Maria Isabel Lopez’s career blooms anew after Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown

Maria Isabel Lopez on her unforgettable "scenes" in Survivor Philippines: "Kaya yung pagtataray ko sa isla, nabanggit ko nga na hindi ko kasalanan kung mga has-been na ang mga nagagalit sa akin. Mga bata pa sila, wala na silang career, e, ako, may edad na pero nakakarating pa ako ng mga film festivals abroad. I still do movies at nananalo pa ako ng acting award! I’ve been an honest person sa kanila. The truth hurts, pe


Lumikha ng ingay si Maria Isabel Lopez nang maging isa siya sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Naging kapansin-pansin kasi ang kanyang pagiging karakter sa isla, hindi lamang sa mga manonood kung hindi sa mga nakasama rin niyang castaways. At mukhang dito nagkaroon ng panibagong sigla ang takbo ng kanyang showbiz career.

Matapos ng mga nakitang kaganapan sa Survivor Philippines, kasama na si Maribel (ang kanyang palayaw) sa primetime series ng GMA-7 na Legacy. Ginagampanan niya rito ang role ng ina ni Sid Lucero, na isa sa gustong pabagsakin ang business empire ni Eddie Garcia.

CONTINUING SHOWBIZ CAREER. Ipinagmamalaki ni Maribel na hindi naman daw namatay ang career niya sa showbiz. Nandiyan lang daw siya doing one indie movie after another.

Kasali pa nga siya sa cast ng award-winning film ni Brilliante Mendoza na Kinatay at magkasamang naglakad ang dalawa sa red carpet ng Cannes International Film Festival sa France.

"Siguro mas naging maingay lang ako ngayon, lalo na after Survivor Philippines," sabi ni Maribel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Legacy.

"I was working quietly naman.

"I did many indie movies at sa Kinatay nga, I even won an award [as best supporting actress at the Golden Screen Awards].

"Kaya yung pagtataray ko sa isla, nabanggit ko nga na hindi ko kasalanan kung mga has-been na ang mga nagagalit sa akin.

"Mga bata pa sila, wala na silang career, e, ako, may edad na pero nakakarating pa ako ng mga film festivals abroad.

"I still do movies at nananalo pa ako ng acting award!

"Totoo naman ang mga sinabi ko, di ba?

"I’ve been an honest person sa kanila.

"The truth hurts, pero kailangang tanggapin.

"There’s nothing wrong in being honest lalo na kung may pinaglalaban ka."

REAL SURVIVOR. Ayon kay Maribel, ang mga pinagdadaanan ngayon ng mga artista ay wala kumpara sa mga pinagdaanan niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Maribel that she went through hell noong nagsisimula pa lang siya. Pero dahil sa palaban siya, na-survive niya ang lahat ng mga iyon at ngayon ay maganda na ang buhay niya.

"Ever since naman, I’ve been the target of intrigues," pagtatapat niya.

"Noong sumali ako sa Binibining Pilipinas in 1982, and I won the crown to represent the country in the Miss Universe, ang dami kong natanggap na mga lait at pintas.

"But they never took back my crown.

"I won it fair and square.

"Natapos ko ang reign ko at hindi ako nag-quit or nag-backout or returned the crown.

"Hanggang ngayon naman, 30 years na ang nakalipas, still, inaapi pa rin ako ng mga tao sa organization na iyon.

"Okey lang naman. Basta ako, masaya ako sa buhay ko.

"I am happy in what life has given me."

BOLD MOVIES. Patuloy niya, "When I entered the movies, gano’n din.

"I got more controversial kasi nga ang mga movies na ginagawa ko was really bold.

"Yun ang trend noong ’80s, e, at marami akong ginawang mga gano’n.

"Hindi ko kinakahiya iyon kasi malaki ang kinita ko.

"All I wanted to do was work and work.

"Habang nagpa-party at nakikipagsosyalan ang mga kasabayan ko noon, ako tatlu-tatlo ang mga pelikulang ginagawa ko.

"Gusto kong makaipon at hindi maubos ang oras ko doing nothing."

Ilan sa bold movies na ginawa ni Maribel ay ang mga sumusunod: Silip, Isla, Hubo Sa Dilim, Mga Nakaw Na Sandali, at Hayok.

SETTLING DOWN. Dahil nga sa pagiging masipag ni Maribel, marami siyang naipundar na properties.

Noong naging maayos na ang buhay niya, tumigil na siya sa paggawa ng bold movies at nagdesisyon na siyang bumuo ng pamilya.

"Para ano pa na nagpakahirap ako sa pagpundar ng kabuhayan ko if I have no one to share it with, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya noong mahanap ko na ang lalake na magmamahal sa akin, iyon na simula ng bagong buhay for me.

"I was Mrs. Maria Isabel Lopez-Yokohama for so many years until naghiwalay kami ni Hiroshi.

"But he gave me two wonderful kids.

"Up to now naman, magkaibigan kami ng ex-husband ko.

"We still see each other lalo na kapag kailangan ng desisyon regarding our children.

"Laging kasama si Hiroshi sa mga nangyayari sa buhay ng mga anak namin."

SENSE OF VALUES. Puring-puri ni Maribel ang anak na si Mara Isabella "Mara" Yokohama dahil sa mga pangaral nito sa kanya.

Sabi nga ni Mara, hindi siya spoiled brat dahil pinaghihirapan niya ang anumang gamit na meron siya.

"That’s true. Never kong nai-spoil ’yang si Mara," pagsang-ayon ni Maribel.

"I always tell my kids that I came from nothing.

"Mahirap lang ako, pero nagsumikap ako to be successful in life.

"Walang imposible sa taong nangangarap.

"Kaya sinabi ko kay Mara na if she wants something, she has to work for it.

"Mas masarap kasi na magkaroon ka ng isang gamit na binili mo kasi pinagtrabahuan mo.

"That’s the true value of working and taking care of your earnings.

"Tulad noong first cell phone niya, she bought that out of her talent fees when she was part of Ang TV 2 sa ABS-CBN.

"Noong maging regular talent siya doon, lahat ng talent fees niya, iniipon niya and siya ang bumili ng mga gusto niya.

"Nakabili nga ’yan ng kotse dahil sa mga naipon niya.

"So, yung mga tinuro ko sa mga anak ko, dala nila ’yan parati.

EDUCATION. "I am proud of my kids kasi tutok din sila sa pag-aaral.

"I also told them about the value of education.

"Kailangan may matapos ka para hindi ka inaapi ng ibang tao.

"Tulad ko, nagsumikap ako to finish my college degree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I finished my Fine Arts course in the University of the Philippines.

"I am proud of Mara kasi at the age of 18 years old ay nakatapos na siya ng college.

"Accelerated siya parati and she took advance subjects kaya mabilis siyang natapos.

"Kaya si Mara, she can do what she wants with her life kasi nga tapos na siyang mag-aral.

"Now she’s enjoying her career in showbiz."

MARA’S LOVELIFE. Kinumpirma rin ni Maribel ang relasyon ni Mara sa fellow Survivor Philippines castaway at Philippine Volcanoes player na si Arnold Aninion.

"Ayaw lang nilang umamin pero sila na!" natatawang pagbuking ni Maribel.

"Lagi silang magkasama at parating nasa bahay si Arnold.

"Gustung-gusto ko ’yang si Arnie kasi he’s very respectful.

"At alam kong safe ang anak ko kapag magkasama sila.

"And I’ve never seen my daughter so happy.

"Hindi siya ganyan sa ibang guys, e. Kay Arnie lang.

"Kaya alam ko na they are good for one another."

CONFLICT WITH CO-STAR. Kumusta naman sila ni Carlo Gonzalez, ang nakaaway niya sa Survivor Philippines pero ngayon ay lovers sila sa Legacy?

Sabi ni Maribel, "I asked Carlo kung naka-move on na ba siya sa naging eksena namin sa isla.

"He said na okay na siya and kinalimutan na niya ’yon.

"Kaya okey naman ang pagtatrabaho namin with one another sa Legacy.

"Ako naman, professional ako.

"Ayokong may anumang makaabala sa trabaho ko.

"Kaya nga I want to make sure kay Carlo kung okay na ba siya to work with me.

"Ayoko kasi na awkward siya, e, lovers pa naman kami sa Legacy.

"Well so far, okey naman kami and wala namang problema.

"Kailangan ay professional tayong lahat and everything will be okay," pagtatapos ni Maribel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN