Bureau of Immigration says Hollywood actor Taylor Kitsch never set foot in the Philippines

The Bureau of Immigration released an official statement to clarify that John Carter star Taylor Kitsch, who claimed to have been harassed in an airport in the Philippines, never set foot in the country. BI spokesperson Ma. Antonnette Mangrobang explains in an interview, "We also checked the flight manifests of all airlines from Japan to Manila and it all yielded negative results."


Tila napagkamalang Pilipinas ng Hollywood star na si Taylor Kitsch ang bansang Indonesia.

Mabilis na kumalat sa social networking sites ang paglalahad ng Canadian actor ng kanyang masamang karanasan diumano sa Philippine airport sa programang Late Show With David Letterman noong nakaraang linggo.

Sa nasabing interview, ilang beses binanggit ni David Letterman ang "Philippines."

Ayon kay Kitsch, na-hold diumano siya sa ng isang Customs officer at pinagbawalan makapasok sa bansa mula sa Japan.

Nabanggit din ni Kitsch na sinubukan siyang hingan ng cell phone ng Customs officer nang gamitin niya ang iPhone niya upang makahanap sa Internet ng datos na makakapagpatunay na isa siyang Hollywood actor.

Nang sabihin ni Letterman na si Kitsch ay sabay na nag-promote at gumawa ng pelikula sa Pilipinas, sumagot ang aktor ng: "Oh, yeah."

(CLICK HERE to view related video.)

Ang pelikulang tinutukoy ni Kitsch ay ang Savages ng kilalang Hollywood director na si Oliver Stone.

CUSTOMS REACTS. Agad na napukaw ang atensiyon ng Bureau of Customs Commissioner na si Ruffy Biazon dahil sa pahayag ng banyagang aktor.

Sa kanyang blog, sinabi ni Biazon na walang record ang Bureau of Immigrations (BI) na dumating si Kitsch sa Pilipinas.

Personal din daw kinontak ni Biazon ang U.S. authorities para alamin kung gumagamit ng ibang pangalan si Kitsch sa kanyang pasaporte.

"Taylor Wade Kitsch" ang lumalabas na pangalan ng aktor sa kanyang pasaporte, subalit wala ring lumabas na ganitong detalye sa record ng BI.

Samantala, sa website naman na www.balifilm.com, makikita ang ilang larawan nina Kitsch, Oliver Stone, at iba pang kasama sa pelikula sa isang airport sa Indonesia.

Nabanggit din ni Commisioner Biazon na walang inilabas na permit para sa location shooting ng Savages sa Pilipinas.

Umaasa rin ang Customs Commissioner na linawin ni Kitsch na ang tinutukoy niyang airport incident ay hindi nangyari sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In the meantime, Mr. Kitsch, perhaps you can help us redeem our lost pride. Not just my agency, but my country as well," sabi ni Biazon.

IMMIGRATIONS DENIES KITSCH VISIT IN PHL. Samantala, sa isang official statement mula sa Bureau of Immigration, pinabulaanan din nila ang diumano’y pagpunta ni Kitsch sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Philippine Star ngayong araw, Marso 5, sinabi ni BI spokesperson na si Ma. Antonnette Mangrobang na hindi sila nag-issue ng alien certificate alien certificate of registration-identity card (ACR I-Card) para kay Kitsch.

Dagdag pa niya, "We also checked the flight manifests of all airlines from Japan to Manila and it all yielded negative results.

"We will also extract the footages from closed-circuit television cameras at the airport to check if indeed he arrived and was processed in our immigration counters."

Posible nga kayang sa Indonesia nangyari ang sinasabing airport incident ni Kitsch at hindi sa Pilipinas?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN