Sam Concepcion wants to follow the footsteps of Christian Bautista; also dreams of having an album for international release

Sam Concepcion shares his views on having a regular loveteam: "Hindi ko pa naman kasi nae-experience yung... feeling ko, maganda rin na may kasama ’kong loveteam na ma-identified with. You know, meron ka talagang kasama sa ginagawa mo at nagka-experience ka. Siguro kung dumating ang tamang opportunity, kung mangyayari naman, mangyayari naman. Iba-iba rin kasi ang ginagawa ko, may movie, may TV, may album—parang in all corners ako ngayon. Kun


Isang pleasant surprise na makita si Sam Concepcion sa launching ng album ni Christian Bautista na First Class Outbound Expanded Edition last week sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam.

Kaya pala nasa launching si Sam ay dahil may duet sila ni Christian na kasama sa album, ang "Rescue You."

Kahit matagal na silang magkasama sa management ng Stages, ngayon pa lang daw ang kauna-unahang pagkakataon na nakapag-collaborate silang dalawa sa isang album.

"Yun kasi, unang-una, magkaiba kami ng genre. Pero pareho kaming Universal.

"Nag-a-upbeat na rin siya and we kind of met halfway to come up with this song," paliwanag ni Sam.

Noon pa man, aminado si Sam na isa si Christian sa mga gusto niyang tularan pagdating sa pagtahak ng kanyang career.

Aniya, "He’s like my big brother. Siyempre, pareho kami ng management.

"Sabay kaming nag-start. We’ve been in this together."

INTERNATIONAL MARKET. Tulad ni Christian, may plano rin daw para kay Sam na ma-penetrate din nito ang Asian market.

"I think, being part of this album, parang isang step na rin yun.

"Siyempre, it’s a big thing for me, huge step into venturing out to other country.

"Siyempre, this album goes out everywhere," sabi ng young singer-actor.

For his part, gumagawa rin daw siya ng bagong album under Universal Records pa rin.

ACTING ACTIVITIES. Bukod sa Angelito Batang Ama, nagsu-shooting din si Sam ng bago niyang pelikula—ang comedy-musical na I Do Bi Doo, Bi Doo.

"I play the lead, kasi dalawang family yun.

"Sa family ko, si Ms. Eugene Domingo ang mommy ko at si Mr. Ogie Alcasid.

"Sa side naman ng girlfriend, si Tippy Dos Santos, ang parents naman niya si Sir Gary Valenciano at si Ms. Zsa Zsa Padilla.

"It’s a musical movie and parang lahat ng mga songs kasi, lahat ng mga APO Hiking songs, ginawan ni Direk Chris Martinez ng story yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s really, really exciting—comedy, family, musical," sambit ni Sam.

Dagdag pa niya, "Si Tippy, matagal ko nang nakakasama kaya kumportable na.

"Ngayon lang ako makakasama sa isang project na kasama sina Sir Gary, Sir Ogie."

ZERO LOVELIFE? Kung si Christian ay umamin na mismo sa launching ng album na girlfriend na niya ang kanyang co-star sa Kitchen Musical na si Carla Dunareanu, kumusta naman ang lovelife ni Sam?

Sagot ng binata, "Actually, naiinggit po ako sa kanya. Kasi, happy siya ngayon.

"Bagong album, may girl. Ako, wala po akong girl ngayon."

LOVETEAM. Choice ba ni Sam na wala siyang talagang consistent na ka-loveteam?

"Hindi ko pa naman kasi nae-experience yung... feeling ko, maganda rin na may kasama ’kong loveteam na ma-identified with.

"You know, meron ka talagang kasama sa ginagawa mo at nagka-experience ka.

"Siguro kung dumating ang tamang opportunity, kung mangyayari naman, mangyayari naman.

"Iba-iba rin kasi ang ginagawa ko.

"May movie, may TV, may album—parang in all corners ako ngayon.

"Kung magla-loveteam ako, dapat focus ako do’n," saad niya.

At dahil sa sinabi niyang may "inggit" siya kay Christian ngayon dahil may girlfriend na ito, is he looking for love?

"Am I looking for love? Hindi... ako, feeling ko, hindi ako naniniwala sa paghahanap.

"Darating lang ’yan. Waiting for it to happen.

"Malay mo kasi, when you are looking too far, nandiyan na pala sa harapan mo," nakangiting sabi ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN