Isabelle Daza denies turning down role of Rocco Nacino’s leading lady in Lam-Ang

Isabelle Daza on why she doesn’t want to join a beauty contest: "Lagi silang nagsusulat na I have the potential to be the next, you know, beauty queen. And I think it’s a big shoe to fill na... napakataba siyempre ng puso ko na they would think that of me. And they would think that highly of me. And I’m glad, I’m grateful. But it’s really me. Parang happy na ako with this. I wanna focus with GMA siyempre. And hosting. A


Ngayong araw, March 6, ang 24th birthday ni Isabelle Daza.

Si Isabelle ang nag-artista na ring anak ng unang Pinay Miss Universe winner na si Gloria Diaz.

Nauna nang nagkaroon ng celebration para sa kanya sa Party Pilipinas noong Linggo, March 4. Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabelle.

Bukod sa Party Pilipinas, may iba pa bang selebrasyon si Isabelle para sa kanyang kaarawan?

"Actually for this year, I’m not doing anything on my birthday.

"Kasi I’m saving... I’m gonna donate a house for Gawad Kalinga. Kaya wala akong party.

"First time na magbi-birthday ako na walang party," nakangiti niyang sabi.

Dagdag pa niya, "This is my first time na mag-celebrate ng birthday sa showbiz, kasi last year lang ako pumasok.

"And siyempre, I’m excited to be able to share my birthday with everybody sa Party Pilipinas.

"May production number ako na talagang sobrang kinabahan ako!

"Gano’n pala kapag birthday. Todo dance!" sabay tawa niya.

BIRTHDAY WISH. When asked kung ano ang kanyang birthday wish, maikling sagot lang niya: "To significantly change someone’s life."

And that’s her primary reason why she wanted to donate a house to Gawad Kalinga.

Ano naman ang birthday gift sa kanya ng mommy niya?

"Uhm... actually, hindi ko pa alam. Baka surprise.

"Pero ano... siguro when we’re travelling together this Holy Week, magsasama kami ng pamilya ko.

"Siguro iyon na lang ’yon."

MOTHER-DAUGHTER RELATIONSHIP. Okey lang daw naman ang relationship nilang mag-ina.

"Yeah! Laging ang dami niyang advice, ang dami niyang tips.

"Kahit hindi ko tinatanong, ibinibigay! Alam mo na!" tawa ni Isabelle.

But are there times na nagkakaroon din sila ng conflict?

"Uhm... I think so. I think every mother and daughter fight naman.

"Pero nothing too big... and nothing too controversial."

Masaya raw si Isabel na she’s living independently now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, I live alone. Twenty-four na ako, e."

Paano niya napapayag ang kanyang ina na bumukod na siya?

"Uhm... kasi, I guess, because I proved my independence na rin.

"And nagtatrabaho na rin ako. And I was able to buy my own place.

"So, wala na siyang masasabi but to support me and be happy for me," sabi ni Isabelle.

LEADING LADY. Napakunot-noo naman si Isabelle nang mausisa tungkol sa pagiging first choice niya bilang leading lady sana ni Rocco Nacino para sa isasapelikulang Ilocano epic na Lam-Ang.

Is she aware sa napabalitang naghahanap ngayon ng replacement for her?

"No, I’m not aware of it," sabi niya.

Dahil hindi nga siya natuloy na maging leading lady ni Rocco, nagkaroon ng intriga na tinanggihan niya ang role dahil hindi niya gustong makapareha ang aktor.

"Talaga? Hindi... I didn’t even know about it.

"First time ko lang na narinig ’yan sa inyo," sabi niya.

Bagay pa naman daw sa kanya na lumabas sa isang epic movie dahil Pinay na Pinay ang beauty niya.

"Ay, okay! Baka next time!" nangiti lang niyang reaksiyon.

BEAUTY CONTEST. Marami ang humahanga sa kagandahan ni Isabelle na pang-beauty queen ang dating.

She’s not only pretty kundi sexy rin, may height, at matalino na mukhang minana niya sa kanyang Miss Universe titlist na inang si Gloria Diaz.

Pero kahit sinasabing potential beauty queen siya, consistent si Isabelle sa pagsasabing ayaw niya at hindi raw talaga siya interesadong sumali sa anumang beauty contest.

"Oo! Parang mahirap pa ’yon, e.

"I’m happy naman here sa GMA.

"I don’t think I have to join a beauty pageant to prove something, di ba?

"And I’m very proud naman of my mom.

"Kung gusto kong magsuot ng korona, hiramin ko na lang ’yong sa kanya, di ba?" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But how does she feel na marami nga ang naniniwala na she can duplicate her mom’s winning? Na puwede rin siyang maging international beauty queen?

"Oh, I’m very touched!" sambit niya.

"Alam mo ’yong mga tao, ’yong mga fans, ’yong mga friends ko, lagi silang nagtu-tweet.

"Lagi silang nagsusulat na I have the potential to be the next, you know, beauty queen.

"And I think it’s a big shoe to fill na... napakataba siyempre ng puso ko na they would think that of me. And they would think that highly of me.

"And I’m glad! I’m grateful."

Hindi kaya ayaw rin ng mommy niya na sumali pa siya sa anumang beauty pageant?

"No, my mom is very supportive. Sa lahat ng ginagawa ko, go lang siya.

"But it’s really me. Parang... happy na ako with this.

"I wanna focus with GMA siyempre. And hosting. And sports.

"’Yong pagiging beauty queen, I think hindi iyon ang path ko," sabi ni Isabelle.

May mga bagong aabangang projects ba mula sa kanya?

"Actually may meeting kami mamaya about that.

"But right now, happy naman ako sa Party Pilipinas. And sa Eat Bulaga!, nando’n ako araw-araw.

"’Tapos sa Ibilib, at siyempre sa Manny Many Prizes na pinaka-first kong show."

ACTING PROJECTS. Nag-e-enjoy raw si Isabelle nang husto sa hosting. Kailan naman kaya siya sasabak sa acting?

"Ewan ko pa. Masaya naman ako sa ngayon, e.

"Nasa Bubble Gang ako kung minsan. So, that’s my acting na for now."

Pero ’yong heavy drama na roles sa mga soap opera?

"Iyon ang hindi ko pa kaya yata. Hindi ko pa kaya ang heavy drama right now.

"Baka kailangan ko pa ng training o ng workshop. Let’s see," nakangiti niyang sabi.

BOYFRIEND? Kumusta naman ang kanyang lovelife sa ngayon, meron ba siyang special someone?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey naman! Maraming friends!"

Pero ’yong boyfriend talaga?

"Meron!"

Non-showbiz kaya umiiwas siyang mapag-usapan kung sino ba ito?

"Alam mo na," nangiting sabi na niya.

Sa pagkakaalam ng PEP ay French ang boyfriend ni Isabelle na nagngangalang Adrian Semblatt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN