Vandolph says dad Dolphy is "doing good now"; understands Zsa Zsa Padilla's breakdown

by Kathleen Benavidez
Mar 1, 2012
Vandolph on Zsa Zsa Padilla's breakdown: “Siyempre kahit sino naman, e. Kahit ako naman, e nagiging emotional din kung minsan. Pero that’s forgotten na, e. Medyo okay na si Papa. Even ask Tita Zsa Zsa now.”

Nagbabalik-Kapamilya si Vandolph Quizon sa pamamagitan ng fantaseryeng Wako-Wako na pinagbibidahan ng child star na si Yogo Singh.

Sa presscon ng naturang programa ng ABS-CBN kaninang tanghali, March 1, sa 55 Events Place, Scout Rallos, Quezon City, ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ng Comedy King.

Gaganap si Vandolph dito bilang ama ni Yogo at asawa ni Gladys Reyes. Kasama rin nila sa cast sina Ai-Ai delas Alas at Dennis Padilla.

Ayon kay Vandolph, "Ang character natin sa Wako, masayahin na tatay pero strict sa anak.

"Pero andun pa rin yung touch ng comedy.

"Pero iba pa rin yung buhay na pinapakita natin sa Wako kaya maganda."

Sa totoong buhay ay dalawa na ang anak ni Vandolph at ng misis niyang si Jenny Salimao—sina Vito at Quira.

Kailan naman niya balak magkaanak ulit?

"Huwag muna, ipon muna tayo.

"Hindi naman tayo si Dolphy na puwedeng tayong sige lang, di ba?

Continue reading below ↓

"Abangan natin," sagot ni Vandolph.

DOLPHY'S CONDITION.Nabanggit na rin lamang ni Vandolph ang kanyang ama, kinumusta ng media sa kanya ang kalagayan ng Comedy King.

Noong una ay tila ayaw pag-usapan ni Vandolph ang isyu, ngunit hindi na rin siya nakaiwas.

Aniya, "Okay naman si Erpat ngayon, he's doing good now.

"I think si Tita Zsa Zsa nag-breakdown, e... kasi lahat naman kami talaga may dinadala, of course."

Ang tinutukoy ni Vandolph ay ang pag-iyak ng long-time partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa farewell presscon ng Budoy noong Martes, February 28, nang mapag-usapan ang kalusugan ng Comedy King.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon pa kay Vandolph, "Kasi hindi kami sanay na si Erpat, ganun.

"Pero he's doing good now.

"Kahapon nga... nung isang araw, bumisita kami ng mga kids ko.

"Nakikipagbiruan pa rin, he's still unchanged.

"Ano lang talaga, he's kind of old na, so medyo bawi lang ng bawi... konting bawi pa.

Continue reading below ↓

"So, babalik 'yan."

Twenty-three years nang nagsasama sina Zsa Zsa at Mang Dolphy kaya hindi maiwasan ng Divine Diva na maging emosyunal dahil sa pinagdadaanan ng Comedy King.

Sabi pa ni Vandolph, "Yeah, yeah... Siyempre kahit sino naman, e. Kahit ako naman, e, nagiging emotional din kung minsan.

"Pero that's forgotten na, e. Medyo okay na si Papa—even ask Tita Zsa Zsa now."

May iba pa bang maaaring naging dahilan ng pagbe-breakdown ni Zsa Zsa?

"Ayokong mag-comment about that, pero si Tita...

"Si Tita yung laging kasama ni Papa, e... siya yung nakaka-witness kung ano'ng nangyayari.

"Pero if you see my dad right now, he's okay naman.

"Siguro naipon-ipon lang yung ever since before, di ba?" sagot ni Vandolph.

Gaano kadalas niya nabibisita ang ama?

"Well, 'pag libre, nandun kami ng kids ko sa bahay niya.

"We still eat, we still talk, of course, like before," sagot ni Vandolph.

Nakasama ba niya ang ama noong Araw ng mga Puso?

Continue reading below ↓

"Nung Valentine's Day, kasama ko yung family ko sa Baguio.

"Pero I called him up... kasama naman yata niya si Tita Zsa Zsa and some of my sisters."

Sa July 25 ay ipagdiriwang ni Dolphy ang kanyang 84th birthday.

May inihahanda ba silang selebrasyon para sa kaarawan ng kanyang ama?

"Kailangan. Pinaghahandaan ni Tita [Zsa Zsa] 'yan. Pinaghahandaan namin 'yan," sabi ni Vandolph.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vandolph on Zsa Zsa Padilla's breakdown: “Siyempre kahit sino naman, e. Kahit ako naman, e nagiging emotional din kung minsan. Pero that’s forgotten na, e. Medyo okay na si Papa. Even ask Tita Zsa Zsa now.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results