Direk Jade Castro admits to having had a relationship with a real "Kontrabida Girl"

Direk Jade Castro talks about how the story of My Kontrabida Girl was conceptualized: "Yung original concept hindi galing sa akin, galing kay Annette [Gozon-Abrogar], pero yung kuwentong yun, artista lang at tsaka [isang] guy, hindi kontrabida. Pero nag-brainstorm kami binuo namin, ginawa naming kontrabida. Ang napulot ko sa buhay ko, yung idea lang na minsan kahit salbahe yung babae basta mahal mo siya, mahal mo siya."


Parang inamin na rin ni Direk Jade Castro na hango sa tunay na pangyayari ang kuwento ng bago niyang pelikulang, My Kontrabida Girl.

"Yung original concept hindi galing sa akin, galing kay Annette [Gozon-Abrogar], pero yung kuwentong yun, artista lang at tsaka [isang] guy, hindi kontrabida.

"Pero nag-brainstorm kami binuo namin, ginawa naming kontrabida.

"Ang napulot ko sa buhay ko, yung idea lang na minsan kahit salbahe yung babae basta mahal mo siya, mahal mo siya," umpisang kuwento ni direk Jade Castro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pelikula niyang My Kontrabida Girl ng GMA Films.

PERSONAL EXPERIENCE. May minahal daw siya nuon, kahit medyo naging kontrabida sa kanya.

"Siguro, kasi... halimbawa yung mga ex natin hindi naman perfect, minsan salbahe sa atin paminsan-minsan, tapos pagbibigyan mo, tapos minsan nalalampasan ng pagmamahal mo—yung maliliit na pagkukulang."

Marami ang pumuri sa directorial job ni Jade sa Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington. Paano niya papantayan ito with My Kontrabida Girl?

"Tinry ko lang galingan," at tumawa si Jade.

"Medyo na-pressure din ako nang konti kasi first time ko to work with GMA.

"So hindi ko alam kung paano sila katrabaho, pero nagulat ako kasi ang dali, ang sarap.

"They’re very open, tapos nirerespeto nila talaga yung trabaho nung direktor tsaka nung writer and masarap sila ka-collaborate, so nag-enjoy ako tsaka hindi ako nahirapan with them."

RHIAN RAMOS CONTROVERSY. Ang My Kontrabida Girl ay pagbibidahan ni Rhian Ramos na nagkaroon ng kontrobersya kamakailan na may kinalaman sa dati nitong karelasyon na si DJ Mo Twister.

Hindi malayong mayroon ding pressure kay Direk Jade ang mga pangyayaring iyon kay Rhian.

"Oo, oo," ang pag-amin ng direktor.

So ano ang expectation niya sa box office?

"Hindi ko rin alam, e.

"So far, ang natutunugan ko mixed naman yung mga tao, parang may negative, may positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ang inaasahan ko na lang dadalhin ng ganda nung pelikula tsaka nung galing ni Rhian, na mapapatunayan niya yung sarili niya."

Okay lang ba kay Rhian na My Kontrabida Girl ang title ng movie nila na showing sa March 14?

"Gustung-gusto niya, e!

"Actually nung sinimulan namin yung project wala pa siyang isyu.

"Tapos gustung-gusto niya yung role kasi bago ito for her.

"Ang ganda-ganda ng role, actually, kasi kontrabida pero meron ding sweet, soft side tapos ang daming nangyari sa character niya.

"So gustung-gusto ni Rhian dahil puwede siyang maglaro.

"And ako din kaya ko din gustung-gusto yung project kasi puwedeng paglaruan, e.

"Tapos nung dumating yung isyu pinag-iisipan ko siya, sabi ko actually kung meron mang project na babagay dun sa isyu, mukhang ito.

"Kasi meron siyang bad side pero meron din siyang good side.

"Tapos mapapatunayan niya yung worth niya as a person."

AFFECTED? Habang nagsu-shooting ba sila, nakita ba niyang apektado si Rhian ng eskandalo?

"To be honest, pag nagtatrabaho kami, hindi.

"Sobra siyang nandun sa trabaho pero minsan kapag hindi naka-take, minsan nakikita ko... naaawa nga ako minsan e.

"Minsan nakikita ko, lalo na nung bago pa lang yung isyu, at tsaka nag-workshop kasi kami, nung workshop, may moment siya na kita ko na affected talaga si Rhian.

"Pero ang galing ng batang ito, pagka trabaho na, trabaho, at tsaka parang nakakalimutan niya yung problema.

"Pero dahil sensitive din ako as a person naramdaman ko rin na talagang naapektuhan si Rhian.

"Sino ba naman ang hindi?"

ALJUR ABRENICA. Ang reaksyon naman niya sa mga pambabatikos sa acting ni Aljur Abrenica na leading man sa pelikula...

"Actually alam yata ni Aljur yan.

"Actually magaling naman siya talaga, e.

"Palagay ko wala pa lang talagang bumabagay na role for him, yung role na talagang puwede siyang mag-shine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So no’ng krineate namin yung role, inisip talaga namin si Aljur.

"Tapos tingin ko, ito na yung bagay na role for him na puwedeng after this, makililala siya as an actor.

"And nakita ko naman yung dedication niya.

"Para sa akin, as a director, iyon ang importante.

"Basta masipag tsaka may potential, tapos kailangan marunong siyang makipagtrabaho.

"And ganun naman si Aljur, nakikinig siya tapos willing siya to push and push para gumaling siya.

"So habang tumatagal, gumagaling pa si Aljur, so sa tingin ko simula pa lang ito ng maganda niyang performances."

Isang kaabang-abang sa pelikula ay ang mga sikat na female kontrabida na may special roles sa movie...

"Isa pa siya sa nakakakilig para sa akin e," ang tumatawang sinabi ni Direk Jade.

"Si Tita Celia [Rodriguez] po last minute nag-backout kasi nawalan siya ng boses.

"Si Cherie Gil, tuloy, nandito siya, si Bella Flores, si Gladys Reyes, tsaka si Maritoni Fernandez, tsaka si Odette Khan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN