Annabelle Rama attends Wilma Galvante’s post-birthday party to make peace

Annabelle Rama’s (right) message to Wilma Galvante (left): "Marami na talaga ang nagpa-padrino sa akin, mga best friend mo at saka kaibigan ko rin. Babatiin kita, pero deep in my heart, hindi ako ready. Pagtalikod ko, baka sisiraan pa kita. Kaya gusto ko talaga magbati tayong dalawa galing sa puso ko. Para ngayon, wala ka naman maririnig sa bunganga ko na naninira against you. Talagang galing sa puso ko yun.


Si Annabelle Rama ang inaabangan ng lahat sa post-birthday party na ibinigay ni Mother Lily Monteverde sa bagong retired Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante.

Bago ang naturang party, napapag-usapan ang pagbabati nina Annabelle at Ma’am Wilma dahil na rin sa pamamagitan ni Mother Lily Monteverde.

Si Mother Lily ang nag-ayos na mapagbati sila. Pinakiusapan ng Regal matriarch si Annabelle na dumalo ito sa birthday party ni Ma’am Wilma.

(CLICK HERE to read related story.)

Ginanap ang selebrasyon sa Imperial Palace Suites noong Huwebes ng gabi, March 1, na dinaluhan ng mga Kapuso talents at mga staff at executives ng Kapuso network.

May inihandang maliit na programa para kay Ma’am Wilma kung saan merong inilabas na isang nakakaaliw na audio-visual presentation tampok ang mga dati niyang kasamahan sa kanyang tanggapan.

ANNABELLE’S MESSAGE TO MA’AM WILMA. Pagkatapos ng AVP, isa-isang nagbigay ng mensahe ang ilan niyang malalapit na kaibigan.

Naputol lanag ito dahil sa pagdating ni Annabelle para batiin si Ma’am Wilma.

Sa kanilang dalawa na nakatutok ang lahat at pinagkaguluhan na sila ng media at reporters.

Nagbigay ng mahabang mensahe si Tita Annabelle para kay Ma’am Wilma.

Aniya: "Lahat ng mga text ko sa ’yo, ang sasama talaga, mamatay man!

"Pero hindi mo ako sinagot. Hindi ka man lang sumagot, akala ko wrong number.

"Pagtawag ko sa number, mo nagri-ring. Sabi ko, hindi wrong number ito kaya sinisiguro ko talagang ikaw yun, number mo yun.

"Pero hindi mo ako sinagot, hindi ka nagpapa-interview nang nagtatawag ka sa akin ng mga masasamang tawag, na kunwari ’bugaw tsu tsu...’

"Di ba, hindi mo ako sinagot?

"Kaya na-realize ko talaga na sa galit ko lang yun talaga na kaya nakapagsalita ako ng ganun sa ’yo."

Patuloy pa ng talent manager: "Actually, nagpapasalamat ako kay Wilma kasi tinext ko siya muna, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Tini-text kita hindi sa binabati kita.’

"Sabi ko lang, ’Iti-text kita dahil nagpapasalamat ako, kung hindi dahil sa ’yo, walang Raymond sa showbiz."

Ang tinutukoy ni Annabelle ay ang anak niyang si Raymond Gutierrez, isa sa batang hosts ng Kapuso network.

"Kasi, siya talaga naglagay kay Raymond sa showbiz—si Wilma.

"Siyempre, marunong ako tumanaw ng utang na loob.

"Yun din ang sinasabi ko kanina sa mga big boss sa GMA, na binati ko lang si Wilma.

"Unang-una, sabi ko, maghiwalay na kami.

"Pangalawa, siyempre para akong tanga, text ako nang text, walang sumasagot sa akin, di ba?

"Kaya hindi mo napapansin, nandito na ako, ’Day!

"Hindi ka nagni-name names. Ibig sabihin, hindi mo ako kinakalaban at pinababayaan mo ako na parang tanga.

"Nagti-text, wala namang sumasagot sa akin, kaya sabi ko, siguro talaga kailangan talagang magbati na kaming dalawa.

"Marami na talaga ang nagpa-padrino sa akin, mga best friend mo at saka kaibigan ko rin.

"Babatiin kita, pero deep in my heart, hindi ako ready.

"Pagtalikod ko, baka sisiraan pa kita.

"Kaya gusto ko talaga magbati tayong dalawa galing sa puso ko.

"Para ngayon, wala ka naman maririnig sa bunganga ko na naninira against you. Talagang galing sa puso ko yun.

"Kaya sinabi ko rin kay Eddie [Gutierrez, Annabelle’s husband], kina Ruffa, kay Richard, kay Raymond, na dapat nandito sila ngayon.

"Pero biglaan kasi itong party lahat, busy sila lahat.

"Baka one of these days, I’ll invite you to my house for dinner, yun lang yun.

"Kaya huwag kang mag-alala, Wilma, na pag-alis ko sa party mo, sisiraan kita, hindi kita sisiraan."

MA’AM WILMA’S REPLY. Ito naman ang sagot ni Ma’am Wilma sa naging mensahe ni Annabelle:

"I’m glad that Annabelle is here tonight to greet me and to make peace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho lang naman every time, all the time.

"Ever since, walang personalan. Sa personal level, we’re good people.

"We want to be good friends, we want to be civil pagdating sa trabaho.

"There will be always conflict, di ba?

"And then we address it the best way we could, the most professional way we know how to.

"So, ganun lang, let’s enjoy the evening, di ba?

"I’m actually, overwhelmed by everything that’s happening tonight."

OLD FRIENDSHIP. Nangingilid naman ang luha ni Annabelle habang nagsasalita si Ma’am Wilma.

Sabi ng talent manager, "Kasi alam mo, marunong ako tumanaw ng utang na loob.

"Uulitin ko yun, kasi marami akong natulungan, walang utang na loob, e.

"Hindi ko talaga makakalimutan, kaya in-explain ko kagabi kay Eddie na natutuwa naman sila.

"’Mabuti naman ginagawa mo yun,’ sabi ni Eddie sa akin.

"’At least naman, nakakatulong naman si Wilma sa atin, sa akin, kay Ruffa, lahat tayo.’

"Kaya sabi ko, yung galit sa kanya, nawala na, okay na."

Sabi pa ni Annabelle, "Nami-miss ko kay Wilma, yung mga tsismisan sa office niya.

"Halos every day nandun ako sa kanya, nagkukuwentuhan kami.

"At saka nakaka-miss din siya kaya lumambot ang puso ko nung nalaman kong wala na siya sa GMA."

Hangad din daw ni Annabelle na mabalik ang dating friendship nila ni Ma’am Wilma.

"Kasi hindi naman ako plastik!" sabi ng talent manager.

"Kung ang isang tao naging kaibigan ko, napatawad ko, magkaibigan na kami.

"Kung ano man yung dati naming pagsasama, walang mababago dun."

WHAT ABOUT THE CASES? Ngayong nagkaayos na sila, ang kasunod na tanong: tuloy pa rin kaya ang mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa noong kasagsagan ng kanilang away?

Dinidinig pa rin sa korte ang Damages suit na isinampa ni Ma’am Wilma laban kay Tita Annabelle tatlong taon na ang nakararaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Annabelle, "Na kay Wilma na ’yan.

"Wilma, bahala ka kung tuloy, okay lang sa akin.

"Kung ayaw mong ituloy, okay na rin sa akin.

"Basta ako, galing sa puso ko, nagbati tayo ngayon sa birthday mo.

"Happy birthday ulit," mensahe nito kay Ma’am Wilma.

Tinanong naman ni Butch Francisco ng Startalk si Ma’am Wilma kung itutuloy pa rin ba niya ang kaso.

Hindi ito sinagot ng dating GMA-7 executive.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN