John Lloyd Cruz admits doing stupid things when he is broken-hearted; reveals he almost quit showbiz

"Basically you get stupid. Parang nawawalan ka ng ano, e... nakakalimutan mo yung sarili mo. Mas hindi mo tuloy minamahal yung sarili mo. You do things na hindi mo dapat gawin," says John Lloyd Cruz about being broken-hearted.


Kontrobersiyal ang mga pinagdaanan ni John Lloyd Cruz sa kanyang buhay pag-ibig. Pero higit sa mga intriga, mas nahirapan pala siyang harapin noon ang pagiging broken-hearted.

Sa panayam kay John Lloyd ni Carmina Villarroel sa Showbiz Inside Report na napanood noong Sabado, Marso 3, sa ABS-CBN, inamin ng Box-Office King na may tendency siyang maging "self-destructive" kapag nasasaktan at nabibigo sa pag-ibig.

Ayon kay John Lloyd, "Basically you get stupid. Parang nawawalan ka ng ano, e... nakakalimutan mo yung sarili mo.

"Mas hindi mo tuloy minamahal yung sarili mo. You do things na hindi mo dapat gawin."

Pagbabalik-tanaw nga ni John Lloyd sa isang insidente, "One time, sinundo ako ni Tita Nenette, yung handler ko from Star Magic. Dinatnan niya ako sa bathtub, suot ko yung clothes ko from last night. Ayokong tumayo, parang ayaw mong mag-function."

Kapag naaalala niya ang mga "stupid things" na ginawa niya noon, ngayon ba sinasabi niya sa sarili niya na hindi na niya ulit gagawin ang mga ito?

"Naulit din siya nung mga panahon dati. Pero it’s something na I don’t think mangyayari pa ulit."

FIRST GIRLFRIEND. Paano naman siya kapag nai-in love?

"Ewan ko. Sana naman nae-enjoy nila ako," sagot ni John Lloyd.

Bakit "nila," ang dami?

"Hindi, siyempre nung mga naging girlfriend ko."

Anong age ba siya nung magkaroon siya ng first girlfriend?

"Twelve!" sabay tawa ni Lloydie.

Ito ba yung Liezel?

"Oo."

I-describe mo naman siya?

"Maputi, wavy yung hair. Mas matangkad ako sa kanya. Maganda."

Ano ang nangyari bakit sila naghiwalay?

"Ano ka ba naman? Twelve ako," biro ni Lloydie kay Mina.

SHAINA MAGDAYAO. Ilang showbiz at non-showbiz girls na nga ang sumunod na naging girlfriends ni John Lloyd. Kabilang dito sina Kaye Abad, Ciara Sotto, Liz Uy, at Ruffa Gutierrez.

Ang present girlfriend niya nga ay si Shaina Magdayao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ngayon ni Shaina? Pagkatapos ng hiwalayan at balikan masasabi niya ba na stronger na ang relationship nila ngayon?

"Definitely. Mas okay kami. Mas naging sensitive kami ngayon sa needs ng isa’t isa.

"Sana talaga, sana I’m doing a good job being Shaina’s boyfriend," sagot niya.

ENJOYING GIRLY ACTIVITIES. Inamin ni John Lloyd na hindi siya nahihirapang makasundo ang girlfriend niya sa ilang bagay dahil mahilig din siya sa ilang activities na gustong gawin ng babae.

"Kasi ako as a boyfriend, in general, kasi ako, nae-enjoy ko yung mga ginagawa ng mga babae."

Katulad ng ano... shopping? Nag-e-enjoy siya?

"Oh, yes. Take me there, I wanna go there. Patagalan tayo."

Magbibitbit siya ng shopping bags?

"Hello, Christmas tree ako!" biro naman ng aktor.

May iba pa raw gawaing babae na ine-enjoy si Lloydie.

"I enjoy going to yung mga nail salon. Lately, parang nahihilig din ako sa spa, na dati hindi naman. Kahit grocery shopping, let’s go."

Seloso ba siya?

"Hindi masyado."

Kung nagseselos siya, saan siya nagseselos?

"’Pag nakita mo. ’Pag nakakita ka ng even the slightest hint."

Paano kung may kausap lang?

"Hindi ako nagseselos, pero naiirita ako doon sa mga lalaki. Nakakairita yung mga lalaki na pumoporma."

LLOYDIE’S LOVETEAMS. Kasama rin sa mga napag-usapan nina Carmina at John Lloyd ang mga aktres na naging ka-loveteam ng aktor.

Ipina-describe ni Carmina ang mga aktres na ito at kung ano sila para kay Lloydie.

Unang pangalan na binanggit si Kaye Abad, sabay tanong kung naging sila ba dati?

"Oo."

Matagal kayo?

"Mga nine months lang."

Bakit?

"Mga ilang pagkakamali."

Pagkakamali mo?

"Oo. Pero si Kaye, mahal ng pamilya ko iyan."

Next si Bea Alonzo?

"Ang tagal naming hindi nag-usap niyan. Bago kami nag-usap, it took us one movie and one teleserye yata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sarah Geronimo?

"Si Sarah is very entertaining. At saka ako, fan talaga ako ni Sarah, e."

Si Toni Gonzaga?

"Si Toni, fan din ako niyan. Fan ako ng wit niya, ng humor niya."

Si Angel Locsin?

"Natutunan ko sa kanya kung paano mag-alaga ng leading lady. Parang iba rin pala na matuto kang mag-alaga ng babae sa set."

ALMOST QUIT SHOWBIZ. Isa si John Lloyd sa pinakamatagumpay na mga aktor ngayon sa showbiz. Pero inamin niya na nagkaroon ng point sa buhay niya na muntik na siyang mag-quit sa showbiz.

"I wanted to stop, I wanted to quit. Twenty-two yata ako noon.

"Napaka-personal naman noon, kasi hinahanapan mo ng higher purpose yung ginagawa mo.

"Parang in-associate ko yung fulfillment and personal satisfaction sa serving others, especially the less-fortunate ones.

"So I wanted to explore my options working for the UN, UNICEF.

Ayokong pumirma sa Star Cinema, ayokong pumirma sa ABS," sabi ng 28-year-old actor.

Pero nagbago nga ang isip ni John Lloyd na iwan ang showbiz nang may mag-advice sa kanya.

"Hanggang sa may mga nakausap ako na pina-realize nila sa akin na, ’Baka hindi mo naiintindihan kung paano ka rin nakakatulong naman.’

"Ang pinaka-tumatak noon sa akin, may nagsabi sa akin na, ’There’s a time for everything, try to appreciate kung ano yung meron ka ngayon because that’s rare.’"

MORE TO ACHIEVE. At this point ng kanyang kasikatan, ano pa ang mga gusto niyang gawin?

"Marami pa akong kailangang gawin. Hindi ko pa nama-maximize yung potential ko as an actor.

"On a more personal level, gusto ko talagang ma-achieve yung para sa amin [family], you know, to be able to provide yung sustainable quality of life.

"Siyempre ngayon may inaasistihan tayo, may tinutulungan tayo.

"So, gusto ko mailagay muna sa ayos yun at saka ko iintindihin yung akin," saad ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN