Direk Wenn Deramas settles issue with Star Cinema

Direk Wenn Deramas expresses his sentiments over issues with Star Cinema: "Ito wish ko ito lagi sa mga tao...’ pag nag-usap tayo, di kailangang saktan mo ako para maintindihan mo. Puwede natin itong upuan, ’Ito ang kulang, ito ang sobra.’ Hindi mo kailangang saktan ang isang tao para maintindihan niya ang mga bagay-bagay."


Hindi kaila sa marami na sumama ang loob ni Direk Wenn Deramas nang hindi siya kunin bilang isa sa direktor ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Enteng Ng Ina Mo.

Ang pelikulang ito ay ang pinagsamang konsepto ng magkahiwalay na pelikula nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas—Enteng Kabisote at Ang Tanging Ina. Nagkaroon na ng maraming sequels ang parehong pelikula.

Ang Enteng Kabisote movies ay idinirek ni Tony Y. Reyes samantalang ang Tanging Ina movies naman ay idinirek ni Direk Wenn.

Pero nang magsanib-puwersa nga sina Vic at Ai-Ai sa Enteng Ng Ina Mo ay si Direk Tony lang ang nagdirek, bagamat si Direk Wenn ang may original concept ng Tanging Ina.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng pinakabagong proyekto ni Direk Wenn sa ABS-CBN, ang Wako Wako, kahapon, March 1, sa 55 Events Place, Tomas Morato, Quezon City, masayang ikinuwento ni Direk Wenn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naayos na ang naging problema nila ng Star Cinema.

Katunayan, may mga pelikula na siyang nakalinyang gawin para sa film outfit ng ABS-CBN.

Sabi ni Direk Wenn, "I have two movies pa sa Star. After nitong Moron 5 under Viva na April 7 na ang playdate, Toni [Gonzaga]-Vice [Ganda] movie na...

"Then mayroon akong Maricel Soriano, Aga Muhlach and Roderick Paulate... ’tapos Vilma [Santos]-Ai-Ai [delas Alas] movie."

Pahayag pa ng award-winning director, "Basta bukas lang ang isip natin, ’wag sarado.

"’Tapos magkaroon lang sana... Ito, wish ko ito lagi sa mga tao—’pag nag-usap tayo, hindi kailangang saktan mo ako para maintindihan mo.

"Puwede natin itong upuan, ’Ito ang kulang, ito ang sobra. ’

"Hindi mo kailangang saktan ang isang tao para maintindihan niya ang mga bagay-bagay."

Nilinaw naman ni Direk Wenn na hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Ai-Ai sa naging issue nila ng Star Cinema taliwas ng nabalita noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi talaga," diin niya.

"Kinukuwento ko nga, habang may issues noon sa Enteng, issue ko ito sa Star Cinema, hindi issue ko kay Ai-Ai delas Alas."

AI-AI’S NEW LOVE. Samantala, kinumpirma ni Ai-Ai sa presscon ng Wako Wako na may bago siyang inspirasyon ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Direk Wenn na may bagong boyfriend na ang kaibigan.

"Sobra akong masaya!" bulalas niya.

"Na-meet ko na, of course, bilang kambal kami [ni Ai-Ai].

"Puwedeng artista—stable, mayaman.

"Talagang kumbaga, kung ang Wako Wako, puro wishes, ito masasabi natin na isa ito sa wish ni Ai-Ai na natupad."

Ang Wako Wako bale ang pagbabalik-tambalan nina Direk Wenn at Ai-Ai pagkatapos ng Tanging Ina movies nila.

"Nagkaka-text-an kami, sabi ko sa kanya, ’Uy, may bagong role para sa iyo, Dyosa. Iba naman, magandang pagbabalikan natin ito!’"

"Ganun lang kasimple, sinabi niya agad, ’Go!’"

"E, tamang-tama naman kasi that time, nalalapit naman ang pagtatapos ng Binondo [Girl] so parang perfect na perfect lang yung timing na nagtatapos siya, ’tapos ayaw din naman niyang magpahinga ng dire-diretso.

"Looking forward din siya sa Ai-Ai and Vilma filmfest [movie], so kami ulit."

BACK TO STAR CINEMA. Ang Wako Wako rin ang pagbabalik-teleserye ni Direk Wenn. Tinanong ng PEP si Direk Wenn kung ano ang kaibahan ng Wako Wako sa ibang mga naidirek na niyang fantaserye, partikular na ang Kokey.

Ayon sa direktor, "Matagal-tagal bago ako nag-fantaserye uli, so ito, pinili ko talaga, handpicked talaga sa mga prinisent nila sa akin.

"Nakitaan ko talaga ng ibang cuteness si Wako Wako.

"Yung Kokey, parang experimental siya na, in a sense, na tatanggapin ba yung ganitong hitsura?

"So, yung kay Wako, inalagaan ko yung hitsura—maamo, cute, ’tapos yung boses, naku!

"Kung alam n’yo lang kung gaano karami ang nag-audition bago napunta kay Ruther [Orquia].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Perfect! Boses lang niya, sobrang nagdadala ng ka-cute-an dun sa programa."

FAMILY VALUES. Aminado si Direk Wenn na ang mga anak niya ang nagsilbing inspirasyon niya para gawin ang Wako Wako.

"Actually yung mga anak ko kasi... wala na ngayong ganung palabas, e.

"Wala yung ka-cute-an, wala yung values ba ng mga bata na ipapakita mo yung as simple ba na ipapakita mo yung pagagamit ng po at opo... yung paglalaro ng tunay na laro—hindi yung puro computers.

"Di ba, ang lagi nating pinapakita bilang mga Filipino, yung hindi magandang relationship ng in-laws?

"Dito, iba... grabe magmahalan yung Malu de Guzman at Gladys Reyes!

"E, in-laws sila, yung pagiging family na lagi na lang... ’pag nakakapanood tayo, laging sad, tragic, nag-aaway.

"Dito, ’Ay! Gusto kong mapunta sa pamilyang ’yan!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN