Garrie Concepcion says Congressman Iggy Arroyo was like a real father to her; denies mom Grace Ibuna only wants money

Garrie Concepcion recalls her family’s last Christmas and New Year with Congressman Iggy Arroyo: "Nakakatuwa nga po kasi, last Christmas, when my sibling and I got to London, set up na pong laha—may Christmas tree, Christmas balls na may glitters pa, ’tapos may angel. ’Tapos, I heard from my mom that Dada [Iggy] really prepared for that. It was so funny, he even bought this Santa Claus costume. And my mom said... he was reall


Sa pagkamatay ni Congressman Iggy Arroyo sa London noong January 26, 2012, nagkaroon ng malaking kontrobersiya sa pagitan ng dalawang babae sa buhay niya—sina Aleli Arroyo at Grace Ibuna.

Si Aleli ang legal wife ni Iggy, samantalang si Grace naman ang longtime girlfriend ng kongresista.

Dahil sa kontrobersiyang ito ay nadawit din ang iba pang mga taong may kaugnayan kay Iggy, tulad ni Garrie Concepcion.

HER BIOLOGICAL FATHER. Si Garrie ay anak ni Grace sa aktor na si Gabby Concepcion at kapatid sa ama ni KC Concepcion.

Live na nag-guest si Garrie sa The Buzz kahapon, March 4.

Bagamat si Gabby ang tunay na ama ni Garrie, si Iggy ang halos nakagisnan niyang ama kung kaya’t naging malapit siya rito.

Ang unang tanong ni Boy Abunda kay Garrie ay kung kailan niya huling nakita ang amang si Gabby at kapatid na si KC.

"Last time ko pong nakita si Ate was before I left. Noong nandito po si Cloie. That was January po," sagot niya.

Si Cloie Syquia Skarne ay ang isa pa niyang kapatid sa ama; anak ni Gabby sa dating aktres na si Jenny Syquia.

What about Gabby?

"Si Papa, I saw... I think before Christmas.

Pero nagte-text at nagkakausap naman daw sila nito.

Pahabol ni Garrie, "Yes, even when I was in London, my Papa was texting me."

Kinumusta rin ni Boy ang pagkikita nila ni Cloie.

"Napaka-overwhelming po ng feeling.

"I guess, iba yung bonding nila ni Ate [Cloie] but it was really, really nice to see her.

"Kasi dati, nakakapag-uusap lang kami sa Facebook. Mine-message ko siya."

Ano naman ang napag-usapan nila ni Cloie?

"Honestly, we didn’t have the chance to spend time together.

"It was only the first time that when I met her, the first time I talked to her," sabi ni Garrie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONDON TRIP. Pagkatapos nito ay tinanong ni Boy si Garrie tungkol sa pag-alis ng mommy niyang si Grace papuntang London kasama si Iggy para sa pagpapagamot ng huli.

Naunawaan ba niya ang ginawa ng ina na pag-iwan sa kanya at sa dalawa pa niyang kapatid?

"Yes, Tito Boy, nang buong-buo.

"You know, I’m very, very blessed.

"Very blessed ako to have two fathers.

"Siyempre, meron si Papa... Nandiyan si Papa Gabby at nandiyan din po si Dada [tawag niya kay Congressman Iggy]."

Bakit siya sumunod sa London?

Paliwanag ni Garrie, "Kasi po dapat uuwi na sila. But they found out at sinabihan sila ng doctor kung puwedeng mag-stay muna for more tests and observation.

"And since they were there and we’re always together during Christmas and New Year, they decided to let us follow them in London."

Kumusta ang Christmas at New Year nila sa London?

"Nakakatuwa nga po kasi last Christmas, when my sibling and I got to London, set up na pong lahat—may Christmas tree, Christmas balls na may glitters pa, ’tapos may angel.

"’Tapos, I heard from my mom that Dada really prepared for that."

Hindi naman na napigilan ni Garrie na maging emosyunal sa puntong ito.

Aniya, "It was so funny, he even bought this Santa Claus costume and my mom said...

"He was really, really bizarre... or hindi naman po strange, pero parang kakaiba na parang sobrang excited niya for Christmas na, ’Tara na, bili tayo ng Christmas trees. Gusto ko fresh Christmas tree. At saka gusto ko, pagdating ng mga bata dito, okay na lahat.’"

May nangyari rin daw noong Valentine’s Day na kinuwento ni Garrie kay Boy.

"Opo. Kasi Dada would always make sure that my mom would have the most romantic Valentine’s.

"And this is the first Valentine’s after six years na we were together na wala na po si Dada sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang ginawa ko po, I went to the grocery, I cooked for her, and I bought flowers for her.

"And I wrote note and I said, ’Mom, I know that this is not as much as romantic as Dada would prepare it for you. But know that your children are here for you.’

"And I really appreciate the fact that even si Ate Bianca and si Ate Dina [Iggy’s daughters], minahal nila po kami na parang totoong kapatid."

Kinamusta rin ni Boy ang relationship ni Garrie sa anak ni Iggy na sina Bianca at Dina.

"We treat each other as real brother and sister up to this very moment," sagot niya.

RELATIONSHIP WITH IGGY. Kumusta ang relasyon nila ni Iggy at ang mga huling araw nila?

Sabi ni Garrie, "Actually, Tito Boy, I wouldn’t call it last day because his death wasn’t expected.

"In fact, when we found out, yung result po with his liver, all negative— meaning, he was getting well.

"He was ready to come home. In fact, tumawag na po siya sa gusto niyang tawagan, family and friends, and even said, ’Uuwi na ’ko.’"

How was that time—happy na and ready to come home?

"Opo. That time kasi, nauna po kaming mga kapatid ko na umuwi. And they were supposed to follow a few weeks after."

Sa necrological service sa London, nagpasalamat si Garrie kay Iggy for loving her mom. raw ang tumatakbo sa isipin nito noong sinasabi niya yun?

"That was actually a Christian service wherein Dada called his church.

"Kasi po, with Dada, doon ko po nakita na masaya ang mommy ko and he really loves my mom so much, and he loves me and my sibling.

"So much like we’re his own children.

"And even yung mga anak niya, loves us too.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, it was painful for me to see my mom hurt so bad and also to see my two younger sibling feel that way.

"We already had a complete family and then he was taken away," saad ni Garrie.

OTHER WOMAN. Ano naman ang reaksiyon ni Garrie sa mga akusasyon laban sa kanyang ina na si Garce; na pera lamang daw ang habol nito kay Iggy at ito’y "other woman" o "kabit"?

"Masakit po na marinig ang mga ganoong bagay, especially po para sa pamilya ko.

"Alam po kasi namin ang totoo kaya kami nasasaktan.

"Ang dami pong taong nagdya-judge na sa tingin ko po, sana tumigil na kayo.

"They really love each other sincerely. And I witnessed everything from day one.

"They were always there for each other," saad ni Garrie.

MESSAGE FOR MOM. Nagbigay rin ng mensahe si Garrie para sa kanyang ina.

"You just have to be strong and, you know, I’m there for you always. Nandito kaming lahat para sa ’yo.

"Dada loves you so much. At hindi rin naman niya gusto na makita ka in pain.

"I know in time, you will get through this.

"And with regards, Tito Boy, na ang habol ng mommy ko, pera lang, it’s not true.

"Kasi yung mommy ko na nga ang nagsasabi na puwede niyang ibigay lahat.

"Kung gusto niya, ibibigay niya lahat bumalik lang si Dada.

"My mom changed yung buong buhay niya because of Dada.

"Yung pagmamahal na binigay nila sa isa’t isa, ang laki ng binago ng buhay ni Mommy, buhay namin, in the sense na punung-puno ng pagmamahal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN