Bettina Carlos on identity of her daughter’s father: "I try to avoid talking about his identity because he doesn’t play the role of a father to my daughter anyway."

Bettina Carlos on her daughter’s father: "I prefer not to [talk about it] because he isn’t playing any role naman, di ba? And it is okay to talk about it because ang daming tatay ng anak ko in my family and all my friends, all the love that they can give is more than what that single person can give."


Masayang-masaya si Bettina Carlos sa naging kinalabasan ng inihanda niyang first birthday party para kanyang anak na si Gummy.

Summer-themed party ang inihanda ni Bettina kaya naman pati ang outfit ng kanyang anak na si Gummy ay pang-summer din—naka-bathing suit na pula na may nakasulat na "Gummy" sa likuran ang birthday celebrant.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa naturang birthday party na ginanap noong Sabado, Marso 3, sa Arts in the City sa Global City, Taguig.

"Kasi actually medyo frustration ko ’to!" natatawang pag-amin ni Bettina nang tanungin ng PEP kung bakit summer ang napili niyang tema para sa kaarawan ng anak.

"Kasi, kahit matanda na ako, gusto ko ng kiddie party for myself and that was supposed to be a year before I got pregnant.

"Pero I never had the chance to throw it kasi, number one, Christmas ’yong birthday ko. Parang feeling ko, Sino ba naman pupunta ng birthday ko, e, Pasko, di ba?’

"So, sabi ko, sige sa magiging anak ko na lang.

"E, nataon naman na Marso ang kaarawan ng anak ko, e, di summer talaga.

"At saka mahilig sa tubig ’yong anak ko, hindi siya umiiyak sa tubig. She loves water, perfect talaga."

PARTY PLANNING. Oktubre pa lamang daw noong nakaraang taon ay sinimulan na ni Bettina ang preparasyon para sa birthday party ng kanyang anak.

Kuwento niya, "I’m very proud kasi ako lahat ’to!

"October pa lang, lahat na nagtatatawag na ako. I have no ideas on how to throw a first birthday party kasi in my barkada, ako ’yong unang nagkaanak.

"So, wala naman ako makatanungan sa mga college barkada ko, di ba? So, all I did was research, ganyan-ganyan.

"I didn’t get a party planner kasi feeling ko, I have so much time in my hands, why ask somebody else to do it for me if I can do it myself, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I only got suppliers for the decorations, ganyan, kasi hindi ko na kaya ’yan, hindi ko na forte.

"Aminado naman ako, e, ’tsaka masyadong stressful ’yan.

"Pero, ’yon lahat, ako.

"And without the help of my family, lahat naman ito hindi magiging possible, hindi ’to magiging ganito kasaya at ka-manageable ang buhay ko kung hindi dahil sa nanay ko, sa lola ko.

"Kasi iba talaga ’yong pagmamahal nila, sa kanila ko talaga nakikita ’yong ganito maging nanay."

BACK IN SHOWBIZ. Simula nang magbuntis si Bettina ay nabawasan na ang kanyang exposure sa telebisyon.

Bago siya magbuntis ay napanood siya sa early primetime soap ng ABS-CBN na Momay (2010), at sa daytime drama series na Magkano ang Iyong Dangal? (2010).

Sinabi ni Bettina na hindi naman siya nahirapang bumalik ng showbiz matapos niyang manganak.

"It feels nice to know na mayro’n akong babalikan," pahayag ng Kapamilya actress.

"I’m very grateful to my Star Magic family because they never left me, they never dropped me, in fact, they made me feel more like a family pa.

"Kasi they are part of everything. They gave me baby shower, hanggang binyag, hanggang first birthday, nandiyan sila.

"So, I’m just so happy and I just feel so blessed.

"Parang this baby [Gummy] made everything fall in to place."

Kaugnay nito, mas bukas na rin daw siya na gumawa ng mother roles, lalo na’t may anak na siya sa totoong buhay.

"Oo naman!" bulalas ni Bettina.

"Ako naman, I don’t mind kasi, one, that’s part of my job.

"My morality and my preferences as a person is separate from my personality as an actress.

"Magkaiba dapat ’yong prinsipyo mo diyan, ’yong moralidad mo diyan, lalo na ngayon may anak na ako, di ba?"

CHILD’S FATHER. Samantala, proud na pinahayag ni Bettina na siya’y "single parent—single person, two parents, kasi nanay ako, tatay din ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sinabing ito ni Bettina ang pinagmulan ng aming pagtataka kung nasaan nga ba ang ama ng kanyang anak.

Sagot naman ni Bettina, "I try to avoid talking about his identity because he doesn’t play the role of a father to my daughter anyway.

"But it’s also okay to talk about ’the father’ because ang daming tumatayong tatay sa anak ko.

"More than me being the mother, ako din ang father.

"My brothers, my dad, all my friends and family, we’re all Gummy’s father.

"All the love that they can give is more than what that single person can give."

Single parent man siya, hindi raw ito naging mahirap para sa aktres.

Ani Bettina, "Alam mo, kung mahal mo ’yong anak mo, kung mahal mo ’yong ginagawa mo, hindi mo mararamdaman ’yong pagod, ’yong hirap, ’yong puyat.

"Kasi you do it for someone you love. So, you don’t mind doing it all."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN