Enzo Pineda on Rocco Nacino getting the big breaks: "I don’t compare myself kay Rocco. Sobrang parang kapatid ko na rin siya."

"I’m happy for him dahil ang dami niyang project ngayon. He deserves it dahil magaling naman talaga siyang umarte. Hats off to him. And siya, happy rin siya sa akin ngayon. Kasi, ’eto na," says Enzo Pineda (above) when asked if he minded that StarStruck V batchmate Rocco Nacino was getting the good projects in their home network.


Sa pelikulang My Kontrabida Girl, si Enzo Pineda ay ginagampanan ang papel na Enzo rin ang pangalan.

Hango kasi sa mga pangalan ng mga artista ang mga character ng bagong pelikulang ito ng GMA Films.

Natatawa si Enzo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa ginagampanang papel sa press conference ng nasabing pelikula noong Huwebes, March 1, sa 17th floor ng GMA-7.

"Ako po rito si Enzo. Enzo po talaga ang pangalan ko.

"Kaibigan ko si Aljur who is Chris Bernal.

"Chickboy [ako sa pelikula] na kunsaan ako ang sumasalo sa lahat ng kaguluhan ni Aljur dahil marami nga siyang girlfriend dito.

"At the same time, SK [Sangguniang Kabataan members] kaming apat nina Kevin Santos, Sef Cadoyona."

BUTT EXPOSURE? Totoo bang nagpakita sila ng puwet sa pelikula?

"Opo. Ako ang nagpasimuno sa story since ako ang pinakamaloko sa grupo."

Kailangan bang gawin nila yun?

"Siguro po, it’s for the love of the movie. Na-make sure naman ni Direk Jade [Castro] na hindi siya nakakabastos.

"Na wholesome pa rin ang dating niya na nakakatawa.

"Hats off ako kay Direk kasi, magaling siya at palagi niya kaming binabantayan."

Hindi ba siya nagdalawang isip sa eksenang nabanggit?

"Definitely, nailang kami. Pero noong nasa set kami, na-make sure ni Direk na, ’O, kami lang.’

"Director, assistant director, cameraman, make-up artists ang puwede lang pumasok sa batis.

"’Tapos, may mga bantay na guard sa malayo. Bawal mag-picture, mag-video and everything."

Naka-plaster naman daw ang maselang bahagi nila na natatawang kuwento pa ni Enzo na mahirap daw tanggalin matapos ang eksena.

LOUISE DE LOS REYES. Kung sa pelikula nila ay chickboy siya, sa totoong buhay naman ay balitang napaka-loyal niya sa rumored girlfriend na si Louise delos Reyes.

"Siyempre po stick to one ako. Pero pagdating sa character, sineseryoso ko talaga.

"Actually gusto ko nga yung ganoon. Yung mga character na hindi ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero in real life, stick to one ako. Alam niyo naman na mero’n akong special someone.

"Inspiration ko si Louise. Pero, we’re taking our time right now.

"Ang daming projects na parating sa amin ngayon. Siguro mas gusto muna naming mag-focus sa career.

"Saka na muna ang mga ganoong bagay."

Dugtong pa niya,"After this, mero’n pa rin akong gagawing indie film na cultural siya.

"’Tapos, mero’n pa pong Just One Summer [movie] at mero’n pa pong bagong film ang GMA Films na [nasa] cast din po ako."

Ibig sabihin pahinga muna sa pagdi-date?

"Siguro pahinga muna po. More on work. Kasi, sayang.

"Ayaw naming pabayaan ang trabaho namin. Kasi, yun talaga ang number one priority namin.

"And also kaming dalawa, nag-aaral din kami.

SPECIAL TO EACH OTHER. Matagal na silang nali-link ni Louise pero wala pa ring tahasang pag-amin mula sa kanilang dalawa.

"Siguro mali-label ko na we’re special to each other.

"Kasi, hayun concentrate kami sa trabaho ngayon at happy kami na nandito kami para sa isa’t isa.

"And I’m also happy for her dahil yung loveteam nila ni Alden [Richards] is doing well.

"So, congrats sa kanila. Happy rin siya sa akin dahil sa mga projects na dumarating sa akin ngayon.

"Kasi sayang. After ng Star Struck, medyo bagets pa ko. It’s so hard.

"Sa teens ba ako ilalagay or sa mas mature na role? So ako, ni-reinvent ko ang sarili ko since I’m 21.

"And I’m happy na noong ni-reinvent ko ang sarili ko, hayun, tuluy-tuloy ang projects."

May mga bali-balitang madalas daw silang nag-aaway ni Louise at sinasabing siya ang mas nagpapasensiya sa dalaga.

Ayon naman kay Enzo, "Siguro ano, hindi naman maiiwasan talaga na magkaroon ng misunderstanding.

"It’s part of life. Imposible naman or wala namang tao na hindi nagkakaroon ng misunderstanding sa isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, actually, parehas kaming pasensiyoso.

"Ako, pasensiyoso sa kanya. Siya naman, mataas din ang pasensiya sa akin. So, give and take kami."

LOUISE’S MOM. Itinanggi naman ni Enzo ang mga nababalita na ang mommy ni Louise ang tila nakikialam raw nang madalas sa kanila ng dalaga.

"No, no. Aware ako na may isyu na ganoon. Pero me and Mommy Elvie [nanay ni Louise], we’re close.

"We’re really close and masasabi ko ngayon na sa mga nang-iintriga sa amin, last year pa yun.

"Pero masasabi ko na dahil doon, mas naging close pa kaming lalo.

"Kasi, pinakita namin that the issue is not true. Wala naman talagang nagkakaroon ng ilangan o away o misunderstanding sa amin."

Balitang boto naman daw ang pamilya ni Enzo kay Louise.

"Ang mommy ko naman, very supportive sa akin at sa kapatid ko rin.

"So, kung sinuman ang magustuhan namin, okay lang sa kanya. Susuportahan niya."

COLLEGE DIPLOMA. Magandang pakinggan na kapwa nila pinapahalagahan ni Louise ang kanilang pag-aaral.

"Ako, I still have two more years sa Business Management," kuwento pa ni Enzo.

"And after that I want to take up a culinary [course].

"I want to be like Marvin Agustin. Pangarap ko talaga dati pa. Mag-showbiz ako at mag-restaurant.

"I want to take this opportunity para mag-ipon din ako ng pera at magkaroon ako ng sariling business balang araw.

"Nag-commercial din ako ng Chowking at Jollibee.

"Yung Chowking lumalabas na ngayon, yung Jollibee lumabas last time.

"And I also have an endorsement coming up for Bench. At medyo sexy siya."

GOING SEXY. Ngayong buwan ng Marso pa lang siya magpi-pictorial for his Bench endorsement.

Bukod dito, may plano rin ba siyang rumampang muli sa Cosmo Bachelor Bash?

"Given the chance, sasali ulit ako. Kasi, yung Cosmo ko last year, parang yun ang initiation ko na hindi na ako bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, isa na akong ganap na hunk. Parang ganoon.

"So, continue at ni-reinvent ko talaga ang sarili ko."

Sabi pa niya, "Ang work-out ko is a high-metabolic work-out.

"Circuit series of work-out na high intensity in a short period of time.

"So, nangyayari, mga 20 minutes, tapos na ako sa work-out ko sa gym."

RIVALRY. Sa kanilang tatlong magka-batch sa StarStruck V na sina Steven da Silva at Rocco Nacino, mukhang si Rocco daw ang unang nabibigyan ng oportunidad sa Kapuso network.

Ito ay sa kabila ng si Steven ang nanalong Ultimate Male Survivor at si Enzo ang First Prince, samantalang si Rocco ay Second Prince lang.

"For me, I don’t compare myself kay Rocco. Sobrang parang kapatid ko na rin siya.

"I’m happy for him dahil ang dami niyang project ngayon.

"He deserves it dahil magaling naman talaga siyang umarte.

"Hats off to him. And siya, happy rin siya sa akin ngayon. Kasi, ’eto na.

"At saka palagi kaming nag-uusap na tatlo, Steven and Rocco, about our career.

"Hindi kami nagkakaroon ng inggitan at proud kami sa isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN