Tween star Teejay Marquez reacts to Facebook and Twitter posts about his "death in car accident"

"Alas-tres ng madaling-araw nang kumalat yung balitang na-car accident daw ako at namatay. Bale sa Twitter at Facebook unang kumalat, ’tapos nagkalat na sa gimikan through text. Kaya na-flooded yung cell ko ng mga text messages na nagtatanong kung patay na nga ako. Dahil nga madaling-araw kaya tulog na tulog ako, hindi ko na namamalayan yung mga text at tawag sa akin. Nagising ako kasi kinatok ako sa kuwarto ng mga tita ko, na pumunta sa bahay nami


Hindi maiwasang kilabutan ng Kapuso tween star na si Teejay Marquez nang mapabalita sa Facebook at Twitter noong isang linggo na "namatay" siya sa isang "car accident."

Ayon kay Teejay, hindi niya akaling may taong gagawa sa kanya ng ganun na maging dahilan para mag-alala ang kanyang mga kaibigan, mahal sa buhay, lalo na ang kanyang ina na nagtatrabaho at matagal nang naninirahan sa Japan.

Kuwento ni Teejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang makausap namin siya sa GMA Compound, "Alas-tres ng madaling-araw nang kumalat yung balitang na-car accident daw ako at namatay.

"Bale sa Twitter at Facebook unang kumalat, ’tapos nagkalat na sa gimikan through text.

"Kaya na-flooded yung cell ko ng mga text messages na nagtatanong kung patay na nga ako.

"Dahil nga madaling-araw kaya tulog na tulog ako, hindi ko na namamalayan yung mga text at tawag sa akin.

"Nagising ako kasi kinatok ako sa kuwarto ng mga tita ko, na pumunta sa bahay namin ng madaling-araw para alamin kung totoong patay na nga ako.

"Pagkagising ko, nakita ko ang dami ng text at mssed call mula sa mga kaibigan, kamag-anak, at mommy ko na nasa Japan.

"Bale ang nakalagay sa Twitter at Facebook, ’Namatay si Teejay Marquez sa car accident kawawa naman.’

"Yun bale yung kumalat sa Twitter at Facebook.

"Kaya naman yung mga kaibigan ko na nabasa nag-text at tumawag, hanggang sa makarating na nga sa mga tita ko at sa mommy ko.

"Kaya naman kinilabutan talaga ako kasi hindi ko akalaing may taong gagawa sa akin ng ganyan!

"Akala nga ng mga tita ko, kaibigan, at mommy ko, totoo kasi hindi ako sumasagot sa text at tawag."

At agad ngang pinabulaanan ni Teejay ang kumalat na balita sa pamamagitan ng Twitter.

Ito ang mga sunud-sunod na tweets niya noong February 25:

"Car accident?? I’m not dead LOL"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HINDI PO AKO NA AKSIDENTE lalo na HINDI PO AKO PATAY.. Tssss"

"Again.. To stop The issue. I am not involved to a car accident, And I’m not Dead. Thank you for all your concerns. Leggo MoVE ON."

BAD JOKE. Ano ang ginawa ni Teejay nang mabasa niya yung mga message ng kaibigan at kamag-anak niya?

"Tinext ko sila, sinabi ko na hindi totoong patay ako. Buhay na buhay ako at natutulog sa kuwarto ko.

"’Tapos nag-post ako kaagad sa Twitter at Facebook na hindi pa ako patay, na buhay na buhay ako at natutulog sa kuwarto ko.

"’Tapos, tinawagan ko si Mommy kasi alalang-alala talaga siya.

"Niloloko nga ako ng ibang mga kaibigan ko na ka-level ko na daw yung ibang mga artista na pinapatay sa text at Internet, like Kuya German Moreno, Dolphy...

"Nung sinabi nga sa akin yun, hindi ko magawang tumawa kasi napakaseryoso nung ganung klaseng balita.

"Kasi maraming tao yung nag-alala dahil lang sa maling balita.

"Ayaw ko namang mapabalita ng ganun.

"Ibang balita na lang siguro, pero huwag yung balitang patay ka na.

"Sabi nga ng tita ko na mas hahaba pa daw yung buhay ko, kasi daw buhay pa ako, pinapatay na."

THE REAL ACCIDENT. Pero laking takot daw ni Teejay dahil pagkatapos ng balitang iyon, noong sumunod na araw, February 26, ay nabangga ang sinasakyan niyang taxi sa EDSA.

Ayon sa Tween Hearts mainstay, "Natakot ako kasi nag-flashback sa akin yung kumalat na balita na car accident yung dahilan ng pagkamatay ko.

"Grabe yung bangga sa likod ng taxi na sinasakyan namin papuntang Makati dahil may VTR ako for TVC.

"Mabuti na lang walang nasaktan sa amin ng kasama ko.

"May konting bugbog lang dahil sa lakas ng impact ng pagbangga sa sinasakyan namin... tumilapon ako sa front seat.

"Pero okey naman ako at yung kasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya naman after ng VTR, dumiretso ako sa Padre Pio at nagdasal."

THE CULPRIT. Na-trace niya ba kung sino ang nagpakalat ng hindi magandang birong ito sa kanya?

"Oo, yung account ng gumawa, bale si @iamPrinceMaa.

"Akala ko nga nung una fake account, pero totoong may account na ako."

Nagpadala ba siya ng mensahe sa taong gumawa nun?

"Oo, nag message ako sa kanya kung saan niya nabalitaan yung balitang na-car accident ako, pero hindi na nag-reply."

Sa tingin niya ba ay galing ito sa mga detractors niya?

"Ayaw ko namang isipin na ganun, kasi hindi natin alam kung nabalitaan lang din niya kaya siya nag-post ng ganoong mensahe sa Twitter.

"Pero if ever nga na isa siya sa detractors ko, bahala na sa kanya si Lord.

"Alam naman natin na kapag may ginawa kang hindi maganda sa kapwa mo, may balik ’yan—diyan siya matakot!"

May mensahe rin si Teejay sa taong nagkakalat ng hindi magandang balita sa kanya:

"Sana lang yung mga taong walang magawa na gumagawa ng ganitong klaseng biro, sana tigilan na nila, dahil hindi magandang biro ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN