Toni Gonzaga makes time for boyfriend Paul Soriano despite busy schedule: "Mag-effort ka talaga, lahat gagawan mo ng paraan."

Mapapanood si Toni Gonzaga sa Wansapanataym sa apat na Sabado ng Marso. May mga ilan tuloy na nagsasabi na mukhang may special treatment daw sa kanya ang ABS-CBN.

"Walang special treatment... Na-experience ko naman yung pagtrabahuhan yung mga proyekto na mayroon ako. Kung anuman ang mayroon ako ngayon, siyempre we’re thankful na kahit papaano nabibigyan pa rin tayo ng oras, ng panahon, ng tiwala ng ABS-CBN. So binabalik ko naman



Tulad ng ibang artista, di na rin bago kay Toni Gonzaga ang mawalan ng shows.

Kumakailan nga ay nawala sa ere ang Happy, Yipee, Yehey kung saan pinalitan ito ng Showtime bilang noontime show ng Kapamilya network.

Sa presscon ng Wansapanataym kahapon, March 2, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS CBN, positibo ang mahusay na aktres/tv host na sa isang artista na tulad niya, mawala man ang isang proyekto ay siguradong may maganda naman na kapalit.

"Noong bago ako sa ABS, lima ang shows ko, kada buwan nagsasara—MRS (Most Requested Show), Entertainment Konek, My Juan and Only—sanay na ako nawawalan ng shows.

"Di na ako nasasaktan kasi na-program ko na ang sarili ko na pag may nagsasara, may nagbubukas," ang sabi niya sa media kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"So nung nagsara ang HYY, sabi ko baka may magbubukas, ganun lagi, dapat laging ganun ang iniisip ng artista.

"Pag di natin inisip yun, nagiging bitter, nagiging negative at pag naging negative ka, i-attract mo lahat ng negativity," aniya.

Tinanong namin si Toni kung iniyakan ba niya ang pagkawala nito.

"Naiyak ako nung live, kasi nakita ko yung mga tao behind the scenes, kung paano nagtatrabaho every day.

"Araw-araw pumapasok yun ng mas maaga sa amin para makapagbigay ng magandang show, dun ako naiyak.

"Ako sanay akong nawawalan ng shows, sanay akong nasasaraduhan ng shows."

SPECIAL TREATMENT? Mapapanood si Toni sa Wansapanataym sa apat na Sabado ng Marso.

May mga ilan tuloy na nagsasabi na mukhang may special treatment daw sa kanya ang ABS-CBN.

"Walang special treatment... Na-experience ko naman yung pagtrabahuhan yung mga proyekto na mayroon ako.

"Kung anuman ang mayroon ako ngayon, siyempre we’re thankful na kahit papaano nabibigyan pa rin tayo ng oras, ng panahon, ng tiwala ng ABS-CBN.

"So binabalik ko naman yun sa kanila sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang maayos, nang mabuti at di [ako] magbibigay ng sakit ng ulo," ang sabi ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, thankful ako sa ABS, thankful ako kay Sir Deo na binigay nila ang apat na Sabado ng Wansapanataym sa akin.

"Alam mo naman ang buhay ng isang artista, weather-weather lang ’yan. Minsan may mga panahon na nagkakasabay-sabay.

"Siguro kaya nagkasabay-sabay ngayon kasi nagsimula na yung Pinoy Big Brother launch.

"Eventually, matatapos din naman yan, pahinga ulit ako. Nagkataon lang ngayon nagkasabay."

Dahil gabi-gabi napapanood sa PBB at ngayon nga ay isang buwan siyang mapapanood sa Wansapanataym, hindi raw kaya makaranas ng over exposure si Toni?

"Hindi naman. Kasi every day naman two minutes n’yo lang ako nakikita sa PBB. Spiels lang naman ako dun.

"Di pa naman tayo dumarating sa ganun, nagtitiwala naman tayo sa ABS na balanse naman yung trabaho at exposure na naibibigay."

MOVIE WITH VICE. Kinumpirma din ni Direk Wenn Deramas na isang pelikula ang gagawin nila Toni at Vice Ganda na siya mismo ang magdidirek.

Ano ang masasabi niya dito?

"Siyempre masaya, nilo-look forward ko dahil nakatrabaho ko siya [Direk Wenn] before sa Maging Sino ka Man, mag-best friend kami dun.

"Tapos sabi ni Vice, [siya] ang pinaka-unang naging kaibigan ko dito sa show business and hanggang ngayon di na kami nagkakatrabaho, di na kami nagkikita.

"Pag nagkikita kami nun di nawawala yung closeness."

Naging successful ang nakaraang concert ni Toni sa Araneta. Marami ang nagtatanong kung wala raw ba itong kasunod.

"Actually yung provincial ko nga saka yung U.S. tour ko naka-hold siya because of PBB.

"Isang beses nga lang akong pinayagang mag-Dubai para sa show kasi nauna na yun, naka-book na.

"That is a working problem, depende ’yan sa PBB kasi hawak niya ang sked ko.

"Alam ni Direk Lauren na siya talaga ang priority ko.

"Naho-hold ang lahat, minsan kahit pelikula naho-hold, kasi kailangan ko siyang i-priority.

"Malaki ang utang na loob ko sa PBB na pinagkatiwala sa akin nung nagsisimula pa lang akong mag-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa marami siyang naitulong sa akin, binabalik ko lang naman."

TIME FOR LOVE. Hindi pa ba nagiging problema para kay Toni at sa kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano ang busy schedule ng host/actress?

"Gaya naman ng sinasabi ko, ano naman lahat yan, effort. Work in progress ang bawat relasyon.

"Mag-effort ka talaga, lahat gagawan mo ng paraan."

Ayon sa isang hula, ang relasyong Direk Paul at Toni ay mauuwi raw sa hiwalayan, kung saan magiging isang dalagang ina raw ang TV host.

Agad namang kinontra ni Toni ang nasabing hula.

"Ngayon ko lang kasi na-encounter yan, but since hula lang ’yan, puwedeng magkatotoo, puwedeng hindi.

"Dalaga lang, hindi pa ina. Siyempre kina-cast out natin ang mga ganyan [para] di magkatotoo.

"[We must] get away from negativity."

Sa nakaraang interview, naging bukas si Toni na nasaktan siya sa kinauwian ng special friendship nila ni Sam Milby.

Would she consider working with Sam in a movie directed by her boyfriend Paul?

"Open ako sa lahat kasi wala naman akong grudge sa ibang tao. Siguro pag natuloy yung project, dun ko malalaman. Pero wala pa naman."

SISTER ALEX. Maganda ang tinatakbo ng career ng kapatid niyang si Alex sa TV5. Mayroon ding mga intriga na late daw ito dumating sa taping niya.

Dinepensahan naman ni Toni ang nakakabatang kapatid.

"Kasi nag-aaral ang kapatid ko. Nakakarating yun sa akin na nirereklamo siya kasi galing nga siya sa school.

"Umiyak siya nun, pinagalitan ko siya, ganyan talaga.

"Sabi ko sa kanya, tiisin mo, isang taon na lang, ga-graduate na siya.

"She’s taking up Education."

Sa kaso naman ni Toni ay isang taon na lang sana ay magga-graduate na siya sa kolehiyo. Pumasok siya sa Asian Institute for Distance Education, kung saan kumuha siya ng Mass Communication major in Journalism at pagkatapos ay nag-shift siya sa AB English.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw tapusin ni Toni ang kurso kung kakayanin ng schedule niya.

“There are plans talaga kasi I remembered last year, may mga bisita kami, UP professors, they are willing to give me an exam if I really wanna go sa regular schooling.

"But then, nag-US tour nung time na yun, so hindi natuloy kasi strict sila.

"Strict ang UP na six absences, drop ka talaga, walang special treatment sa mga artista.

"So, it’s either talaga na i-sacrifice ko yung trabaho o mamili ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN