Kristoffer Martin on being paired with other stars aside from Joyce Ching: "’Wag muna sana."

"Wala pa naman sa aming sinasabing ganun. Pero kung totoo, sayang naman. Kasi maganda na yung working relationship namin ni Joyce dahil masyado na kaming kampante sa isa’t isa. Siguro ang unang malulungkot yung mga loyal fans namin dahil sila talaga yung walang sawang sumusuporta sa amin ni Joyce. Kung ilang beses ngayong nag-trending yung loveteam namin sa Twitter na gawa ng mga solid fans namin. Kaya alam kong sila yung mas maaapektuhan ’pag nangyari yun,"


Sobrang saya ng Kapuso tween star na si Kristoffer Martin dahil nominado siya sa kategoryang New Movie Actor of the Year para sa pelikulang Tween Academy Class of 2012 sa 28th Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Gaganapin ang awards night sa March 14, 2012 sa Meralco Theater.

Kuwento ni Kristoffer, "Nung makarating sa akin yung balita na nominado ako sa Star Awards For Movies, sobrang ’i talaga ako makapaniwala.

"Hindi kasi ganun kahaba yung role ko sa Tween Academy.

"Kaya nga sabi ko sa handler ko na si Kuya Edz [dela Cruz of GMA Artist Center] na paki-double check kung kasama talaga ako.

"At yun nga, pinakita nila sa akin na nandun yung pangalan ko kaya naniwala na ako."

Patuloy niya, "Sobrang happy ako kasi first movie ko yun, ’tapos na-nominate ako.

"Para sa aming artista kasi, yung mapansin yung acting mo sa trabahong ginawa mo, malaking bagay na.

"’Pag may nagsabing magaling ka at nagampanan mo nang buong husay yung role na binigay sa ’yo... E, ano pa kaya kung na-nominate ka sa trabahong ginawa mo?

"Sobrang thankful na ako dun.

"Excited na nga akong um-attend sa March 14. Sabi ko nga sa sarili ko, manalo-matalo, okay lang.

"Kasi nominasyon pa lang, malaking bagay na para sa katulad kong artista.

"Pero iba siyempre ’pag nanalo ka, kumbaga, bonus na yun sa ’yo."

MOST LIKELY TO WIN? Makakalaban ni Kristoffer sa kategoryang New Movie Actor of the Year ang kasamahan niya sa Tween Academy na sina Elmo Magalona at Derrick Monasterio; pati na sina Albie Casiño (Aswang), Matteo Guidicelli (Catch Me ...I’m In Love), Rocco Nacino (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa), at Alden Richards (The Road).

Sino sa tinging niya sa mga kapwa niya nominado ang pinakamahigpit niyang kalaban?

Sagot ni Kristoffer, "Sino ba? Siguro lahat sila, kasi pare-pareho kaming nominado kaya lahat kami malaki ang chance na manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin kasi, hindi ka naman mano-nominate kung di ka deserving na manalo o may chance ka na manalo.

"Yung na-nominate kaming lahat, ibig sabihin, may chance kaming manalo.

"Basta katulad ng sinabi ko, win or lose, okay lang.

"Ang mahalaga na-nominate ako sa kauna-unahang pelikula ko.

"Kaya nga thankful ako sa pamunuan ng PMPC kasi na-appreciate nila yung klaseng trabaho na ipinakita ko sa Tween Academy.

"Magsisilbing inspirasyon para sa akin yung nominasyong nakuha ko para mas paghusayan pa yung mga susunod at ginagawa kong trabaho ngayon."


INSPIRED TO WORK. Dahil sa nakuhang nominasyon, mas inspirado raw magtrabaho ngayon si Kristoffer.

"Ang sabi sa akin nila Tito Joey Abacan at Ma’Am Annette Gozon, may next movie daw akong gagawin, pero hindi ko pa alam kung ano.

"Pero alam kong meron kasi sila yung nagsabi. Hihintayin ko na lang.

"Meron din akong gagawing indie film, pero ayoko muna sabihin ang title kasi baka ma-preempt.

"’Tsaka na lang ’pag tuloy na tuloy na," saad niya.

Pagkatapos ng Ikaw Lang ang Mamahalin, ano naman ang next TV project niya?

"Sabi sa akin, may gagawin daw akong next soap, pero hindi ko pa alam yung detalye tungkol dun.

"Sa ngayon, regular pa rin akong napapanood sa Tween Hearts at Party Pilipinas."

BYE JOYCE CHING? Sila ng kapwa niya tween star na si Joyce Ching ang magka-loveteam.

Sakaling ipareha sila sa iba, ano ang magiging reaksiyon ni Kristoffer?

"Wala pa naman sa aming sinasabing ganun. Pero kung totoo, sayang naman.

"Kasi maganda na yung working relationship namin ni Joyce dahil masyado na kaming kampante sa isa’t isa.

"Siguro ang unang malulungkot yung mga loyal fans namin dahil sila talaga yung walang-sawang sumusuporta sa amin ni Joyce.

"Kung ilang beses ngayong nag-trending yung loveteam namin sa Twitter na gawa ng mga solid fans namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya alam kong sila yung mas maaapektuhan ’pag nangyari yun.

"Pero sana ngayon ’wag muna sana. Sayang naman kasi yung na-invest naming dalawa ni Joyce bilang magka-loveteam.

"Pero if ever na ganun talaga ang mangyayari, siguro may ibang plano sa amin ang GMA-7.

"Baka gusto nilang makatrabaho rin namin yung iba pang stars ng GMA-7.

"Sila kasi ang nakakaalam at nagpaplano ng career naming mga tweens.

"Yung ikagaganda lang ng career namin ang gusto nila para sa amin."

Napag-usapan na ba nila ni Joyce ang tungkol dito?

"Hindi pa, kasi wala pa namang sinasabi sa amin.

"Pero alam naman namin na darating talaga yung oras na ipapareha rin kami sa iba para siguro mag-grow as an artist.

"Ako naman kasi, willing naman ako makipagtrabaho kahit kanino. Basta ang mahalaga sa akin may trabaho ako.

"At alam kong ganun din si Joyce. Sino ba naman kasi, di ba, na ayaw ng trabaho?

"Lahat naman gustong may trabaho at hindi nababakante," saad ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN