Aljur Abrenica to spend birthday with grand thanksgiving party in Batangas; wants Rhian Ramos, Kylie Padilla, and Kris Bernal to be his special guests

Isang two-day celebration ang binabalak ni Aljur Abrenica sa Marso 24 at 25 upang ipagdiwang ang kanyang ika-21 kaarawan at ika-limang anibersaryo sa showbiz. Isang engrandeng party ang ihahanda ng kanyang pamilya sa Batangas kung saan imbitado ang kanyang mga kaibigan sa showbiz at mga fans. Imbitado rin siyempre ang tatlo sa pinakamalapit na babae sa kanya sa showbiz na sina Rhian Ramos, Kylie Padilla, at Kris Bernal.


Masaya si Aljur Abrenica sa muling pagtatambal nila ng aktres na si Rhian Ramos sa pelikulang My Kontrabida Girl.

Ito ang inilahad niya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media kanina, Marso 5, sa elimination round ng Century Tuna Superbods Contest 2012 na ginanap sa Seventh High, The Fort.

Halos dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang magsama sila sa seryeng Ilumina at ayon kay Aljur, halos walang ipinagbago ang pagsasama nila ni Rhian.

Ni hindi rin niya itinanggi ang sinabi ni GMA News reporter Nelson Canlas na nahuli silang naglalambingan ng aktres sa set ng kanilang pelikula.

"Opo naman. Iyong nakita n’yo sa amin ni Rhian, e, normal sa ’min ’yon.

"Ever since naman, Ilumina pa lang, gano’n na talaga kami. Talagang makulit lang talaga si Rhian, e.

"Saka ’pag natiyempo talaga, ako rin makulit din ako, e, so kulitan ’yong nangyayari, lambingan, kantiyawan," paliwanag ng Kapuso actor.

Ayon kay Aljur, kahit matagal silang hindi nagsama ni Rhian sa isang proyekto ay hindi naman tuluyang naputol ang kanilang komunikasyon.

"Kahit hindi kami nagkikita ni Rhian, kahit hindi kami nagkasama ng matagal, nagkikita pa rin naman kami sa Party Pilipinas at sa iba’t ibang events.

"At natutuwa ako kasi kung paano ’yong relationship namin bilang isang magkaibigan, e, hindi nawala.

"Iyong tiwala namin sa isa’t isa, nandoon pa rin."

NO ROMANTIC RELATIONSHIP. Bagamat magkapareha sila harap ng kamera, wala namang nabuong romantikong pagtitinginan sa kanila.

Sa katunayan ay nali-link sila sa iba’t ibang personalidad.

Hindi kaya sila pinagseselosan ng kani-kanilang love interests sa tunay na buhay?

"Hindi naman, saka wala naman [love interest] in real life!" natatawang sagot ni Aljur.

"Kung may magselos man siguro, wala naman, hindi naman dumating sa puntong gano’n.

"Kami naman ni Rhian, alam naman natin na nagtatrabaho lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And me and Rhian, good friends lang talaga kami."

CONTROVERSY. Hindi rin kaila kay Aljur ang mga pinagdaanang unos ni Rhian nitong mga nakalipas na buwan.

May kinalaman ito sa hiwalayan ng aktres at ex-boyfrind nitong si DJ Mo Twister.

Sa ilang buwang itinakbo ng shooting ng pelikula, napag-usapan ba nina Aljur at Rhian ang tungkol sa naging problema ng kanyang leading lady?

"Well, siyempre sa sobrang close namin ni Rhian, napag-usapan din namin ’yang mga bagay na iyan.

"At kahit papaano nakapagbigay ako ng advice, pero sa amin na lang ’yon," sabi ni Aljur.

Ano naman ang naramdaman niya nang magkausap sila ni Rhian tungkol sa mga intrigang iyon?

"Natuwa ako at nalungkot ako.

"Natuwa ako kasi gano’n pa rin ’yong trust niya sa akin. Nalungkot ako kasi sa nangyari sa kanya.

"Pero natuwa ako kasi nakita ko sa kanya ngayon na iba ’yong aura niya ngayon.

"Kumbaga, si Rhian kahit na [malungkot ang pinagdaanan], e, happy [na siya ulit]

"Happy ako kay Rhian, happy ako sa kanya, na nakabalik na siya sa showbiz, sa atin.

"Nakabalik pa rin siya sa trabaho and nakasama ko pa rin siya."

ON ROBIN AND KYLIE PADILLA. Hiningan naman ng reaksiyon ang hunk young actor tungkol sa diumano’y bansag sa kanyang "bubuyog" ni Robin Padilla, ama ng dating napabalitang nililigawan niya na si Kylie Padilla.

"Uhm, sa totoo po, hindi ko po alam kung anong ibig niyang sabihin do’n.

"Pero masaya pa rin ako dahil napapansin tayo ng isang Mr. Padilla, ang ating Bad Boy ng industriya," sagot ni Aljur.

Kumusta na nga ba sila ni Kylie?

"Well, kami ni Kylie, friends pa rin, gano’n pa rin.

"Madalang na lang kami magkita, sa Party Pilipinas na lang."

Dagdag pa niya, "Sabihin na lang natin na mas naging focused lang kami sa trabaho ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And masayang-masaya ako sa nangyari sa kanya ngayon kasi tuluy-tuloy ’yong show niya, tuluy-tuloy ’yong mga projects na dumadating.

"Sobrang busy na nga niya, e.

"Pero ’yong kuwentuhan, ’yong balitaan, hindi pa rin nawawala."

Umamin din si Aljur na nagkaka-text pa rin naman sila ni Kylie ngayon.

Hindi ba natatakot si Aljur na may ibang lalaking manligaw at mapalapit kay Kylie ngayon na dumalang na ang kanilang pagkikita?

"Alam ko naman sa sarili ko na marami talagang naghahangad sa kanya at maraming gustong manligaw.

"Hindi naman ako natatakot o ano man dahil kami naman ni Kylie, e, magkaibigan lang talaga.

"At ako, nandito lang ako para sa kanya para makatulong, kahit papaano, sa abot ng aking makakaya.

"And kung may manligaw man sa kanya, e, sana, ipinagdadasal ko lang na...

"Kasi pare-parehas lang naman tayong tao, e, pare-parehas lang naman tayong hindi perfect, so pinagdadasal ko lang naman sana ’yong mga manliligaw sa kanya, malinis ’yong hangarin at aalagaan talaga siya ng mabuti."

KRIS BERNAL. Kapansin-pansin naman ang malambing na pakikitungo ni Aljur at dating ka-loveteam na si Kris Bernal sa isa’t isa sa episode ng Party Pilipinas noong Linggo, Marso 4. May ibig sabihin ba ito?

"Well, kami naman kasi ni Kris, sobrang na-enjoy ko ’yong prod namin kahapon sa Party Pilipinas, kasi sobrang kumportable na kami sa isa’t isa—at saka na-miss namin ’yon, e, na-miss ko talaga.

"At saka kahit nasa stage kami, doon ko lang nararamdaman ’yong... sa kanya ko lang nararamdaman na ’pag kasama ko siya, na sobrang kumportable ko na walang... hindi ako naho-hold back, talagang let go lang, talagang kulitan lang kami.

"Ano ’yon, e, niloloko ko siya, kasi si Kris naman, nakakakanta siya pero lagi niyang inaano ’yong sarili niya na parang, ’Bebs, ano ba ’to? Paano ko ba gagawin ’to?’ ganyan ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Kaya mo ’yan.’ ’Tapos ’yong reaksiyon niya, ’yong parang talagang wala siyang bilib sa sarili niya minsan, so pinagtatawanan ko siya sa reaksiyon niya.

"Pero marunong kumanta si Kris, may boses siyang kumanta; hindi lang siya nag-eensayo."

Tila wala nang sabit si Kris ngayon matapos humupa ang intrigang nililigawan siya ng aktor na si Jolo Revilla.

Masasabi ba ni Aljur na nagbago ang pakikitungo sa kanya ng dating ka-loveteam nang magkaroon ito ng ugnayan sa ibang lalake?

"Si Kris naman, single man o meron man siya diyan na manliligaw or boyfriend, e, wala namang nagbabago sa amin.

"Masaya pa rin ako, hindi naman magbabago.

"Every time na magkasama kami.. ’Yon ’yong kinatutuwa ko, minsan kasi ’pag may boyfriend na nag-aano, e, nag-aalangan.

"Si Kris, hindi, and happy ako dahil ipinapaintindi niya sa mga nagiging partner niya na gano’n talaga kami and wala namang [malisya]."

BIRTHDAY CELEBRATION. Isang malaking selebrasyon naman ang nakatakdang idaos ni Aljur sa darating na ika-21 na kaarawan niya sa Marso 24.

"Actually two days celebration ’to, e, pero inaayos ko pa ’yong sa 25th.

"Kasi sa 25th is my showbiz anniversary—five years na," sabi niya.

Sa bar nila sa Batangas umano gaganapin ang nasabing party na ipinangako ni Aljur na magiging star-studded.

Imbitado ang pamilya, kaibigan, katrabaho, press, at fans ni Aljur sa naturang party.

"Ang party kasi na ito walang ticket, lahat free entrance.

"Kumbaga, itong gagawin namin ni Daddy is sukli namin sa lahat, thanksgiving party namin.

"So, mag-e-enjoy tayo lahat—inuman, ’tapos walang bayad ’yong entrance, saka maraming artista."

Imbitado rin siyempre ang tatlo sa pinakamalapit na babae sa kanya sa showbiz na sina Rhian Ramos, Kylie Padilla, at Kris Bernal.

Sa tatlong nabanggit na aktres, sino ba ang magiging special guest ni Aljur?

"Wala naman, wala namang special guest...pero sana lahat sila nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko silang lahat pumunta para mas marami, mas masaya!" sambit ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN