Jake Cuenca on how beautiful Shaina Magdayao is to him: "Siya ang Scarlett Johansson ng Pilipinas."

Jake Cuenca on why he can’t court Shaina Magdayao: "Siguro wrong timing lang. Kasi mula nang magkatrabaho kami ni Shai [tawag niya kay Shaina], may girlfriend ako ’tapos nagka-boyfriend siya. Parang never kaming nag-abot na pareho kaming single. She’s an amazing woman and I guess every guy fantasizes to have a girl like Shaina."


Si Jake Cuenca ang isa sa mga artista ng Star Magic na mapapanood sa indie film na produced mismo ng talent-arm ng ABS-CBN para sa pagdiriwang ng kanilang 20th anniversary.

Nakausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa mismong shooting ng Anino sa Antipolo City kahapon, February 29.

Ginagampanan ni Jake ang papel ng isang facilitator ng mga nagre-retreat sa pelikulang ito na idinidirek ni Rahyan Carlos.

Kuwento ng young actor, "Special project ito ng Star Magic para sa workshoppers.

"Pinakiusapan din ako ni Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic] to do it.

"Si Direk Rahyan Carlos, naalala ko noong nasa kabila [GMA-7] pa ako, doon din ako nagsimula as a workshopper.

"That time, may special project din na ginawa si Direk Rahyan kung saan ang ka-partner ko naman noon si Chynna Ortaleza.

"Parang first time ko yun na matikman na maging bida dahil kay Direk Rahyan.

"Kaya noong inalok sa akin ni Mr. M ’to, sobrang na-appreciate ko rin ang passion ng workshoppers, kasi nga, I myself is a workshopper.

"Pumayag ako to do it kasi ano lang naman siya, three days lang and with Direk Rahyan Carlos pa.

"How could I say no?"

Ang Anino ay ipapalabas din daw sa mainstream cinemas sa March 19.

Ayon pa kay Jake, bukod sa kanya ay kasama rin sa Anino ang ibang Star Magic talents ’tulad nina Dimples Romana, Yeng Constantino, at Jodi Sta. Maria.

Pero ang masasabi raw nilang bida talaga sa pelikula ay ang mga workshoppers.

Ani Jake, "Marami kaming mga artista na nag-cameo.

"Although kahit three days lang ang shooting ko, yung character ko, nagtatahi-tahi as Mr. Paradiso.

"Yung mga workshoppers, nagulat ako kasi magagaling sila.

"Hindi na kailangang mag-actor’s cue. Nakakagulat din ang enthusiasm nila na umarte, gumawa ng pelikula."

Dagdag pa niya, "Flattered ako na ako ang napili ni Mr. M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, ang mga ganitong oportunidad, isa na rin siguro ito sa mga pasasalamat na gusto kong iparating kay Mr. M.

"Kasi, sobrang bait niya sa amin, sa mga artista. Parang tatay siya sa aming lahat.

"So, kapag si Mr. M ang humingi, hindi ka talaga hihindi.

"Kasi minsan ka lang naman magkaroon ng oportunidad na magpasalamat sa kanya."

DOHA. Patuloy ang pagti-taping ni Jake ng Kung Ako’y Iiwan Mo, ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na pinagtatambalan nila ni Shaina Magdayao.

Ayon sa actor, 70 percent ng mapapanood sa serye ay kinuhanan talaga sa Doha, Qatar.

"Makikita n’yo talaga ang kagandahan ng Doha, Dubai, Middle East.

"Siguro ngayon, naghahanap na lang din ang management kung kailan ang tamang timing para umere."

Tapos na raw nilang i-tape ang scenes nila sa Doha at puro sa Pilipinas na lang ang ilang scenes pa na tinatapos nila.

Sabi pa ni Jake, "Napakahirap mag-taping do’n. Mahal mag-taping do’n.

"Ngayon ko pa lang sinasabi, this is one of the hardest things I’ve ever had to do.

"Sobrang istrikto. Ang daming patakaran.

"Kilala n’yo naman ang personality ko, sobrang free-willed.

"Malambing ako lalo na sa mga kaibigan ko. Doon, hindi puwede. Sobrang hirap.

"Hindi talaga siya naging bakasyon. As in every day kaming nagtatrabaho.

"Pagdating ng last day, talagang sobrang latang-lata kami."

So, "pigil" pala siya sa Doha?

"More or less ang character ko, iniwan ko talaga si Jake sa Pilipinas.

"Nakatulong din.

"Parang yung MMK [Maalalala Mo Kaya] na nag-Barcelona ako, iniwan ko na lang ang pagkatao ko dito sa Pilipinas."

SHAINA MAGDAYAO. Puring-puri naman ni Jake ang kanyang leading lady sa Kung Ako’y Iiwan Mo na si Shaina Magdayao.

"I’ve said it in a couple of interviews, sobrang honored ako working with her.

"I’m so proud of her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Finally, she’s a woman. Hindi na siya yung Shaina na we all know noong bata. Ibang-iba na siya.

"Feeling ko, magugulat talaga kayo. Kung paano siya naging palaban at kung paano rin niya sineryoso ang mga intimate scenes namin.

"Si Shaina, nakatrabaho ko na siya at sa mga projects namin, we weren’t able to do scenes like that.

"Siyempre, she’s not comfortable. Pero with this project, parang nag-u-ooze ang confidence niya.

"Nakikita mo talaga na lumalabas talaga ang passion niya.

"Siguro parang nag-plus-plus din ang mga experiences niya."

Kung hindi boyfriend ni Shaina si John Lloyd Cruz, posible bang ligawan niya ang dalaga?

Natawang tugon ni Jake, "Kaibigan ko si John Lloyd!

"Siguro wrong timing lang.

"Kasi, mula nang magkatrabaho kami ni Shai [tawag niya kay Shaina], may girlfriend ako, ’tapos nagka-boyfriend siya.

"Parang never kaming nag-abot na pareho kaming single.

"She’s an amazing woman and I guess every guy fantasizes to have a girl like Shaina.

"Kasi, sobrang empowered siya. Now, she’s very independent.

"Sobrang ganda niya.

"Para sa akin, siya ang Scarlett Johansson ng Pilipinas," paghahambing niya sa kanyang leading lady sa binanggit niyang Hollywood actress.

Bakit punung-puno siya ng papuri ngayon kay Shaina?

"Hindi!" natatawang sabi niya. "Para sa akin, John Lloyd is a good friend of mine.

"Si Shai and John Lloyd are good friends of mine."

ACTING NOMINATION. Masaya rin si Jake dahil nominado siya sa Star Awards for Movies bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang In The Name of Love.

(CLICK HERE to view full list of nominees.)

Ayon kay Jake, "Maraming salamat sa PMPC [Philippine Movie Press Clusb] kasi sobrang special sa akin ng nominasyon na ito.

"At talagang pinaghirapan ni Direk Olive [Lamasan] ang pelikulang yun.

"Di ba, sabi n’yo nga, may mga times na akala n’yo, wala na? Hindi na matutuloy ang pelikula kasi ang tagal naming nagsu-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, sobrang special sa akin ng nomination na ito kasi first nomination ko sa PMPC. First time kong ma-nominate."

Nag-e-expect ba siyang mananalo?

"Nagdarasal ako. Nagdarasal ako.

"Kasi kahit anong mangyari, yung mga kasama ko... yung ibang nominees, sobrang mga idol ko yun.

"Like Tirso Cruz III, Phillip Salvador...

"Lalo na si Kuya Ipe [Phillip], yun talaga, I pegged myself to him. Idol ko talaga siya.

"At saka si Dennis Trillo din, nominee din, best friend ko.

"Tight [competition], pero magdarasal ako. I really pray, sana."

EX-GIRLFRIEND. Wala raw girlfriend ngayon si Jake ngayon.

"Sabi ko nga, hindi mahirap maging single kasi nandito ang pamilya ko.

"Marami naman akong pinasasalamatan ’tulad ng nomination, magagandang proyekto.

"Right now, in character lang din ako kaya nagpapayat lang din ako."

Gaano katahimik ang lovelife niya mula noong mag-break sila ni Melissa Ricks?

"May mga dating-dating, pero nothing too serious.

"Seryoso muna ako sa pamilya ko at sa trabaho. Maiba naman!" natawa niyang sabi.

Bakit apektado pa rin daw si Melissa noong tinuksu-tukso sila nina Billy Crawford at Nikki Gil sa ASAP?

Sabi ni Jake, "Yung nangyari sa amin sa ASAP, for me naman... like I’ve said, sana one day we’ll become friends.

"When she’s ready, I’ll be there to be her friend.

"But right now, I’m really proud of her as well. Ang ganda ng soap nila, yung Walang Hanggan.

"So congratulations for that...to Coco [Martin], Julia [Montes]."

Hindi pa rin talaga sila nag-uusap ni Melissa?

"Hindi pa, hindi pa talaga. Ang huli rin naman naming nagkita yung ASAP pa. "

Noong January pa nangyari ang birthday celebration nila ni Melissa sa ASAP, kung saan nabalita ang pag-iyak ng young actress sa sorpresang pinagsabay silang tawagin sa stage.

Pero sa parte ni Jake, ano ang naramdaman niya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, medyo nagtampo ako sa ASAP talaga.

"Like what I said in one interview, kung magkakaayos kami [ni Melissa], siguro we’ll do it on our time.

"Hindi porke’t nasa live TV kami, maaayos na ang problema namin. No.

"Obviously, she’s not ready and huwag na nating pilitin.

"Siyempre, I found out, she cried afterwards.

"So, medyo ang bigat din ng loob ko when I left for Doha kasi yun ang iniwan ko.

"I think, that was the day before I left pa."

Dugtong pa niya, "At saka birthday pa. Parang birthday pa naming dalawa. It was sad.

"Pero nakausap ko naman ang ASAP staff. Siyempre, I’ve been doing ASAP for five years, so hindi rin daw nila alam.

"I can’t blame them. Akala rin daw nila, okay kami.

"Pero yun nga, kung magkakaayos kami, we’ll do it in our time.

"Better if we do it in person and not on TV. Hindi naman kailangan ng camera para magkaayos kami."

Kung si Melissa ay umiyak dahil sa kanya, siya ba umiyak din for Melissa?

"Oo naman. That was two great years of my life that I spent with her.

"You know, two years is two years at hindi ko makakalimutan yun nang ganun-gano’n lang.

"Siyempre, while I’m single now, hinahanda ko na rin ang sarili ko sa proseso for my next relationship.

"For me, hopefully, yung susunod na babaeng makakapiling ko, yun na yun sana," saad ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN