Derrick Monasterio sings My Kontrabida Girl theme song with Julie Ann San Jose; dreams of recording his own album

Derrick Monasterio on his reaction when told he will sing My Kontrabida Girl theme song: "Siyempre po nakakakaba kasi first serious na recording ko ito at theme song pa ng movie. Yung mga una ko namang naging recording, para naman sa soundtrack ng Tween Academy. Marami naman kami na nandoon. Pero itong theme song ng My Kontrabida Girl, kaming dalawa lang ni Julie Ann kaya kailangan maganda ang pa


Masayang-masaya ang tween star na si Derrick Monasterio dahil siya ang napiling umawit ng theme song ng romantic-comedy movie ng GMA Films, ang My Kontrabida Girl, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

The theme song for the movie is titled "Ang Aking Puso" composed by Janno Gibbs na originally ay ini-record niyang ka-duet si Kyla.

Sa panibagong recording para sa pelikula, ang ka-duet naman ni Derrick sa theme song ay si Julie Anne San Jose.

Nai-shoot na nila ang music video at kasama rin sina Derrick at Julie Anne sa pagpu-promote ng My Kontrabida Girl.

Kuwento ni Derrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinabahan siya nang sabihan siya ng GMA Films na siya ang napili para maka-duet ni Julie Anne.

"Siyempre po nakakakaba kasi first serious na recording ko ito at theme song pa ng movie.

"Yung mga una ko namang naging recording, para naman sa soundtrack ng Tween Academy. Marami naman kami na nandoon.

"Pero itong theme song ng My Kontrabida Girl, kaming dalawa lang ni Julie Anne kaya kailangan maganda ang pag-recording namin.

"Inaral ko po talaga yung song at kung ano ba ang emotions na hinihingi ng song.

"Kailangan kasi ma-feel ko ang song para mas maganda kapag inawit ko na.

"Sa awa naman po ng Diyos, na-record namin ni Julie Anen nang maganda at maganda rin ’yung music video na kinunan for the movie."

Nakausap ng PEP si Derrick sa technical rehearsal ng Party Pilipinas sa GMA Annex Building noong Sabado, March 3.

First time raw niyang maka-duet ang ka-loveteam ni Elmo Magalona na si Julie Anne. Bilib daw si Derrick sa boses nito.

Sabi ng young actor, "Maganda po ang boses ni Julie Anne. It’s an honor for me na maka-duet po siya.

"Akala ko nga po hindi kami babagay kasi sobrang baba ng tono ng boses ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nakapag-adjust naman kaming dalawa sa isa’t isa noong recording kaya maganda lumabas.

"Nakakapag-falsetto pa naman po ako kahit papa’no.

"First time ko ngang maka-duet si Julie Anne. Sa Party Pilipinas kasi, hindi naman kami ang partners, e.

"Pero mukhang gusto ko pang maka-duet ulit si Julie Anne.

"Siguro sa big promo ng My Kontrabida Girl sa Party Pilipinas, doon kami mag-duet nang live."

Naging sunud-sunod ang singing engagements ni Derrick simula noong pinakita niya ang talent niyang umawit. Nakikipagsabayan na siya sa mga hinahangaan niyang mga singers na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jay-R at iba pa.

HIS OWN ALBUM. Last month ay nakasama ni Derrick sina Sarah Lahbati at Enzo Pineda na mag-show sa Geneva, Switzerland, kung saan hinangaan ng mga Pinoy na naka-base doon ang kanyang pagpe-perform.

Hindi naman itinatanggi ng tween actor na first love niya ang pag-awit at isa rin sa mga pangarap niya ang magkaroon ng sariling album.

"Sana nga po matupad," sambit ni Derrick.

"Bata pa lang po kasi ako hilig ko na ang kumanta.

"Kaya nga po ako sumali sa Kilyawan Boys Choir ng Claret School at nakipag-compete kami sa iba’t ibang contests dito at sa ibang bansa.

"Ang maging singer talaga ang gusto ko, pero mas nauna nga lang ang maging artista ako.

"Noong malaman nilang kumakanta ako, nabigyan ako ng chance na gawin ’yon sa Party Pilipinas.

"Kaya ang kulang na lang ay mag-record ako ng sarili kong album.

"Gusto ko nga po sana mga original songs ang i-record ko."

Habang naghihintay si Derrick na matupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling album, hindi naman siya nagpapabaya sa kanyang trabaho bilang isa sa young stars ng GMA-7.

Mainstay si Derrick sa GMA-7 early primetime telefantasya na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at sa tween series tuwing Sunday na Reel Love Presents Tween Hearts na nasa ika-apat na season na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN