Angelika dela Cruz enjoys popularity and high rating of Biritera

Angelika dela Cruz on her career plans: "Gusto kong balikan ang first love ko, yung singing. Gusto kong magawa muna ang mga yun. Siyempre kung si Orion [her husband], gusto niyang mag-baby na ulit. Pero naiintindihan niya. He knows where I’m coming from. Kasi yung mga nakaraang taon ko, alam naman niya na parang roller-coaster. Nagkulong kasi ako when Edward [dela Cruz, her younger brother who died from an accident] died. So, nasa bahay lang ako. Hind


Nag-e-enjoy at masaya si Angelika dela Cruz ngayon sa primetime series niya sa GMA-7 na Biritera.

Para kay Angelika, positive ang lahat ng vibes na dumarating sa naturang serye.

Ang tungkol dito ang ikinuwento ng aktres nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa PPL Entertainment office last week.

Ano nga ba ang meron sa Biritera?

"Well, aside sa masarap kasama ang mga kasama ko do’n, walang may arte. Walang may kahit ano.

"Nag-e-enjoy ako ro’n sa role ko."

Ang character ni Angelika ay bilang nagpalaki sa batang bida na si Roseanne Magan.

Natutuwa rin si Angelika sa magagandang feedback na natatanggap niya sa ipinapakita niyang pag-arte rito.

"Masaya siyempre, lalo na kapag napapansin ang pinaghihirapan mo.

"Minsan, nakaka-flatter yun at mas lalo mo pang pagbubutihan," nakangiting sabi niya.

Marami na siyang ginawang serye in the past, pero sa Biritera raw mas maraming nakakapansin sa kanya. Bakit nga ba?

"Siguro kasi iniba ko ang atake do’n sa role. Hindi yung usual na ginagawa ko noon na mabait.

"Meron siyang ibang attack, ibang mannerism, ibang boses na ginamit.

"May iba... may iba.

"At saka, siguro kasi in the long time, ngayon lang ulit ako nakagawa ng ganyang role kaya mas napapansin, di ba?" saad niya.

RELATIONSHIP WITH ROSEANNE. Hindi itinatanggi ni Angelika na nagkakaroon din siya ng attachment kay Roseanne habang tumatagal silang magkasama.

Ayon sa aktres, "Sweet kasi siya. Sweet siya na bata.

"Malayo pa lang ako, tumatakbo na siya, yayakap.

"At saka, ano, yung personality niya, very endearing.

"At saka bago pa lang siya, di ba, walang training ’yan, walang workshop ’yan.

"Usually, di ba, yung mga ganoon, napapatingin sa camera?

"Pero siya, walang ganoon. Yung mga eksena n’yo, parang matagal n’yo nang ginagawa."

Nakikita ba niya ang sarili kay Roseanne noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Roseanne? Parang feeling ko, hindi.

"Yung bata kasi, may lalim na.

"Ako kasi, noong una, wala, e. Spoiled kasi ako, e."

EXTENDED SHOWING. Isa pa raw sa ikinatutuwa ni Angelika ay ang mataas na rating ng show nila.

Umaasa siyang, ’tulad ng nangyari sa Munting Heredera noon, ay ma-extend daw sila nang mas matagal.

"Wala namang masamang mag-hope, di ba?

"Since libre, lahat kami nagho-hope na parang Munting Heredera," sabi niya.

KONTRABIDA ROLES. Naging sunud-sunod ang kontrabida roles ni Angelika sa mga nakaraan niyang serye kaya mas espesyal sa kanya na mabait naman ang karakter niya ngayon.

Marami na rin daw ang nagtatanong sa kanya kung babalik pa siya sa pagiging kontrabida.

Sagot dito ni Angelika, "May mga nagtatanong nga kung ngayon daw ba, mas magiging mapili na ako sa role ko.

"Isa kasi sa pinakamalaking papel ang role ko sa Biritera, ’tapos mataas nga ang rating niya.

"Pero sabi ko, hindi naman.

"Okay pa rin ako na mag-kontrabida, pero gusto ko yung maganda.

"Siyempre, nanggaling ka na sa maganda, so dire-diretso mo na, di ba?

"Pero siyempre, bahala na ang manager ko, si Perry Lansigan, siya ang magdedesisyon, e."

MARRIED LIFE. Six years nang magkasama si Angelika at ang mister niyang si Orion Casareo.

Sa loob ng anim na taon na yun, masasabi raw ng aktres na mas lalo pang nagiging matatag ang pagsasama nila.

Paano nga ba nila nagagawa yun, lalo pa’t isa yata sila sa hindi naiintriga man lang na showbiz couple?

"Siguro kasi, ang importante sa buhay may-asawa, siyempre the love, respect, kailangan nandiyan—basic yun.

"Pero kailangan, you have to be friends.

"Kasi, at the end of the day, hindi lang siya love, hindi lang siya lust—you have to talk to someone."

FAMILY PLANNING. Tungkol naman sa planong masundan ang anak nilang si Gabby, nagbago na ng statement si Angelika kumpara sa nagdaang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag muna... nagbago ang isip ko. Nag-e-enjoy ako ngayon, e.

"Humingi pa ako sa kanya [Orion] ng two years or a year and a half.

"Nag-e-enjoy kasi ako ngayon sa work ko.

"At saka, sabi nga ni Perry, inaayos niya ang album ko.

"Gusto kong balikan ang first love ko, yung singing.

"Gusto kong magawa muna ang mga yun."

Naiintindihan naman daw ng asawa niya ang desisyon niya.

"Siyempre, kung si Orion, gusto niyang mag-baby na ulit.

"Pero naiintindihan niya. He knows where I’m coming from.

"Kasi yung mga nakaraang taon ko, alam naman niya na parang roller-coaster.

"It’s a really roller-coaster. So ngayon, parang breather muna.

"Nagkulong kasi ako when Edward [dela Cruz, her younger brother] died.

"So, nasa bahay lang ako. Hindi ako lumalabas. Kasi, I was really mourning.

"So, siguro ngayon, ako, unti-unti. Ngayon ko unti-unting nararamdaman at nae-enjoy ang mga kaibigan ko.

"So, I want to enjoy it first.

"Kasi kapag nag-baby ka ulit, naka-focus ka naman sa baby, di ba?

"So, enjoy muna ngayon," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN