Jericho Rosales finally reveals identity of new girlfriend

Jericho Rosales on girlfriend Kim Jones: "Nagkakilala kami through... asawa ni Dominic Ochoa. Nag-dinner kami kasama ang mga kapatid ni Dominic at mga kids. So ang first meeting namin, kasama ang mga bata at mga isip-bata! Hindi ko alam ang gagawin ko. At first, Australian... ’tapos nakita ko agad, ’Uy, ang ganda ng mata nito, a!’ Nahirapan lang talaga ako yung accent niya kasi talagang ang kapal-kapal dati, Australian talaga."

&l


Matagal nang tinatanong kay Jericho Rosales ang tungkol sa bagong babae sa buhay niya.

Madalas lang niyang sagot ay may special someone siya, pero hindi niya niri-reveal ang identity nito.

Pero Sa The Buzz noong Linggo, March 4, nagkuwento na si Jericho tungkol sa girlfriend at ipinakita na ang mga larawan nito.

Ang bagong girlfriend ng aktor ay si Kim Jones.

British ang ama ni Kim at half-Spanish-half Pinay naman ang kanyang ina, pero lumaki siya sa Australia.

Twenty-four years old si Kim na isang TV host/model sa isang cable channel.

FIRST MEETING. Sa isang TV commercial shoot nagkakilala sina Jericho at Kim. Surfing ang naging parehong interes nila.

Kuwento ni Jericho, "Nagkakilala kami through... asawa ni Dominic Ochoa.

"Nag-dinner kami kasama ang mga kapatid ni Dominic at mga kids.

"So, ang first meeting namin, kasama ang mga bata at mga isip-bata!"

Sa first meeting ba nila ay nag-click agad sila, may spark at crush na niya ito agad?

Nakangiting sabi naman ni Jericho, "Sabi ko, oo... parang na-stunned ako... parang natameme ako! Hindi ko alam ang gagawin ko.

"At first, Australian... ’tapos nakita ko agad, ’Uy, ang ganda ng mata nito, a!’"

Ano ba ang unang nakaka-attract sa kanya sa isang babae?

"Yung vibes kagaad. Yung aura.

"Ako, napi-feel ko ang aura niya. Ako, napi-feel ko ang aura ng isang tao.

"Siya, light, relaxed siya.

"Imagine mo, may mga bata. Siguro ibang babae, baka mao-awkward sila sa ganoon.

"E, ’eto, may mga bata, so feeling ko, ’Uy, family-oriented.’

"’Tapos light lang siya, relax lang.

"Nahirapan lang talaga ako yung accent niya kasi talagang ang kapal-kapal dati, Australian talaga."

COURTSHIP. Niligawan ba niya aagd si Kim simula nang mag-meet sila?

"Hindi, we became friends kasi hindi naman girlfriend ang hanap ko noon.

"Siguro I was looking sa mas makabuluhang pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga time pa na may mga tinatanggal pa ako sa sarili ko noon, e," sagot ni Echo (palayaw ng aktor).

Sabi ng nag-interview kay Echo na si Toni Gonzaga, for the longest time ay naging palaisipan kung sino ba talaga ang bagong girlfriend ng aktor.

Marami raw kasing na-link sa kanya, pero wala siyang kinumpirma sa mga ito.

Ni-reveal din ni Toni na dinadala raw ni Echo si Kim sa New Life Church.

"She’s a Christian ever since," sambit naman ng aktor.

Plus factor ba yun?

"I think, para sa kanya, plus factor. Parang ako ang naka-score."

ETO NA BA? Masasabi niya bang si Kim na nga ang "the one"? Potential wife na ba siya in the future or is too early to tell?

"Well no, not really," sagot ng Kapamilya actor.

"Sinabi ko naman noon na in every relationship naman na nagkaroon ako, I tried my best always, di ba?

"So, of course, when you are in a relationship, you hope for the best, expect the worst, and you hope for the best, para at least, prepared ka.

"But in every relationship, of course, you hope for the best."

SAPAWAN. Samantala, marami ang natutuwa sa muling pagbabalik sa primetime ni Jericho.

Ito ay sa pamamagitan ng Dahil Sa Pag-ibig kunsaan first time nilang magkakatrabaho ni Piolo Pascual.

May nagsasabi nga na baka magkaroon daw ng sapawan sina Echo at Piolo sa serye.

Pero sabi ni Echo, "Well, hindi naman ako nagpo-focus sa ganoon. Mas nagpo-focus ako sa teamwork na gagawin namin.

"Hindi naman ako pupunta sa isang set ’tapos palara yung plano ko, sapawan ko lahat ng mga artista."

Yun nga lang, posibleng magkaroon ng comparison sa kanilang dalawa ni Piolo?

"I guess hindi naman talaga mawawala yun.

"But I’m hoping, imbes na yung comparison ang makita nila, makita nila ang magandang produktong magagawa namin ni PJ [palayaw ni Piolo] sa soap na ito, di ba?" tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN