Ken Chan says he wants to reconcile with his manager Rams David

May eksena si Ken Chan (above), at sina Enzo Pineda, Sef Cadayona at Kevin Santos sa pelikulang My Kontrabida Girl na nagpakita ng puwet: "Opo, first time ko pong magpakita ng butt! Yung butt exposure pinresent po sa amin na, ’Guys magkakaroon ng ganito.’ So hindi lang nagdalawang-isip kaming apat, kundi sobrang 100 hundred times po naming pinag-isipan kung itutuloy namin," says Ken.


"Napakagaling na director, walang pressure na binibigay sa amin," bungad na pahayag ni Ken Chan tungkol sa direktor nila sa pelikulang My Kontrabida Girl na si Jade Castro.

May eksena si Ken at sina Enzo Pineda, Sef Cadayona at Kevin Santos sa pelikulang ito na nagpakita ng puwet.

Paano siya nakumbinsi?

"Opo, first time ko pong magpakita ng butt! Yung butt exposure pinresent po sa amin na, ’Guys magkakaroon ng ganito.’

"So hindi lang nagdalawang-isip kaming apat, kundi sobrang 100 hundred times po naming pinag-isipan kung itututloy namin.

"Kasi first time po namin iyon," kuwento ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sabi naman sa amin po ng GMA Films... na hindi kami pababayaan.

"At nung nakita po namin dun sa preview, yung atake at pag-xecute dun sa eksena, comedy po talaga.

"Sabi nga po namin, sana hindi ma-edit out."

May paghahanda ba siyang ginawa sa butt exposure scene?

"Naglolokohan nga po kami na sabay-sabay kaming apat magpapa-spa, magpapa-scrub para paputiin at pakinisin," ang natatawang sinabi ni Ken.

Hindi naman daw sila natuloy magpa-scrub...

"Natural ang ipinakita namin, walang binago sa puwet namin."

Paano kung ang next offer ay isang indie movie na may frontal nudity, papayag ba siya?

"Hindi ko pa po alam. Hindi ko pa po masasagot," says the nineteen-year old Ken.

"Depende po siguro kung ano yung atake ng istorya, kung anong role, kung yung role ko po ba is pang-heavy drama o kung ano.

Papayag ba siya?

"Bakit hindi? Kung sa tingin naman po ng marami ay iyon ang ikakaganda ng pelikula."

May ipapakita ba siya?

"Meron naman po akong ipapakita."

Tawa ang sagot ni Ken nang tanungin namin kung matutuwa ba ang mga bading kung gagawin niya iyon.

"Hindi ko po alam kung matutuwa sila. Meron naman po siguro akong ipapakita."

MANAGER BLUES. Naitanong naman namin kay Ken ang tungkol sa dati niyang manager na si Rams David.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta na lang umalis si Ken at nagpaalam sa manager niya sa pamamagitan ng isang sulat.

"Ganito po kasi yung nangyari. My parents gave a letter to Tito Rams na nagsasaad po dun na puputulin na po namin yung relationship namin as manager and talent po.

"Siyempre po... nakasulat po dun na alam namin si Tito Rams nag-TV5 po siya and napakalaki po ng responsibilidad po niya dun."

Isa si Rams sa mga namamahala sa programang Valiente ng TV5.

Bago pumunta sa Kapatid station ay dating production unit manager si Rams sa ibang mga programa ng Kapuso network.

"Alam po naman natin na... sinabi po namin doon na para makagaan po sa trabaho niya at kasi po nung nag-TV5 po siya medyo nawalan po kami ng time sa isa’t-isa.

"Kaya po napagdesisyunan namin na putulin na lang po namin yung relationship namin bilang manager and artist.

"Wala naman po akong masasabi kay Tito Rams. Actually napakasuwerte ko dahil siya yung naging manager ko.

"Napakagaling po niyang manager at hindi niya po ako napabayaan, lagi po akong may projects sa kanya."

Bakit sa sulat lang siya nagpaalam?

"Hiningi po namin sa kanya na makipag-meet personally, magmi-meeting kami with my parents pero mukhang ayaw na rin naman po niya.

"Kausap ko rin po si Kuya Germs [German Moreno] bilang close din naman po sila ni Tito Rams.

"Humingi po kami ng tulong sa kanya para makipag-meet din po.

"Gusto po naming magkaharap-harap kami ni Tito Rams, si Kuya Germs and my parents para maayos po para wala na ring sakitan ng loob.

"Kasi mas masarap magtrabaho pag walang kaaway sa showbiz po.

"Hindi po siya pumayag na makipag-meet kasi parang mas gusto na po niyang makalimutan na lang yung nangyari na ganun."

HURT. Nasaktan daw si Ken dahil naging mabuting manager si Rams sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra po! Actually kahapon nga po meron kaming common friend na kinamusta ko po si Tito Rams at sabi nga daw po ni Tito Rams, ’Kumusta na yung dati kong anak?’

"Sobrang sumikip po yung dibdib ko, parang bakit ba nangyari yung ganun?

"Pero talagang nangyayari naman po talaga yung mga ganitong bagay... malalampasan din po namin ito."

Tinawagan ba niya or tinext si Rams? Nag-try ba si Ken na mag- reach out sa dati niyang manager?

"Nagta-try po ako na tawagan at i-text. Ayaw niya po talaga, e.

"Pero nagre-reply naman po siya sa akin, na nasaktan po siya.

"Bilang isang manager talagang masasaktan ka naman po talaga sa mga ganung pangyayari.

"Naiintindihan ko po siya dun at naiintindihan niya rin naman po ako."

Sure ba siyang naiintindihan nga siya ng dati niyang manager?

"Iyon nga po hindi ko alam kasi... pero sa tingin ko po naiintindihan rin naman niya ako.

"Pero iyon nga po kasi ang hirap, wala kaming personal na communication kaya hindi namin alam kung ano talaga yung nararamdaman namin sa isa’t-isa."

Halimbawang makakaharap niya si Rams, ano ang sasabihin niya dito?

"Wala po kundi ’I’m sorry. I’m sorry and thank you for accepting me as your artist and anak.’"

READY TO SIGN. Ngayon raw ay wala pang nagma-manage sa kanya.

"May mga lumalabas nga po na intriga na kaya ko daw po iniwan si Tito Rams ay dahil nag-Artist Center daw po ako.

"Actually hindi pa po ako nakakapirma pero ready to sign na po ako, pero ngayon po hindi pa ako nakakapirma.

"Pero wala pong nagma-manage sa akin ngayon kundi yung parents ko muna po.

"Pero nakikita ko sa kanila na nahihirapan sila, e. Hindi nila alam, hindi sila sanay, hindi nila alam kung paano yung takbo dito [sa showbiz].

"At yun po, hahanap at hahanap po ako ng magma-manage po sa akin," says Ken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So ang rason lang ng pag-alis niya kay Rams ay ang pagkawala ng oras?

"Opo. Iyon lang."

Bilang manager, wala daw siya talagang maipipintas dito.

"Wala po, wala po."

Mabait daw si Rams at maraming naibigay na projects sa kanya.

"Marami po, like yung Tween Hearts, Walang Tulugan [With The Master Showman], Time Of My Life, at mga commercials po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN