Gerald Anderson on "surprising" Sarah Geronimo: "At least hindi promo-promo dahil wala naman kaming dapat i-promote."

"Kung ano po ’yong inspirasyon or feelings na binibigay niya sa akin, ie-enjoy ko muna ’yon. Kung mauuwi po sa friendship, panalo pa rin ako. Kung naging friend ko si Sarah, panalo pa rin ako," says Gerald Anderson about his current relationship status with former movie partner Sarah Geronimo.


Naging usap-usapan ang ginawang pagsorpresa ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo sa programa ng Pop Princess na Sarah G Live noong Linggo, Marso 4.

Katulad ng mga tagasuporta ng kanilang tambalan, ikinatuwa rin ni Gerald ang naging reaksiyon ni Sarah, na napayakap pa sa kanya pagkatapos kantahin ng Pop Princess ang "All Of My Life."

Ayon kay Gerald, "Siguro kasi matagal na ring di kami nagkikita.

"Wala, e, mixed emotions, e, pero good emotions."

Ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa aktor ay ginanap kanina, Marso 6, matapos ang 23rd birthday celebration niya kasama ang beneficiaries ng Cancer Warriors Foundation at Cottolengo Filipim Inc. sa branch ng Jollibee sa C5 Road, Libis, Quezon City.

Sabi pa ng bidang aktor ng Budoy, "Masaya naman ako noong Sunday. Na-surprise po talaga siya. Hindi po niya talaga alam ’yon.

"Nag-decide ako na mag-surprise ako the day itself.

"Noong Sunday, sobrang special ng Sunday na ’yon for me."

"FRIENDS KAMI." Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na bumisita si Gerald sa show ni Sarah.

Naging special guest din si Gerald sa pilot episode ng Sarah G Live noong Pebrero 26.

Sa katunayan, sa naturang episode, hindi sinasadyang natawag ni Sarah si Gerald bilang "babe" na ipinagtaka ng mga manonood.

Ano na ang real score sa pagitan nilang dalawa?

"Friends kami," mabilis na sagot ni Gerald.

"Kasi, masaya naman ako kung ano ’yong nararamdaman ko para sa kanya kapag magkasama kami.

"Okay na ’yon. Okay na ’yon. Hindi naman kailangang lagyan ng label."

Nang tanungin kung bakit tila may "term of endearment" na sila para sa isa’t isa, napangiti lamang si Gerald at sinabing, "Wala. Hindi ko po talaga alam.

"Siyempre, kinilig ako noong sinabi niya ’yon.

"Pero sa ngayon talaga, honestly and truthfully, friends lang kami."

Ipinaliwanag din niya kung bakit "baby girl" naman ang tawag niya kay Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Gerald, "Baby girl talaga kasi sa unang movie namin, ’baby girl’ ang tawag ko sa kanya doon."

Unang nagkasama sina Sarah at Gerald sa pelikulang Catch Me I’m In Love noong nakaraang taon.

Sinundan naman ito ng Won’t Last A Day Without You matapos lamang ang ilang buwan.

"HINDI PROMO-PROMO." Naging biro sa press conference ng pinakahuling pinagtambalan nina Gerald at Sarah na "promo-promo" lang daw ang mga gawi at naging sagot nila.

(CLICK HERE to watch the video.)

Pero ngayon, iba na raw ang interpretasyon para sa mga aksyon nilang dalawa sa harap ng kamera.

Sabi ni Gerald, kung kinikilig man daw ang mga manonood at tagasubaybay nila, "At least hindi promo-promo dahil wala naman kaming dapat i-promote.

"Pero we’re just enjoying each other’s company.

"Like I said, kung ano po ’yong inspirasyon or feelings na binibigay niya sa akin, ie-enjoy ko muna ’yon.

"Kung mauuwi po sa friendship, panalo pa rin ako.

"Kung naging friend ko si Sarah, panalo pa rin ako."

Nang tanungin kung gusto ni Gerald na maging mas higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila ni Sarah, sumagot siya ng "of course."

Subalit agad niyang nilinaw, "Hindi naman po kami nagmamadali.

"Katulad nga po ng sinabi ko, kung friendship lang po ang makukuha ko, okay na okay sa akin ’yon, panalong-panalo na po ako.

"Sapat na po ’yong inspirasyon na binibigay niya sa akin.

"I’m very happy and I’m happy sa mga nangyayari sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN