Isagani Yambot, one of the pillars of Philippine journalism, dies at age 77

Veteran journalist and a "pillar of Philippine Journalism" Isagani Yambot Sr. died last Friday at the age of 77 due to heart attack.


Pumanaw nung Biyernes, Marso 2, sa edad na 77, ang isa sa mga itinuturing na haligi ng Philippine Journalism na si Isagani Yambot Sr.

Ayon sa report ng BusinessWorld online, inatake sa puso ang dating publisher ng pahayagang Inquirer bandang alas-3:30 ng hapon ng araw na iyon.

Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas bago ang kanyang atake sa puso ay sumailalim pa sa heart bypass operation si Yambot sa Medical City.

Iniwan ni Yambot ang kanyang misis na si Mildred at anim na anak.

TONDO BOY. Tubong-Tagbilaran City, Bohol, ipinanganak si Yambot nung Nobyembre 16, 1934 sa mga magulang na parehong guro.

Nang lumuwas sa Maynila ang pamilya Yambot, nanirahan sila sa Tondo, kunsaan naging kapitbahay pa nila ang kilalang fashion designer na si Pitoy Moreo at ang kapatid nitong manunulat na si Virginia Moreno.

Nagtapos si Yambot ng kursong Liberal Arts sa University of the Philippines at naging fellow sa Washington Journalism Center.

Nagsimula ng kanyang journalism career si Yambot nung 1953 nang maging desk editor siya ng Manila Times.

Naging editor din siya sa United Press International (UPI) nung 1973, sa Times Journal nung 1983 hanggang 1985, sa Malaya nung 1988, at lumipat sa Inquirer nung 1989 kunsaan na-promote siyang publisher nung 1994.

METICULOUS. Kilalang metikuloso sa grammar si Yambot at itinuturing na isa sa "Twin Pillars of the Struggle for Press Freedom," kasama ang namayapa na ring journalist na si Joe Pavia.

Ayon pa sa inilabas na statement ni Abigail Valte, deputy spokesperson ni Presidente Benigno Aquino III na nagpadala agad ng kanyang pakikiramay, dapat na bigyang puri ang mga naging kontribusyon ni Yambot sa kalayaan sa pagpapahayag lalo na nung panahon ng Martial Law sa Pilipinas.

"Isagani Yambot was a newsman in the no-holds-barred days before martial law, and continued in the profession in the oppressive martial law years; he was one of the links with the pre-martial law press who mentored a new generation of journalists to understand just how much a free press matters, and who stood shoulder to shoulder with his peers each and every time free speech came under attack after (the EDSA revolution).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He was a calm, cheerful presence not only in the newsroom and boardroom of his paper, but in every gathering of note among journalists and between media, civil society, and government. His was a voice of passion yet reason; the loss of his presence will be felt deeply by a nation that knows all a newsman can ask for, in the end, is this simple epitaph: he wrote it, as he saw it, with honest words and with his only master, the truth," sabi ni Valte.

Nagpadala rin ng kanilang pakikiramay ang iba pang mga kilalang personalidad at ahensiya sa pagpanaw ni Yambot.

Ilan sa mga ito ay sina dating U.S. Ambassador to the Philippines Kristie Kenney, kilalang journalist na si Maria Ressa, ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), at ang pinamahalaan din niya noong 2009 na Asia News Network (ANN).

Nakaburol ngayon sa Arlington Funeral Homes sa Araneta Avenue, Quezon City ang mga labi ni Yambot.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi niya sa Biyernes, Marso 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN