Toni Gonzaga’s lovelife now is as blooming as springtime; has yet to hear marriage proposal from Paul Soriano

Toni Gonzaga’s relationship with director Paul Soriano continues to bloom, like flowers in springtime as she puts it. When asked if she were to share the "magic of love" with other celebrities, she’d give them to Kris Aquino, Piolo Pascual, and KC Concepcion who she thinks deserve to find their respective true love.


May bagong proyekto ang Pinoy Big Brother! host na si Toni Gonzaga, ito ay ang pagganap sa apat na natatanging episodes ng month-long special ng Wansapanataym na magsisimula sa Marso 10.

Sa ginanap na press conference para sa weekly fantasy series na ito noong Marso 2 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, inamin ng actress-host na magandang oportunidad ito para sa kanya upang patunayan na karapat-dapat siya sa natanggap niyang Anak TV Seal award noong nakaraang taon.

Aniya, "Tuwang-tuwa ako no’ng nalaman ko na magwa-Wansa ako.

"Sabi ko, ’Wow, this is to justify my Anak TV award, para sa kabataan talaga siya.

"Kasi, hindi ba, bilang artista, malaking parte at malaking responsibility sa amin ’yong maging part kami ng pag-i-instill ng values and principles sa mga kabataan na nanonood sa amin?

"In our own way, we can teach them how to live the right way; so dito sa Wansapanataym, kapupulutan talaga ng aral."

MAGIC SPELL. Sa unang episode ng naturang programa ay gagampanan ni Toni ang papel ng isang witch.

Tanong ng reporter na si MJ Felipe, kung mayroon daw bibigyan si Toni ng "magic spell" sa mga Kapamilya stars upang magkaroon ng magandang lovelife, sinu-sino ito at bakit?

"Siyempre, una si Ate Kris [Aquino] para talagang okay.

"Kasi, di ba, si Ate Kris, parang she really wants to find that one true love niya?" sagot ni Toni.

Kung magiging kupido siya para kay Kris, may nais ba siyang ipareha dito?

"Sino ba? Ewan ko, kasi hindi naman natin alam kung anong type ni Ate Kris, e.

"Siyempre kung bibigyan ko siya ng magic spell, sana mahanap niya talaga ’yong true love na hinahanap niya, kasi, di ba, sabi niya nabigo siya?"

Ikalawang binanggit ni Toni ang dati niyang nakatambal sa isang softdrink commercial na si Piolo Pascual.

Ani Toni, "Sana mahanap na din niya ’yong babaeng para sa kanya kasi, of course, we’re all wishing and hoping na mahanap na rin niya ’yong talagang magpapasaya sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then the third one... Si KC [Concepcion].

"Katrabaho ko dati sa The Buzz so na-witness ko rin ’yong kasiyahan niya, ng lovelife niya, and of course, ’yong pinagdaanan niya.

"So, I also wish her the same na she finds the one true love na hinahanap niya."

SEASONS OF LOVE. Sa ikalawang episode naman ng Wansapanataym ay gagampanan ni Toni ang papel ng isang weather reporter.

Muling tinanong ni MJ so Toni: Kung ilalarawan niya sa pamamagitan ng ulat panahon ang kanyang relasyon sa direktor na si Paul Soriano, anong panahon daw ito at bakit?

"Fall," sagot ng host-actress na pinagtakhan ng press dahil ang fall o taglagas ay sumisimbulo sa malungkot na relasyon.

"Soriano!" sabay bawi ng TV host na nagbibiro lamang pala.

"Napaisip sila bakit fall. Negative? Hindi, Fall... Soriano.

"Hindi siguro lahat ng panahon... kasi ang relationship, hindi naman iyan naiiwan sa isang panahon.

"Nakaka-experience iyan ng winter, spring, summer, and fall—that’s a healthy relationship.

"Kasi kung puro summer, puro winter, puro spring, puro fall, parang medyo boring.

"Siguro ’yong based sa nangyari na sa amin, nakakaramadam kami ng iba-ibang klaseng panahon."

Pero sa aling panahon ba niya maihahalintulad ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Paul?

"Spring siya ngayon—spring, blossoming, makulay."

Ang spring naman, ayon sa reporter na si Julian Mauricio, ay panahon kung saan maraming nagpapakasal dahil sinisimbulo ng pagusbong ng mga bulaklak ang pag-asa na magiging maganda at masaya ang hinaharap ng isang relasyon.

Nangangahulugan ba ito na malapit na rin silang magpakasal ni Paul?

"Talaga? I change my mind. Fall na lang pala," muling biro ng romantic-comedy actress.

"Hindi... hindi ko alam, kasi ang mga ganyang bagay, hindi talaga babae ang makakasagot.

"Of course, ang mga babae, magmamaganda lang ’yan, maghihintay lang ’yan, magpapa-cute lang ’yan. Dahil ang desisyon naman niyan ay ’yong kung kailan magtatanong ang lalake sa ’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, in our case, wala namang ebidensiya ng engagement ring, so wala pa, wala pa tayo sa puntong ’yan.

"But definitely, may mga... because our relationship naman has matured in so many years—we are going on our fifth year this June—so siyempre pinag-uusapan niyo ’yong longevity, ’yong long term.

"Pero right now nga, hindi ko pa naririnig sa kanya ’yon.

"Of course, sinasabi niya ’yan na may mga plano siya. But right now, siyempre ayaw mo namang madaliin ang mga bagay-bagay.

"We’re just here to support each other.

"Kaya siguro naging spring kasi there are so many things na nadi-discover namin sa isa’t isa—about our personal lives, our career, our relationship together, and we are growing together."

Dagdag pa ni Toni, "Kaya spring kasi nagde-develop pa rin, nagbubunga pa rin, because there are a lot of things naman na hindi pa namin talaga nagagawa.

"We do not travel together, we are not given the opportunity na mag-overnight, mag-out of town.

"So there’s so many things that we’re really looking forward in the future na alam namin na given the right time, God’s time, na kami mag-end up together. ’Yon ’yong mga bagay na ilu-look forward namin.

"So ngayon, ine-enjoy namin ’yong kung anong meron kami at kung anong puwede lang naming gawin sa ngayon."

Pero ano naman ang magiging sagot ni Toni kung sakaling alukin siya ng kasal ni Paul?

"E, pag tinanong na niya ako, ’yon, masasagot ko na. ’Pag tinanong na.

"Kasi ang hirap namang pangunahan, baka naman sagutin ko kaagad, biglang mag-isip na magtanong pagkatapos ng presscon, malaman niya, ’Uy, yes pala, ha,’ tanong agad-agad.

"So, depende, pakiramdaman natin."

NEW PROJECTS. Samantala, bukod sa bagong proyektong ito sa telebisyon ay ipinagpasalamat din ni Toni ang pagkaka-nominate ng pelikulang Thelma sa nalalapit na Star Awards For Movies ng PMPC at Golden Screen Awards ng EnPress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Paul Soriano ang direktor ng naturang pelikula.

Bukod dito ay malugod ding ibinalita ni Toni na malapit na rin niyang simulan ang paggawa ng isang bagong pelikula.

"Meron kaming gagawin sa Star Cinema.

"Actually, hindi ko pa kasi puwedeng sabihin kasi mommy ko pa lang ang nag-meeting.

"Kapag nagkaroon na ng story conference, at final na talaga lahat, siguro ’yon, puwede ko nang sabihin kung ano ’yong pelikulang gagawin namin.

"Pero so far, right now, hindi pa, but definitely there’s a movie na gagawin this year."

Bagamat hindi sinabi ni Toni kung sino ang kanyang makakatambal sa bago niyang pelikula at kung ano ang magiging tema nito, sinabi naman niyang handa siyang tumanggap ng ibang genre ng pelikula bukod sa romantic-comedy na nakasanayan na niya.

Handa na rin kaya siyang gumawa ng daring roles sa pelikula?

"Oo, definitely you would want to get roles that can challenge you in many ways other than showing your skin or doing love scene or doing bed scene.

"I can be daring in my roles, but doing heavy hardcore love scene, bed scene, kissing scene, definitely hindi ko pa nakikita ’yong sarili ko na gumagawa noon.

"But definitely, challenging roles are very much welcome sa akin," saad niya.

Bukod pa din sa showbiz career ay isang negosyo naman ang sinisimulan ni Toni na itayo kasama ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.

"Actually this year, hindi ko pa lang puwedeng i-announce, but siguro mid this year, malalaman din nila.

"Me and my sister are going to venture into something that we haven’t done before.

"Magko-collaborate kaming dalawa and that’s something that we’re really looking forward to and, ito na, pinagtatrabahuhan na namin ngayon, so malapit na rin.

"Sobrang excited kami kasi hands-on kami doon sa ginagawa naming ’yon and we’re actually starting right now, nagsisimula na kami ng buong proseso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN