Ako, I just wish them both well."

IN GOOD TERMS WITH SAM AND SACHI. Alam din daw ni Snooky na kasundo ng mga anak niya ang kasalukuyang nobya ng ex-husband niya.

"Actually, she [Marina] has a nice relationship with them," patotoo rin ni Snooky.

"Sachi and Sam know what’s good for them. yun ang mahalaga sa akin.

"Huwag lang naman maapi yung mga anak ko.

"Huwag lang makalimutang mahalin at asikasuhin."

Kung mayroong dalawang anak sina Snooky at Ricardo, si Marina at ang nakahiwalayang husband ay mayroon namang dalawang anak na lalaki.

"Nababaitan nga yung mga anak ko sa kanya [Marina], e," na lagi raw nakakakuwentuhan sina Sam at Sachi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course! Kasi ang relasyon namin ng mga anak ko, para kaming magkakapatid.

"So may-I-kuwento sila sa akin ng, ’Mommy, nagpunta kami ni Tita Marina sa ano... ganyan, ganyan...’"

"’O, okey naman ba siya [sa inyo]?

"’Opo, mabait naman si Tita Marina.’

"’Tapos magkukuwento sila kung anong ginawa nila, ganu]n—very casual.

"As if parang hindi ako naging asawa ng tatay nila!" natawa si Snooky.

CLOSER TO HER. Pabor naman sa set of parents nina Sam at Sachi na pantay ang pagtingin at pagbibigay-importansiya ng mga ito sa mga nais para sa kanila ng magulang.

"Ay, oo. Thank God!" pasalamat ni Snooky.

"Both naman, walang favoritism.

"I thank Richard, na hindi naman niya ipinagkakait na, bilang nanay nila, yung mga anak ko ay mas close sa akin.

"Binibigyan niya ako ng chance na alagaan din ang mga bata.

"’Tapos, yung faith din ng mga bata, yung sa choice of religion nila... open si Ricardo kung mag-decide ang mga bata na maging kapatid din [sa Iglesia Ni Cristo].

"Okey lang sa kanya."

MARICEL SORIANO. Outside of her family, nagsalita rin si Snooky tungkol sa kaibigang aktres na si Maricel Soriano.

Lately, hindi naging maganda ang mga usap-usapan tungkol sa Diamond Star.

"I hope it’s not true," sabi ni Snooky.

"And in the way that I know Maricel, I don’t think na totoo yun.

"Kasi, she loves herself so much—she’s a health buff!

"She loves her work, and her status, very much!

"Bakit niya sisirain yung level niya?"

Nagkita at nagkausap na ba sila ni Maricel lately?

"Alam mo, sa totoo lang, never ko [uli] siyang nakausap from the time that her mom died."

Ang tinutukoy ni Snooky ay ang pagyao ng mommy Linda Martinez Soriano ni Maricel noong July 2009.

"Simula nung time na ’yon, walang halong—masamang magsinungaling, ha?—hindi ko pa nakausap si Maricel after that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2008 nagkita sina Snooky at Maricel sa Star Awards for Movies ng PMPC at triumphant para kay Snooky ang event dahil nanalo siyang best supporting actress for Joven Tan’s Paupahan.

Maricel acted as one of the presentors at tuwang-tuwa ito para sa kaibigang aktres.

Pinansin pa raw ni Marya ang magandang kasuotan ni Snooky at ang mga suot na alahas.

Kuwento ni Snooky, "Sabi niya, ’Ganyan ang gusto kong makita sa ’yo, para hindi ka mukhang kawawa...’"

Kilala ni Snooky si Maricel sa pagiging supportive din nito sa mga kaibigan sa showbiz.

"Oo naman. Hindi naman siya fair-weather friend," wika ni Snooky.

Tulad sa sitwasyon ngayon ng kanyang mga anak, na layon ni Snooky na mai-guide din sa kanilang faith, ganun din ang nais niya para kay Maricel.

"Alam mo, yun ang pine-pray ko. Sabihin mang fanatic friend, pero yun din ang panalangin ko.

"Sabi ko nga, kung loloobin ng Ama, I know magba-bump into each other na lang kami [ni Maricel].

"But I hope it’s not anything morbid, like a funeral or anybody getting sick.

"Huwag naman. God forbid naman."

Buo ang pananampalataya ni Snooky na ang lahat ay may pagkakataong magbago sa panahong itinakda Niya.

"Above all else, we change because of God. Because God is upon us.

"Kung ako lang, hindi ko kaya. Ayaw kong magbida-bidahan. Hindi ko kaya, friend!

"Panay nga ang sabi ko, in the past, di ba, na hindi ko na gagawin, pero gagawin uli [ang mga hindi dapat gawin].

"Pero nung binago ako ng Ama, dun na talaga ako nag-change," pagtatapos ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN