Filipino-Mexican Jessica Sanchez makes it in the Top 13 of American Idol Season 11

Sixteen-year-old Jessica Sanchez, who is half-Filipino, is one of the Top 13 contestants who will compete in this year’s American Idol.


Pasok sa Top 13 ng American Idol Season 11 ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez.

Sa semi-final round ay kinanta ni Jessica ang "Love You I Do" ng Idol alumna na si Jennifer Hudson.

Dahil sa kanyang mahusay na performance ay binigyan siya ng standing ovation ng audience—at maging ng tatlong judges na sina Randy Jackson, Jennifer Lopez, at Steven Tyler.

Ang 16-year-old lang na si Jessica lang ang nakakuha, among the female contestants, ng standing ovation mula sa judges.

Mula sa Top 25 semi-finalists, sampu ang pinili ng voters-ang top five males at top five females.

Tatlo naman ang pinili ng mga judges. Ang tatlong ito ang "wildcard" contestants.

Bukod kay Jessica, ang nakapasok sa Top 5 females ay sina Hollie Cavanagh, Shannon Magrane, Skyler Laine, at Elise Testone.

Sa mga lalaki naman, ang Top 5 ay sina Phillip Phillips, Joshua Ledet, Colton Dixon, Jermaine Jones, at ang Korean-American na si Heejun Han.

Mula sa eliminated contestants ay kumuha ng anim na magpe-perform at base rito ay pipili ang judges ng kanilang wildcard picks.

Ang anim na contestants na pinakanta muli ay sina Jen Hirsh, Jeremy Rosado, Brielle Von Hugel, Deandre Brackensick, Erika Van Pelt, at Reed Grimm.

Pagkatapos ng kanilang performance ay pumili na ang tatlong judges ng kanilang sariling choices.

Ang pinili nila ay sina Erika (para kay Randy), Jeremy (para kay JLo), at Deandre (para kay Steven).

Ang mga hindi naman nakapasok sa finals ay sina Adam Brock, Baylie Brown, Hallie Day, Eben Franckewitz, Creighton Fraker, Haley Johnsen, Chase Likens, Aaron Marcellus, at Chelsea Sorrell.

Sa loob ng 11 seasons ng American Idol ay marami nang Filipino-Americans ang nakapasok sa finals.

Ilan sa kanila ay sina Jasmine Trias, Camille Velasco, at Thia Megia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN